Araw araw naman ako dinadalaw nang anak ko mabuti na lang ay wala na ito pasok sa kanilang school kaya minsan naman ay hindi ako naboboring dahil kasama ko siya.
kahit papaano naman ay naiigalaw ko na ang aking mga daliri kaya minsan nakakapag sulat ako nang aking sasabihin.
"nasaan ang daddy mo anak?" tanong ko dito.
"sabi niya mommy may aayusin lang daw siya pagkatapos po pupunta na siya dito!" hindi ko ito naramdaman dahil ang huling kita ko dito ay nasa hearing pa kami.
ang aking tiyan ay four months na pero hindi pa ito Malaki dahil hindi naman ako masyado pala kain at wala naman akong cravings.
"mommy ano po magiging name ni little sis?" binigay naman nito saking ang papel at lapis.
"ano ba gusto nang anak ko?" tumingin naman ito sakin.
"wala pa ako naiisip mommy eh! siguro po tanong ako kay daddy!"
"okay po ikaw bahala" nang bandang hapon naman ay dumating sila swann at sinabi nito sakin kung saan niya nakita si chad.
"bumaba na ako nung alam ko ayos kana at alam ko hawak kana ni ate joan rhian, pasensya na kung hindi ko agad sinabi sa iyo o sainyo"
"pero bakit mo pa kailangan tulungan ang tao?" anya ni Christian
"dahil alam ko gagawin din iyon ni rhian kung sakali hindi siya nawalan nang malay" napa-ngiti naman ako sa sinabi nito.
"hindi naman ako galit nag papasalamat pa din ako dahil iniligatas mo siya ... Kahit naging ganoon si chad sakin ay itinuring ko na siya bilang kapatid" sabi ko sa kanila habang naka sulat iyon sa papel
"hinuhuli na si veronica" anya ni ate joan. napa-tingin naman ako dito "kahit hindi mo sabihin bunso alam ko siya ang dahilan kung bakit nag hihirap ka sa loob nang kulungan"
napa-yuko naman ako dahil akala ko hindi nila malalaman. "So alam mo din nasa loob si Joanna?"
tumalikod naman ito upang ihanda ang makakain ko "yeah"
"wag ka mag-alala makakalaya sila" binigay ko naman iyon kay diego upang mabasa ni ate joan
"p—paano?" ngumiti naman ako. Kinausap ko naman si swann dahil alam ko siya ang pwede tumulong sakin.
lumabas naman muna kami upang pumunta sa isang garden nang hospital dahil sabi nila steve at trinity na masarap ang hangin doon.
"gusto mo humanap nang magaling na attorney?" tumango naman ako. Kahit papaano naman ay nagagalaw ko na ang aking ulo pero ang aking katawan ay hindi pa.
"gusto ko sana malaman kung sino ang nag pakulong sa kanila.... ikaw lang ang tangi ko pwede hingian nang tulong habang ganito pa ako" ngumiti naman ito sakin
"kahit kailan talaga rhian kahit ganyan kana iniisip mo pa din ang mga taong nasa paligid mo"
"dahil tinulungan nila ako swann gusto ko ibalik ang tulong na binigay nila sakin kahit hindi nila iyon hinihingi" tumingin naman ako sa malayo. Lumakas naman ang hangin habang sumasabay ang aking buhok.
sobrang lamig nang hangin tipong walang problema, minsan napapa-isip ako na siguro masarap maging isang hangin dahil parang wala itong problema.
"wag ka mag-alala tutulungan kita may kilala ako na pwede kumuha nang information" anya ni swann. May sinulat naman ako sa papel
"si attorney Sebastian dela ruel at si attorney Xavier Juarez ang gusto ko humawak sa kaso nila Joanna at katrina"
"sige susubukan ko sila kausapin" ngumiti naman ako

BINABASA MO ANG
The Lost Memories (Dela Ruel Series #1) COMPLETED
General FictionRhiannon marie Vasquez the most popular model and fashion designer that many admire his skill in drawing and making various clothes. What if the person he loved was one of those people he wanted to arrest and imprison. What if his memory came back t...