SPECIAL CHAPTER

199 6 0
                                        

"SLYN!!" dinig na tawag sakin ni kuya kaya naman ay nag mamadali ako bumaba at nakita koi tong may hawak na chocolate ice cream.

"Kuya!!" niyakap ko naman ito "para akin ito?"

"yes baby, but gumawa kana ba nang assignment mo?" tanong nito

"opo kakatapos lang po, ihanda ko lang ito ha!" tumango lang naman ang nakakatanda kong kapatid habang pumunta ako sa may kusina.

"where's mom and dad?"

"nasa farm kuya sinamahan ni daddy si mommy mamitas nang gulay" umupo naman ito sa may stool kaya inilagay ko na iyon sa harap niya.

"oo nga pala may naririnig ako sa school niyo totoo ba iyon?" kunot nitong sabi, nag taka naman ako sa sinasabi nito

"huh? ang aling yun kuya rafaell?"

"who is courting you?" nakita ko naman ang pag dilim nang muka nito kaya napa-nguso naman ako

"h-hindi ko naman iyon sasagutin!" nakakatakot naman ito dahil parang ito si daddy lalo pag usapan lalaki.

"talagang hindi mo sasagutin tandaan mo Ramora Slyn ilang taon ka pa lang" anya nito

"bakit ikaw kuya diba may gusto ka kay ate Azariell!!" nakita ko naman ang pamumula nito.

"no way!! yung matabang iyon never!" ngumsi naman ako kay kuya.

"talaga? eh bakit namumula ka? hindi naman mainit ah?" pang-aasar ko dito

"i-I'm not!" lumapit pa ako para maasar pa lalo

"talaga?"

"o-oo nga!"

"kahit magka-boyfriend ako wala kang gusto?"

"oo nga ang k- NO! hindi ka pwede mag boyfriend Slyn!!" napa-balik naman ako sa aking pwesto dahil nandoon nanaman ang dragon.

narinig ko naman ang sasakyan ni daddy kaya dali-dali ko naman sila sinalubong "daddy! mommy!"

"hello darling!" hinalikan naman kami ni mommy sa nuo habang si daddy ay hinalikan ko sa pisnge.

"nag miryenda na ba kayo?"

"opo mommy may pasulubong si kuya rafaell nang ice cream!" masayang sabi ko. Tinignan naman ni mommy nang masama si kuya kaya nag tago ito sa likod ni daddy

"how many times I told you rafaell na hindi kayo muna pwede sa malamig?"

"p-pero mommy gusto ko na po namin kumain" wika nito

"oo nga po mommy" sangayon ko din. Tinignan naman ni mommy si daddy

"oh ano ikaw din?" ngumisi naman ito at nilapitan si mommy

"it's okay baby mga bata pa ang anak natin hayaan mo sila sayo lang din naman nag mana sa katigasan nang ulo" sabay kindat ni daddy samin kaya nag tawanan kami ni kuya.

"oh sya! sige na mag palit na kayo at mag luluto ako nang miryenda natin" lumapit naman kami sa dalawang taong mahalaga sa buhay namin.

"I love you mommy and daddy!!!" sabay namin sabi ni kuya rafaell

The Lost Memories (Dela Ruel Series #1) COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon