Dumaan ang dalawang araw simula nang maka labas ang anak ko sa hospital nandito naman kami lahat sa hapag kainan.
"btw tita and tito ano po pala plano niyo ngayon na nakalabas na si rs?" anya ni veronica hindi ko naman ito pinansin at patuloy lang kumakain. Ramdam ko naman na hindi ako belong sa pamilya nila lalo iba ang tingin sakin nang ina ng binata.
"actually itutuloy na sa sabado" anya naman nang ginang
"why not just next week? beside kakalabas lang ni rs sa hospital" anya ni shan. Nakatira ito sa laguna dahil doon siya muna pansamantala lalo nag papagaling.
umuuwi lang naman ang tatlo nitong kapatid pag may meeting silang pamilya. "maraming taong nag hihintay satin anak at magaling naman ang apo ko" tumingin naman ang ginang sa anak ko "right baby?"
"yes po lola" hindi ko naman mapigilan mainis lalo dalawang araw pa lang ang pahinga nang anak ko.
"pero mommy?" anya ni shan at tumingin ito sa matanda nitong kapatid "kuya?"
"stop shan! bakit kaba kumukotra?"
"iniisip ko lang naman ang kapakanan nang pamangkin ko mom!"
"please shut up! hindi ba kayo nahihiya nakikita kayo nang bata?" anya ni mr. dela ruel tumahimik naman sila
"I'm sorry tito it's my fault" wika nang binata
nang matapos naman kami kumain ay umakyat na kami sa taas iniwan ko naman ang bata sa kanyang kwarto dahil mag uusap kami ngayon nang binata.
"hindi mo ba naririnig ang Sinabi nang mommy mo?" inis kong sabi dito
"I can hear rhiannon! pero ano magagawa ko?"
"what?" natawa naman ako sa sinabi nito "kakalabas lang nang anak natin sa hospital at hindi pa ito nakakapag pahinga nang isang linggo sammuel!!"
"alam ko naman yun rhiannon! ano ba akala mo sakin na sangayon sa gusto ni mom? no!"
"edi kung hindi ka pala sang-ayon edi sana nag sabi ka sa kanila! gosh!" napa-sabunot na lang ako dahil naiistress ako dito. "eto tandaan mo ha sammuel pag may nangyari sa anak ko hindi kita mapapatawad!"
"rhiannon!!" tinig ko pang tawag sakin nang binata nang makalabas ako.
nakita ko naman doon ang dalaga na naka-ngiti na parang nasisiyahan sa ginagawa, "aww lq?"
"none of your business" nilampasan ko naman ito pero hinawakan niya ang aking braso
"binabalaan kita rhian kung ako sayo wag kana pumunta sa grand ball kung ayaw nang mga tao malaman ang tunay mong pagkatao" banta sakin ni veronica ngumisi naman ako at itinanggal ang pagkahawak nito sakin.
"hindi ako natatakot sayo veronica" tinignan ko naman ito "hindi kaba nahiya? kababaeng tao mo habol ka nang habol sa taong wala naman sayong gusto?" bigla naman sumama ang kanyang tingin
"sabagay sanay ka pala dati pa? kahit hindi ka gusto ni sammuel pilit ka pumunta sa bahay nila kahit ayaw ka naman makita... you're so disgusting" pagka-sabi ko sa kaniya iyon ay umalis na ako.
hindi ko naman ako natulog sa may silid namin nang binata dahil tuwing naalala ko na lang ito ay naiinis ako.
"mommy nag away po ba kayo ni daddy?" napa-tingin naman ako sa anak ko na akala ko ay tulog na ito. ngumiti naman ako dito
"no baby, may hindi lang kami napag kaunawaan ni daddy mo"
"mommy i don't want to see daddy to see you fighting" niyakap ko naman ito.
BINABASA MO ANG
The Lost Memories (Dela Ruel Series #1) COMPLETED
Fiksi UmumRhiannon marie Vasquez the most popular model and fashion designer that many admire his skill in drawing and making various clothes. What if the person he loved was one of those people he wanted to arrest and imprison. What if his memory came back t...
