A9

152 4 0
                                        

"mama!" dali-dali naman ako pumasok sa loob ng bahay. Nagulat naman ako nang bigla na lang may nag hagis ng confetti. "happy birthday anak!!" napa-ngiti naman ako.

"thank you po!!" isa isa naman nila ako binati nandoon din ang mga kaibigan ko

"anak maupo kana at makakain kana" masayang sabi ni mama

"salamat ma ha. Kahit naman hindi ganito ayos lang po sakin"

"okay lang anak at minsan ka lang makaranas ng ganitong celebration"

"salamat po ma, mahal na mahal po kita"

"mahal na mahal din kita anak" may kinuha naman ito sa isang paper bag "buksan mo anak"

"a-ano to ma?"

"regalo ko sayo" binuksan ko naman 'yun at nakita ko ang isang dress na kulay puti na may bulaklakin ito sa ibaba.

"s-salamat ma!" niyakap ko naman ito

"nagustuhan mo ba?"

"opo sobra po!" masaya naman ako nang araw na 'yun hindi ko akalain na pag hahandaan ako nang ganon ni mama. dahil simula bata pa ako ay mag luluto lang ito ng kakanin at pansit para sa kaarawan ko at hindi ako sanay na may mga bisita ako.

Naalala ko naman bigla ang binata simula nang sabihin sakin 'yun ng babae ay hindi ko na ito nakakausap minsan nakikita ko naman ang kanyang tawag pero hindi ko na 'yun nasasagot upang maka-pag pahinga na din ito nang maaga.

Nakakalungkot lang dahil akala ko s'ya ang unang babati sa araw ng kaarawan ko pero kahit mensahe lang ay wala ako na tanggap. Hindi ko naman alam kung nakalimutan n'ya lang ba ito dahil sobrang s'yang busy.

Pero lumipas ang oras hanggang naging araw ay hindi ito nag paramdam sakin. Nag abang ako hanggang sa pag uwi nito upang maka-usap ko s'ya pero tuwing tatawag ako ay lagi namamatay.

Hanggang lumipas ang buwan at bakasyon na kaya excited na ako dahil makikita ko ulit ang binata. pero natatakot ako dahil sa ginawa ko na hindi ako nag paramdam sa kanya. nandito naman ako sa may kwarto dahil hindi na ako sumama sa pag sundo sa kanila.

"ano ang gagawin ko ngayon?" kinakabahan naman ako. maya't-maya bigla naman pumasok si mama sa kwarto at nag tataka itong tumingin sakin.

"oh ano nangyari sa muka mo anak?"

"ma kinakabahan ako"

"bakit naman? saan ka kinakabahan?" umupo naman ito sa harapan ko. sinabi ko naman sa kanya lahat lahat kung bakit hindi na ako tumawag sa binata.

"hindi lahat na sinasabi ay totoo anak"

"pero ma 'yun kasi ang sinabi sakin noong babae atsaka s'ya ang kasama ni sammuel" inis kong sabi

"nag seselos ba ang anak ko?" napa-tingin naman ako dito

"h-hindi ma! w-wala naman ako magagawa kung may magustuhan s'yang iba ang akin lang naman sana sinabi n'ya. pangako s'ya ng pangako hindi naman pala tutuparin"

"hay ang anak ko ay dalaga na" lumapit naman ito sakin at pinat ang aking ulo "lumabas kana baka maya maya nandyan na si sammuel. walang magagawa kung mag kukulong ka dyan" nang matapos sabihin 'yun sakin ni mama ay lumabas na ito.

napa-buntong hininga naman ako at lumabas na. tumulong naman ako sa pag aayos ng pagkain lalo uuwi lahat ng dela ruel kahit si mrs. velasco at si chad. maya't-maya naman nakarinig na ako ng tunog nang sasakyan at alam ko na dumating na sila.

"nandyan na sila!!" sigaw ni ate joan. pumunta naman kami sa harapan at nagsi-linyahan dahil ganon naman ang ginagawa namin tuwing uuwi ang mga dela ruel galing sa ibang lugar. bumukas naman ang pintuan at ang bumungad doon si mr. dela ruel at mrs. dela ruel

The Lost Memories (Dela Ruel Series #1) COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon