Kinabukasan ay hindi ako kumain at nanatili lang ako sa may kulungan wala akong gana para kumain, ilan besses naman ako kinakausap nila Joanna at katrina ay hindi ako sumasagot at nanatili lang tahimik at tulala.
gusto ko na umalis dito, gusto ko na makawala
pero paano? kung hindi pa natatapos ang aking kaso bukas na agad ang first hearing ko dahil gusto na matapos nang pamilyang velasco at maipakulong na ako.
kung tunay na aksidente ang nangyari sa dalawang velasco at hindi ko pinatay ay pwede mawalan nang bisa ang aking kaso. Pero kung hindi naman ay mananatili pa din ako hangga't wala pa kaming katunayan sa nangyayari.
naka-higa lang naman ako dahil buong gabi ay hindi ako naka tulog dahil tuwing ipipikit ko ang aking mata ay na aalala ko ang sinabi sakin ni helen.
"rhian!!!" napa-tingin naman ako kay katrina nakakadarating lang habang hingal na hingal ito.
"ba-bakit?" takang tanong ko dito
"si Joanna at si helen!" napa-tayo naman ako at pumunta sa may canteen. Nakita ko naman ang pagkakaguluhan doon at nakita ko na bugbog sarado na si helen kaya lumapit ako kay Joanna upang pigilan.
"tandaan mo! walang pwede gumalaw sa grupo ko! hindi lang yan ang matatamo mo helen" galit na galit ito habang naka-tingin kay helen na nahihilo.
"tama na Joanna!" hinila ko naman ito palabas hanggang makarating kami sa kwarto. "ano ba kasi ang ginawa mo! hindi mo ba alam na pwede ka mapahamak sa ginawa mo ha?!" inis kong sabi
"bawal dito ang may gintong puso rhian" seryoso nitong sabi sakin "hangga't alam nila na kaya ka nila tapakan gagawin nila iyon hanggang dito ka na lang abutan nang kamatayan mo"
"oo rhian ang mga tao dito ay mas mabangis pa sa hayop wala kang makikitang na kagaya mo na masyadong mabait dahil kung mabait ka mas lalo ka lang pag iinitan nila"
hindi naman na ako nag salita habang busy sa pag gagamot nang sugat ni Joanna. Nung una pa lang ay alam ko na pala away ito dahil lagi na lang pumupunta si ate joan sa school nang dahil sa kanya.
maganda si Joanna kaso nga lang ay pagka-boyish kung kumilos at mga suot. tinuturuan ko ito kung paano mag ayos na bilang babae kaso ayaw mas gusto nito mag laro nang basketball at volleyball sa lugar namin.
"sigurado ako na mananahimik na yan si helen" anya nung isa namin kasamahan
"talaga pag hindi pa iyan manahimik makikita niya talaga" wika ni Joanna
"paano yan rhian bukas na ang hearing mo? tas ganyan ang muka mo namamaga?" anya ni katrina. Napa buntong hininga naman ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa ako masyadong makakita sa kaliwang mata ko at sariwa pa ang sugat ko.
"hindi ko alam panigurado ako magagalit si ate joan" tinignan ko naman si Joanna na seryoso lang. maya't-maya bigla na lang ako tinawag nang pulis at may bisita daw ako.
nakita ko naman doon ang attorney ko at sila trinity swann at si ate joan, nang makita nila ako ay gulat na gulat sila sa itsura ko dahil may malaking bulak sa muka ko upang takpan ang hiwa habang ang aking mata ay namamaga pa din hanggang sa may labi ko.
hindi naman nila alam na mas marami pa ako natamong pasa sa pananatili ko dito na mahigit dalawang linggo.
"a—anong nangyari sayo!" bigla naman napa-iyak si ate nang makita ako at niyakap
"ayos lang ako ate joan"
"you're not okay rhian" wika ni swann habang nag pipigil ito nang galit "sino gumawa sayo niyan?"
"w-wag kayo mag-alala gagaling din naman ito" nagulat naman ako nang pictureran ako ni attorney Juarez habang ngumisi ito na parang may inaasar sa txt
BINABASA MO ANG
The Lost Memories (Dela Ruel Series #1) COMPLETED
Fiksi UmumRhiannon marie Vasquez the most popular model and fashion designer that many admire his skill in drawing and making various clothes. What if the person he loved was one of those people he wanted to arrest and imprison. What if his memory came back t...