6 na buwan ang lumipas simula na wala si mama at hanggang ngayon hindi ko pa din kaya tanggapin. ang katawan ko na tuluyan na bumagsak ang aking muka na sobrang taba ngayon naman ay namayat. maraming nag bago sa sarili ko simula na wala ang taong kinakapitan ko.
gabi-gabi na lang ako dinadalaw ng masamang panagip kaya wala na din ako'ng maayos na tulog hindi ako lumabas ng bahay hanggang matapos ang bakasyon. nag kulong lang ako sa bahay. malayo ang bayan dito sa tinitirahan ko kesa sa laguna kaya mahirap din bumili ng mga pangangailangan ko.
nakita ko naman ang iniwan ni mama sakin na pera halatang matagal na ito nag iipon dahil napuno niya ang dalawang baboy na Malaki. hanggang mag-pasukan ay nag enroll ako ng fourth year high school sa bolinao national high school.
marami naman sumubok na maging kaibigan ko pero kahit isa ay wala ako pinansin. nagiging tulala ako araw-araw at pag umuuwi ako sa bahay ay lagi ko agad hinahanap si mama pero kahit ang anino nito ay hindi ko nakita.
lagi naman ako umiinom ng pills na pang patulog dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. minsan ang tulog ko na tumatagal ay isang oras lang dahil tuwing ipipikit ko ang aking mata ay lagi ang masamang panaginip ang nakikita ko.
sabado naman ngayon at wala kami pasok, may kuryente ako pero wala naman tubig mabuti na lang ay may isang balon at poso sa malapit ng bahay na tinitirahan ko ang sabi kasi nila talagang pina-tayo iyon ni mama at ang kapatid niya.
Tinanong ko naman sila kung nasaan ang kapatid niya dahil hindi ko man lang ito nakita noong lamay ni mama kahit ang libing nito. pero ang sabi nila ay matagal na ito patay.
papunta naman ako ngayon sa bayan upang mag hanap ng trabaho kahit mag titinda lang ng isda o gulay. basta may pakikitaan ako dahil ayaw ko igalaw ang inilaan ni mama para sakin.
"sige na ate jean?" pangunulit ko dito may asawa na ito na si kuya mark at may tatlo na silang anak. mukang mga bata pa ang mga ito dahil halata iyon sa kanilang itsura sila ang naging kausap ko dahil sila lang ang malapit sa tinitirahan ko.
"sige na sige na! pero siguraduhin mo hindi mo pababayaan ang sarili mo?"
"opo" nag simula naman ako ngayong araw buong araw ako nasa palengke. kung dati ay lagi ako naka-ayos ang aking buhok ay lagi nasusuklayan o lagi naka-pusod ngayon naman ay pinupusod ko na lang ito kahit hindi ako nag susuklay.
marami din natatakot sakin dahil sa itsura ko. parang daw ako bungo dahil sobrang itim sa ilalim ng aking mata at lubog na lubog ang aking pisnge.
tuwing sabado at linggo ako nasa palengke upang tumulong kay ate jean dahil pag lunes hanggang biyernes ay abala ako sa pag-aaral lalo last year ko na ito sa high school.
Kinabukasan alas kuwatro ay gising na ako upang mag handa dahil sasabay ako sa garong nila kuya mark at ate jean papuntang bayan. "magandang umaga po sa inyo ate jean at kuya mark"
"magandang umaga din rhian. kumain kana?" tanong sakin ni ate jean
"hindi po. kailangan ko mag-tipid" nag buntong hininga naman ang mag-asawa
"pero hindi mo kailangan na gutomin ang sarili mo"
"hindi naman po ako nagugutom ate sanay na po ako hindi kumakain sa umagahan at kagabihan"
"ano!?" gulat nilang tanong "h-hindi ka kumakain sa gabi? jusko kang bata ka! gusto mo ba patayin ang sarili mo?" napa-yuko naman ako.
"h-hindi naman po sa ganun ate" hindi ako sanay na mag-isang kumakain dahil nawawalan ako nang gana. dahil tuwing tanghali at may pasok ako may kasabay ako dahil marami ako studyante na nakikita at tuwing sabado at linggo naman ay kasabay ko kumakain si ate jean.
BINABASA MO ANG
The Lost Memories (Dela Ruel Series #1) COMPLETED
Ficción GeneralRhiannon marie Vasquez the most popular model and fashion designer that many admire his skill in drawing and making various clothes. What if the person he loved was one of those people he wanted to arrest and imprison. What if his memory came back t...
