"let's go Rhiannon!!" sigaw sakin ng binata. Nandito ako sa loob ng kwarto upang ayusin ang gamit na dadalhin namin.
"saglit lang nag bibihis na nga ako!" pupunta kami ngayon sa falls, dahil ang sabi nito ay gusto n'ya pumunta dahil matagal na s'ya hindi bumabalik doon.
Pagkalabas ko naman nakita ko naman na kinukuha n'ya ang aming pagkain kay nanay "mag iingat kayo ha?"
"opo nanay"
"ikaw na bahala sa anak ko"
"opo" anya ng binata habang may ngiti sa labi.
Hindi na binabantayan nila mama at ate joan ang kambal dahil sinama nang mag-asawang dela ruel sa ibang bansa. Kaya kahit papaano ay hindi na papagod si mama
"ma alis na po kami"
"oh sige, basta mag iingat ka lalo at malalim pa naman ang tubig doon"
"ma marunong naman po ako lumangoy"
"kahit na rhian! Hindi porket marunong ka" ngumiti na lang ako
"sige na po ma!!" pumunta naman ako sa pwesto ng binata at ni black. Inalalayan naman ako ng binata makasakay habang nasa harap nito ang basket.
Hindi naman mahirap makapunta doon dahil wala naman bundok na aakayatin, hindi ito kagaya ng ibang probinsya na mahirap puntahan. Nang makarating naman kami ay sumalubong samin ang water falls.
"hay!! Grabi ang ganda!" mangha sabi ko. Ngayon ko lang ito napuntahan dahil hindi naman ito pwede lakarin dahil sobrang layo ito sa mansion.
Inilapag ko naman ang basket na dala ko may isang cottage doon dahil sabi sakin ng binata ay minsan may naliligo doon na mga tao nila. Kaya pinalagyan ng daddy n'ya upang may pag-pahingahan ang mga tao.
"tara na sammuel!!" hinubad ko naman ang aking tsenelas, naka short ako at malaking tshirt dahil 'yun naman ang isinusuot ko tuwing naliligo kami sa mga ilog.
Nauna naman na ako tumalon sa binata "grr! Grabi ang lamig!"
"may langis kana ba?" tanong sakin ng binata
"opo! Tara na!" lumangoy langoy naman ako hanggang makarating ako sa may bagsakan ng tubig, sa una ay malamig pero habang tumatagal ay lalo ito nawawala at sumasarap sa pakiramdam ang tubig. Tumalon naman na ang binata at pinuntahan naman ako.
"grabi ang sarap dito sammuel!!"
"yeah, lagi kami dito pumupunta ni shan"
"talaga? Bakit hindi ko naman alam" simangot na sabi ko sa kanya
"dahil ayaw ko pa sayo nun haha"
"edi shing talaga lang na masungit ka!" binasa ko naman ito kaya natawa na lang ako sa naging itsura ng binata
"so 'yan ang gusto mo ha!" tumawa naman ako habang nag babasaan kami, hinahabol naman ako ng binata hanggang maabutan ako nito.
Niyakap naman n'ya ako kaya tumama ang tungki ng aking ilong sa dibdib, napa-tingin naman ako dito habang naka-ngiti. "ang daya mo haha"
"I'm not? Masyado ka lang mabagal Rhiannon"
"anong bagal ka dyan!" hinampas ko naman ang kanyang dibdib
"Rhiannon?"
"hmmm?" hindi ko naman namalayan na masyado na pala malapit ang aming muka, naka-tingin lang ito sakin naramdaman ko naman ang pag-higpit ng kanyang yakap sa'aking baywang. Hindi ko naman mapigilan kagatin ang aking ibabaw na labi.
"don't do that" anya nito habang hinawakan ang aking labi habang nandoon ang kanyang tingin "I want to kiss you but I'm scared"
"s-sammuel" hindi ko naman mapaliwanag ang nararamdam ko ngayon sobrang lakas 'yung tipong gusto makawala ang puso ko.
BINABASA MO ANG
The Lost Memories (Dela Ruel Series #1) COMPLETED
Ficção GeralRhiannon marie Vasquez the most popular model and fashion designer that many admire his skill in drawing and making various clothes. What if the person he loved was one of those people he wanted to arrest and imprison. What if his memory came back t...