A11

128 5 0
                                        


Hanggang ngayon hindi ako maka-paniwala na wala na si mama. sana naging panaginip na lang ito. sana hindi ito totoo iyon ang gusto ko sabihin pero hindi dahil yakap-yakap ko na lang ang kanyang litrato habang naka-tingin ako sa kanyang kabaong. hanggang ngayon wala pa ako tulog at kain dahil marami din kami bisita na pumunta at kailangan ko sila asikasuhin.

pangalawang araw na simula ang aksidenteng iyon. tuwing tinitignan ko si mama ay iniisip ko ay natutulog lang ito. nahuli naman ang gumawa kay mama hindi ko tinanggap ang kanyang patawad dahil hindi ko pa kaya.

sa st. jospeh si mama naka-lamay dahil ayaw ko naman sa mansion dahil ayaw ko naman makaabala sa family dela ruel. sila na ang gumastos lahat pati sa hospital ay sila na ang nag bayad kaya nahihiya na din ako kahit gusto nila.

sila ate joan at mam alonzo naman ang kasama ko mag bantay kay mama. hindi na din muna ako pumasok lalo wala naman kami gagawin ngayon. "bal condolence" nginitian ko naman ang mga kaibigan ko.

"salamat. kumain na ba kayo?"

"you need to rest rhian" anya ni swann

"ayos lang ako wag kayo mag-alala. wait lang kukuha lang ako ng makakain" pumunta naman ako sa may kusina at kumuha ng makakain nila at bumalik doon. buong gabi ay sinamahan ako ng mga kaibigan ko dahil wala naman na pasok bukas.

sinilip ko naman si mama. kita ko dito ang saya sa kanyang muka parang sinasabi niya sakin na ayos lang siya. pinahid ko naman ang luha na tumulo sa aking pisnge. hindi ko pa kaya na mawala siya hindi ko alam kung paano ako babangon na wala na siya.

"ma. bakit ang daya mo naman.. sabi mo magiging saksi ka sa mga pag tupad ng pangarap ko? iyong pangarap natin?. pa-paano na iyong mga panagarap ko kung wala kana? paano na ako ma?!" sunod-sunod ang pag tulo nang aking luha hanggang hindi ko na kaya.

"h-hindi ko pa kaya ma!!. please gising na oh!" dumating naman sila mam alonzo

"rhian" umiling ako nang umiling "kailangan mo mag pahinga kami na bahala dito"

"h-hindi, hindi ko iiwan si mama dito!! ma! gising na magiging mabait na bata po ako, tutulungan po kita araw-araw. wag mo lang po ako iiwan!" yakap-yakap ko kung saan naka-himlay si mama. wala ako pakialam kung pinag titinginan na ako nang tao.

Kinabukasan naging tulala lang ako wala ako kinausap kahit sino nandoon lang ako sa harap habang naka-tingin kay mama. ayaw ko pumikit o iwanan ito dahil kada hindi ko ito nakikita ay natatakot ako. ilang besses naman tumunog ang aking cellphone ay hindi ko ito sinasagot.

"r-rhi-rhian?" tawag sakin ni chad nakakarating lang. hindi ko naman ito pinansin at umupo lang ito sa tabi ko. "c-condolence"

Ilang tao na ang sumubok na kausapin ako pero kahit isa ay wala ako kinausap. tinignan ko naman ang hawak kong papel ang ibinigay sakin ni mama. iisang tao lang ang pwede ko lapitan upang tulungan ako. tumayo naman ako upang hanapin si mam alonzo.

"where you going?" anya ni chad. nginitian ko naman ito "p-pwede ba ako sumama?"

"wag ka mag-alala, may hahnapin lang ako" umalis naman na ako. nakita ko naman si mam alonzo na kausap ang aming principal.

"magandang gabi po mam" bati ko

"magandang gabi hija. condolence sayo" ngumiti naman ako dito

"salamat po" tumingin naman ako kay mam alonzo "mam pwede po ba kayo makausap?"

"sige hija" umalis naman ang principal habang kasama nito ang kanyang apo "ano ba ang ating pag-uusapan?" binigay ko naman ang papel.

"sabi ni mama gusto niya, diyan siya ililibing at may bahay daw kami. ikaw lang ang pwede ko malapitan lalo ikaw po ang naging kaibigan ni mama" ngumiti naman ito.

The Lost Memories (Dela Ruel Series #1) COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon