"Anong klaseng pagkain naman binibigay sa inyo dito baby girl! gosh!" nandito naman ang tatlo kong kaibigan at pati si dra. trinity
"bakla! malamang ganyan talaga pag dito ka hindi magaganda ang mga pagkain"
"tumigil nga kayong dalawa" wika ni swan, hinawakan naman nito ang aking kamay "pupunta si ate joan dito"
"ba-bakit?" mahinang tanong ko
"gusto niya tumulong sa kaso mo rhian at nandito din kami para tumulong p-pero kailangan mo maging malakas lalo dalawa kayo" dahan dahan ko naman kinuha ang kutsara at inumpisahan kumain.
"btw kasama namin si dra. trinity kada linggo kami bibisita para sa inyo nang baby mo ha"
"h-hindi niyo naman dapat ito ginagawa"
"kaibigan ka namin baby girl hindi ka namin hahayaan na mag hirap dito" ngmuiti naman ako nang tipid. May inilapag naman si dra. trinity nang isang supot nang mga gamot habang chineck niya din ang kalusugan ko.
"kailangan mo inumin yan rhian para walang mangyari kay baby"
"w-wala na ba ako iinumin na iba? pa-para hindi mapahamak ang anak ko?" nag-aalalang sabi ko
"wala na iyan lang sundin mo lagi ang sinasabi ko kailangan mo nang sapat na tulog at pahinga rhian hindi mo din kailangan maistress"
"p-pero paano? k-kung lagi naman pumapasok sa isip ko iyon? si rs kamusta h-hinahanap ba ako?"
"tiwala lang alam ko hindi lahat nang nasa kulungan ay ganyan rhian. Lagi ka hinahanap nang anak mo rhian"
napa yuko naman ako nang sabihin niya yun... sigurado ako na umiiyak iyon lalo wala ako sa tabi niya.
"oo nga baby girl atsaka alam naman natin na wala kang kasalanan at wag ka mag alala pag may chance kami hihiramin namin si rs"
"ta-talaga?" tumango naman sila... nakaramdam naman ako nang excitement.
habang kumakain naman ako ay binibilinan nila ako lagi at may nakuha naman na daw silang attorney para sakin. Hindi ako natatakot sa mangyayari sakin ang kinatatakutan ko na pag labas ko ay wala na ang taong gusto ko makita.
lumipas pa ang isang linggo ay mas lalo hindi naging maganda ang naramdaman ko sa loob nang kulungan lalo kay helen minsan nagigising ako nang binubuhusan ako nang tubig. Minsan naman ay kinukuha niya ang pagkain ko kaya nakakain lang ako pag dinadalaw ako nang mga kaibigan ko.
ang tanging lakas ko na lang ang litrato nang mag-ama ko alam ko galit nag alit sakin ang binata pero hindi ko magawa na magalit sa mga sinabi niya sakin dahil alam ko naman na deserve ko iyon lahat.
itinatago ko naman ang mga pasang nakukuha ko kila helen upang hindi mag alala si ate joan pag bumisita na ito.
"hoy pretty girl!!" lumingon naman ako sa kanila
"hindi ko akalain na asawa ka nang panaganay ng mga dela ruel? bakit ka kinulong?"
"baka ayaw nang pamilya nung lalaki boss?"
"sa ganda niya yan tapos isa pa siyang fashion designer diba!! reach!!! hahaha" nag apiran naman sila pero hindi ko na lang pinansin. Nalaman ko naman na binabash na ako nang mga tao at ang pangalan ko ay nababahidan nang isang masamang imahe.
malapit na ang first hearing kaya kailangan na ako kausapin nang aking attorney about sa nangyari sa nakaraan ko. Pero iniisip ko pa lang ang tanong niya ay parang hindi ko kaya sagutin
"oh tanghalian na!!! lumabas na kayo diyan!!" sigaw nang pulis. Tumayo naman ako at nag pahuli sa kanila.
nang makarating naman kami sa may canteen ay pumila naman na ako upang kumuha nang pag kain. "salamat po"
BINABASA MO ANG
The Lost Memories (Dela Ruel Series #1) COMPLETED
Fiksi UmumRhiannon marie Vasquez the most popular model and fashion designer that many admire his skill in drawing and making various clothes. What if the person he loved was one of those people he wanted to arrest and imprison. What if his memory came back t...
