"rhian!! Bumaba kana dito at kumain baka malate ka sa eskwelahan mo!" sigaw ni mama sakin
"opo pababa na ako ma!!" kinuha ko muna ang dora kong bag at inayos ko ang mahabang itim na itim kong buhok at bumaba na. nakita ko naman doon si mama na nag hahanda ng aking baon
"oh, wala kana ba nakalimutan? Yung mga note book mo?" umupo naman ako at binigyan ako nito ng tinapay at gatas.
"ayos na po mama, kinakabahan lang po ako" nag taka naman ito na tumingin sakin
"bakit naman?"
"eh kasi mama mga bagong muka ang makikita ko baka wala ang iba ko doon na kaklase" aniya ko, ngumiti naman ito sakin at sinuklay ang aking buhok.
"hay! Kailan pa nahihiya ang anak ko aber?" napa-nguso naman ako sa sinabi ni mama "malapit kana mag nueve anak. Ano ba ang gusto mong handa?"
"kahit ano mama basta po mag kasama tayo" masayang sabi ko, niyakap naman ako nito
"mahal na mahal kita anak, gagawin ko lahat para makapag tapos ka ng pag-aaral at maibigay ko ang pangangailangan mo"
"ako din mama mahal na mahal po kita, mag aaral ako ng mabuti para sayo atsaka sa pangarap natin mama. magiging sikat na fashion designer ako!!"
"aww ang sweet talaga ng anak ko, hala! Sige na baka malate kapa" ngumiti naman ako, nang matapos kami kumain ay hinatid ako ni mama sa eskwelahan ko. Nasa apat na baitang na ako sa elementarya, iniwan naman na ako ni mama ng makapasok na ako sa silid ko. At tama ako dahil puro bago ang naging kaklase ko
"hello ang ganda mo naman?" naka-ngiting sabi ng isang babae na mahaba din ang buhok pero mas mahaba nga lang ang akin.
"s-salamat ikaw din"
"ako nga pala si Swanndy mendez?" inilahad naman nito ang kanyang kamay kaya tinanggap ko yon
"Rhiannon marie Vazquez pero tawagin mo na lang ako rhian dahil iyon ang tawag sakin"
"haha ang haba ng pangalan mo" maya't-maya nagsi-datingan naman na ang iba namin kaklase hanggang dumating ang aming guro.
"goodmorning class!"
"good morning po mam!!"
"ako pala si madam Maria Alonzo ang inyong guro, ngayon mag papakilala tayo sa isa isa upang makilala tayo ng ating bagong kaklase!! Okay!"
"okay po madam!!" isa isa naman tinawag ni madam Alonzo ang aming pangalan hanggang ako na ang tinawag nito. pumunta naman ako sa harapan upang mag pakilala
"magandang umaga sa inyo ako nga pala si Rhiannon Marie Vasquez o Rhian, I am eight years old nakatira ako sa brgy. San" naka-ngiting sabi ko
"ano ang iyong panagarp rhian?" tanong sakin ng aming guro
"gusto ko maging fashion designer madam" ngumiti naman ito sakin
"pag butihan mo hija"
"opo"
"teacher! Teacher!" tumingin naman kami sa isang kaklase namin na tumaas
"ano iyon? Ruel?"
"pwede po ba mag tanong sa kaniya?" tinignan naman ako ng aking guro
"pwede daw ba?"
"pwede po"
"sige ruel ano ang itatanong mo kay rhian?"
"pwede ba kita ligawan!!" bigla naman nagsi-tawanan ang aming kaklase dahil sa sinabi nito "ang ganda mo kasi para kang anghel na pinadala sakin!!" naramdaman ko naman ang pamumula ng aking pisnge
BINABASA MO ANG
The Lost Memories (Dela Ruel Series #1) COMPLETED
General FictionRhiannon marie Vasquez the most popular model and fashion designer that many admire his skill in drawing and making various clothes. What if the person he loved was one of those people he wanted to arrest and imprison. What if his memory came back t...
