Kinabukasan pag gising ko may nakita akong nakaparada na isang sasakyan sa tapat ng bahay namin. "ma!!"
"oh bakit anak?" inituro ko naman ang sasakyan na nakaparada doon "oh nandiyan na pala sige na kuhain mo ang mga gamit natin anak" dagli naman ako pumasok. at kinuha ang iba naming gamit, may lumabas naman na matandang lalaki.
"tulungan ko na kayo marla"
"ay sige salamat rhomy" aniya ni mama, nang matapos namin mahakot ang ibang gamit namin ay nilisan na namin ang bahay. nang makarating naman kami sa mansion ng dela ruel ay namangha ako dahil sa laki ng bahay.
"grabi ma ang laki ng bahay"
"talaga?"
"opo, parang napapanuod ko sa Disney princess na may mga malalaking palasyo"
"tara na anak pasok na tayo" pumasok naman kami pero ang aking mata ay ginala ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko maiwasan mamangha sa taglay ng ganda ng palasyo.
Nang makapasok naman kami sa bahay ang kanilang sahig ay marbol, nag hanap naman ako ng hagdanan pero wala ako makita may mga nakasabit naman sa dingding na family picture ng dela ruel.
"ma, paano sila makakaakyat kung wala naman hagdanan?" takang tanong ko sa nanay ko, tumawa naman ito sakin
"hindi sila gumagait nun anak, ang ginagamit nila ay elevator"
"pero diba ma sa mga mall lang naman ang gumagamit nun?"
"yup, pero may ganun din ang mga dela ruel" tumango naman ako, pumunta naman kami sa isang silid kung saan ang mga kasambahay na natutulog.
"dito ang magiging kwarto niyo nanay marla" aniya ng isang babae na mas bata kay mama
"ah sige salamat rose"
"walang anuman po, bukas pa naman ang inyong duty kaya pwede pa kayo makapag-pahinga maiiwan ko na po kayo" tumango naman ito. tinignan naman namin ang kwarto namin ni mama mas malaki pa ito sa space ng aming bahay
may dalawang kama naman ang naka-lagay doon samantala may malaking kabinet doon na mukang mag kakasya naman ang aming gamit. ang kwarto na iyon may isang banyo kung saan kami lang ang pwede gumamit.
ang sabi nila ang bawat kwarto ay may kanyang-kanya na banyo dahil ayaw ng dela ruel na may iba pang gagamit nun. ng bandang hapon naman ay tinawag kami upang makilala kami ng mag asawang dela ruel. sumakay naman kami sa elevator na sinasabi ni mama
hanggang ngayon ay namamangha pa din ako sa itsura ng mansiyon nila, nang makarating naman kami ay kumantok muna bago pumasok. nakita naman namin ang mag asawa habang may kasama itong dalawang lalaki. at may kalong-kalong naman ang mrs. dela ruel na sanggol
"nanay!!" tumakbo naman ang isang lalaki kay mama at niyakap ito sa tingin ko ay mas matanda ito sakin ng ilang taon.
"kamusta na shannon?"
"i'm okay nanay i miss you" ngumiti naman si mama
"hahaha i miss you too anak" tumingin naman ito sa mag-asawa, nag tago naman ako sa likod si mama " magandang hapon po sir simmion at mam almira"
"magandang hapon din sayo marla" naka-ngiting sabi ni mrs almira "your kid?"
"ah, opo anak ko pala mam and sir" tinignan naman ako ni mama at ngumiti ito
"m-magandang hapon po mrs. dela ruel and mr. dela ruel"
"aww your child is so beautiful right honey?"
"yeah" tumingin naman sakin ang matandang dela ruel "what's your name hija?"
"salamat po, ako nga pala si Rhiannon Marie Vasquez" hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan dahil sobrang seryoso ang muka ni mr. dela ruel hindi ko ito maitatangi na sobrang lakas ng kanyang dating hindi makikita sa kaniya na may mga anak ito at asawa.
BINABASA MO ANG
The Lost Memories (Dela Ruel Series #1) COMPLETED
قصص عامةRhiannon marie Vasquez the most popular model and fashion designer that many admire his skill in drawing and making various clothes. What if the person he loved was one of those people he wanted to arrest and imprison. What if his memory came back t...
