Levi's POV
"PAGGISING niya dalhin mo siya sa sala, mag-uusap kami." Paalala ko pa kay Sebastian bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.
Ayoko pang bumalik sa kwarto kaya nag-desisyon akong mag-ikot-ikot muna sa hardin.
Umupo ako sa pinakamalapit na bench para magpahangin saglit, at para makapag-isip-isip.
Madilim na ang langit nang makalabas ako, masyadong mahamog kaya wala din akong makitang bituwin.Hindi ko alam kung bakit mas gumugulo pa ang lahat, nung una mukhang madali lang ang misyon ko. Nung makuha ko si Eve at maikulong siya sa bahay ko ay kampante ako na sa maikling panahon ay pagkakatiwalaan niya ako at makukuha ko na ang pakpak ko.
Pero unti-unting naging komplikado ang mga bagay, aaminin ko ngayon na-realize ko na hindi talaga magiging madali ang misyon kong 'to, lalo na at...anak ni Hemesis ang babaeng yun.Pero hindi parin ako naniniwala do'n, dahil kung kalahating anghel siya...bakit ang lampa niya? Ni wala man lang akong maramdamang kapangyarihan sa katawan niya, maski ang kalungkutan ng buhay niya ay kitang-kita sa mga mata niya kaya hindi parin ako naniniwalang ama niya si Hemesis.
Mamaya, dapat maka-usap ko na si Eve. Hindi na dapat patagalin pang wala sa'ken ang mga pakpak ko, kinakabahan ako na sa paglipas ng mga oras unti-unting nawawala ang kapangyarihan ko, 'pag nagkataon...maaaring maging mortal ako o kaya ay mamatay na lang.
At hindi ako papayag na mangyari yun, hindi hanggat hindi pa ako nakakaganti kay Addam, ipapakita ko kay Ama kung sino talaga ang totoong halimaw sa'ming dalawa, ipapakita ko din na hindi lahat ng desisyon niya ay tama, at ang pinakamalaki niyang pagkakamali ay ang ipatapon kaming nga anak niya sa labas ng Ethearium imbes na ang mortal na si Addam.
Hindi ko alam kung ga'no ako katagal naka-upo sa labas nang bigla na lang dumating si Sebastian. Nakapamulsa ito at mukhang pagod na pagod.
Tinitigan kong mabuti ang papalapit niyang mukha sa direksyon ko, siya kaya...balang araw ay pagtataksilan din ako?
"Nagising na ba siya?" Tanong ko dito nang makalapit na ito. Ngunit imbes na sagutin ako ay pinitik nito bigla ang noo ko saka nakapamulsang tumayo.
Ano yun? Para sa'n yun?
"Gising na siya at gusto ka niyang tustahin sa sarili mong apoy ngayon." Aniya habang sapo-sapo ko ang noo ko. Tustahin?
Tsk! Kasalanan naman niya na naligaw siya. Ang gusto ko sanang sabihin kay Sebastian."Hindi niya kasalanan yun, iniwan mo siya kahit na alam mong hindi niya kabisado ang lugar." Binasa na naman niya ang isip ko. Nakakainis talaga kapag ginagawa niya yun.
"Kung hindi niya ako sinampal eh di sana hindi ko makakalimutan na humihinga pa pala siya." Sarkastiko kong tugon. Agad tumaas ang isang kilay ni Sebastian sa'ken.
Bakit na naman? Bakit ba sa tuwing may nangyayare sa mortal na yun tinitignan niya ako na para bang ako ang may kasalanan?"Sinampal ka niya? Bakit? Anong ginawa mo?" Animo'y siguradong-sigurado ito na ako ang may ginawang mali.
"Wala akong ginawa! Actually, dapat nga ay ililigtas ko pa siya! Look, nalunod siya diba? Ginawa ko lang naman kung ano ang dapat gawin sa mortal na nalunod!" Napatayo pa ako para lang ipakita kay Sebastian ang punto ko.
Sa panliliit ng mga mata niya, alam ko na kung ano ang susunod niyang itatanong."Ano ba yung dapat mong gagawin?" Kainis! Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya, kita ko naman na alam niya kung ano yun.
"Tsk! Bahala ka. Dalhin mo siya sa sala, mag—"
"Nandu'n na siya." Putol nito sa sinasabi ko. Nang malagpasan ko ito ay hindi ko pinigilan ang sariling iripan siya. Nakakairita talaga siya.
BINABASA MO ANG
He's Evil (Completed)
FantasyAfter the unsuccessful revolt in Heaven, Lucifer, and the fallen angles were thrown into Infernos and was strip off their wings as a payment for their sin. As the Darkness' last call, Lucifer must find and retrieve his wings hidden in the mortal wo...