A5

157 3 0
                                    

"You have a new jacket hijo?" aniya ni mrs. Dela ruel napa-tingin naman ako sa binata at suot nito ang binigay kong jacket sa kaniya. Napa-ngiti naman ako dahil hindi ko akalain na gagamitin niya 'yon. Madami itong jacket dahil mahilig siya at puro mamahalin 'yon.

"I think it was an important person who gave you that cousin" aniya ni chad habang may nakakalokong ngiti sa labi nito.

"really? Who?" aniya naman ni mrs. Dela ruel

"I think friend?"

"friend?" saba'y-sabay nilang sabi habang naka-tingin sa binata bigla naman ako namula dahil hindi ko alam na ganon ang reaction nila. Tinignan ko naman si mama at may ngiti ito sa labi habang umiiling

"who's your friend to give you that jacket kuya?"

"Rhiannon" simpleng sabi nito habang hindi sila tinitignan. Napa-tingin naman agad sila sa may pwesto ko.

"alam mo manahe rhian?" mangha na sabi ni mrs. Dela ruel

"opo tita"

"aysus! Hindi niyo ba alam mom. Lagi nag dra-drawing yan si rhian ng mga damit"

"do you want being fashion designer huh?" aniya naman ni mrs. Velasco ang mommy ni chad

"o-opo pangarap ko po kasi 'yon mam" nang sabihin ko 'yon ay nginitian lang nila ako. Hanggang matapos ang umagahan nila ay hinintay naman ako nila sa may labas. Hindi naman nawala ang ngiti ko sa labi hanggang makarating ako sa room.

Ang sarap lang sa pakiramdam na sobra niyang na gutsuhan ang ginawa ko para sa kanya. Nakita ko naman ang mga kaibigan ko kaya umupo na ako sa pwesto ko.

"bakit kaya ang saya ng kaibigan natin?" aniya ni diego. Wala pa naman si mrs. Alonzo

"baka naman?" may ngiti naman sila sa labi habang naka-tingin sakin "ano kaya nangyari sa party ng panganay ng dela ruel?" aniya ni angel

"naibigay ko ang regalo ko sa kanya"

"tapos?" aniya naman ni swann na parang gustong-gusto malaman ang nangyari

"actually nagustuhan niya at suot niya ito habang papasok na kami. 'yon daw ang pinaka nagustuhan niya sa lahat na nag regalo sa kanya" naramdaman ko naman ang pamumula ng aking muka

"wow iba din ang isang Rhiannon marie Vasquez" na tawa naman kami dahil sa sinabi nito

"may gusto siya sayo bal?" aniya ni diego. Nagulat naman ako sa sinabi nito

"sabagay hindi 'yon maiiwasan lalo matagal kayo mag kaibigan tapos mag kasama pa kayo sa iisang bahay" dugtong na sabi ni Christian

"imposible 'yon dahil ang alam ko may nagugustuhan si sam" sabat na sabi ni angel

"w-wala naman sinabi sakin si sammuel"

"hindi porket mag kaibigan kayo ay sasabihin niya na. ayaw ka lang niya na masaktan"

"sino naman nag sabi sayo n'yan angel?"

"si ate nakikita kasi nila si sam. Na tuwing dumadaan si veronica sa classroom nila ay tumititig ito sa babae"

Napa-yuko naman ako dahil hindi ko naman alam na may nagugustuhan ang nag iisang kong kaibigan. Nakita ko ang babae kagabi kasama n'ya ang magulang. Pero kasama ko ang binata hanggang matapos ang kanyang kaarawan.

"kaya 'yon ang tingin ko" sabi pa ni angel

"sinasabi mo ba kaya hindi maka-porma si sam kay veronica dahil ayaw n'ya masaktan si rhian?"

"oo ganon na nga" hindi na ako nakinig sa usapan nila dahil parang nasaktan ako sa nalaman ko. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman.

Hanggang dumating si madam Alonzo nag paquiz naman ito. Mabuti ay nasagutan ko lahat at naka-pasa din ako dahil naging lutang ako sa buong araw dahil sa kakaisip ko sa sinasabi samin ni angel.

The Lost Memories (Dela Ruel Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon