A49

197 4 0
                                        

Isang buwan bago ako maka-labas nang hospital dahil kailangan nila tignan ang aking lagay nakakalakad naman ako dahil magaling mag alaga ang anak ko at ang binata. Hindi sila umalis sa tabi ko at sila ang nag bantay sakin.

nag aalala naman ako sa trabaho nang binata dahil lagi na siya nandito at hindi na ito pumapasok pero ang sabi niya lagi ay "I'm the ceo"

kaya natatawa na lang ako sa kayabangan niya dahil meron naman ipag yayabang. "ibig sabihin daddy uuwi na si mommy sa house?"

nagka-tinginan naman kami nang binata dahil hindi pa namin pinag uusapan kung saan ako tutuloy lalo galit pa si ate joan kay sammuel.

naging nurse naman si ate joan sa hospital ni steve, kung hindi ko pa nga tatanungin ang binata ay hindi ko malalaman na naka-confine pala ako sa hospital nang dela ruel.

"yes baby" naka-ngiting sabi ko nakita ko naman ang gulat sa mata nang binata

"it's okay if you don't go there first baby"

"why? it's my home right? hindi na ba ako pwede?"

"n-no no it's not I mean, ba-baka napipilitan ka lang" anya nito na hindi maka tingin sakin

"you're my family sammuel ayaw ko naman na hindi ko kasama ang asawa ko at ang anak ko" hindi ko alam kung may nakakagulat sa mga sinasabi ko dahil sa nagiging reaction niya. Hinalikan naman ako nito sa noo.

"thank you baby, thank you to come back to our family" ngumiti na lang ako habang inaayos namin ang gamit ko.

nabalitaan ko naman na gawa na ang pinapatayo kong boutique tinatanong ko naman si swann kung sino ang nag babayad nun ang sabi nito ang binata. Kahit ang mga ginawa kong damit na nasa apartment ko ay inilagay na doon.

"hello guys!!!" nagulat naman kami nang pumasok ang mga kaibigan ko at sila steve at trinity "baby girl I miss you!!!" anya ni diego at tumakbo papunta sakin. akmang yayakapin sana ako nito nang harangin siya ni sammuel

"your boy" mababang sabi nito

"gosh bakla!! may possessive pala ang mister mo" natawa naman ako.

"kamusta ka naman rhian?" anya ni steve habang naka –ngisi sa kuya nito

"I'm fine, actually hindi naman na sumasakit ang binti ko"

"good to hear that basta kung may nararamdaman ka tawagan mo na lang kami ni trinity" tumango naman ako

"salamat"

"btw here rhian, ayan ang mga pwede mo inumin lalo ilang months pa lang ang tiyan mo" anya ni trinity sabay tumingin kay sammuel "and kuya sam please he can't be stressed hindi kagaya si rhin dati kung makapit si rs ngayon ang baby girl niyo ay hindi"

"i understand"

"mommy makapit po ako?" ginulo ko naman ang kanyang buhok

"yes baby kaya nga kulit-kulit mo dati eh haha" ngumuso naman ito

"but I'm a good boy right baby?" anya nito habang ang kanyang tainga nasa tiyan ko. Natawa naman ako dito.

hinintay naman namin muna si ate joan bago kami umalis doon "mag iingat ka doon bunso ha"

"ano kaba nandyan naman ang dalawang lalaki ko" pabirong sabi ko. tumingin naman ito sa asawa ko

"kay sam wala akong tiwala bunso"

"ano ka ba ate lahat tayo nag kakamali walang taong perpekto. Kaya ko siya pinatawad dahil alam ko nag kamali siya and he admit it" napabuntong hininga naman ito

"fine, siguro ngayon hindi pa pero alam ko darating din na mapapatawad ko siya"

"basta tandaan mo ate, trust the process okay?" ngumiti naman ito at tumango. Sinamahan naman ako nito papunta sa may kotse namin.

The Lost Memories (Dela Ruel Series #1) COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon