4 years later
"Ate joan!!!" sigaw ko habang pababa ako nang kwarto ko. nakita ko naman ito sa kusina habang nag aayos nang makakain namin.
"ano ba naman yan rhian!?" inis nitong sabi. ngumiti naman ako at pinakita ko sa kanya ang result ko sa exam.
"pasado ako kyahhh!!!!" lumaki naman ang kanyang mata at niyakap ako
"congrats sista!!" tumalon talon naman kami na parang bata
"eto na ang umpisa nang career ko ate!!"
"congrtas bunso, masaya ako para sayo" napa-ngiti naman ako. Hindi ko totoo kamag-anak si ate joan siya ang kumupkop noong naaksidente ako.
wala ako maalala kung anong nangyari sakin noong araw na iyon. gusto ko man maalala pero sabi ni ate joan wag ko daw pilitin dahil mas lalo ko lang ito hindi maalala.
kaya hinayaan ko ang aking sarili hanggang gumaling ako at si ate joan na ang nag paaral sakin hanggang maka pag tapos ako sa kolehiyo. Sobrang swerte ko dahil siya ang nakakita sakin noong araw na iyon.
"ano na ang balak mo bunso?" umupo naman kami. dahil papasok pa ito sa trabaho. isa itong nurse dito sa laguna.
"gusto ko sana lumuwas nang manila ate para doon mag hanap nang trabaho"
"ito lang masasabi ko bunso hindi porket na naka pasa ka expect mo na magiging isang fashion designer ka na" tumango naman ako
"alam ko naman iyon ate"
kumain naman kami at nag kwentuhan lang. nalulungkot naman ako dahil maiiwan ko dito si ate, ayaw nito sumama sa manila dahil mas kailangan siya dito kesa doon sa manila.
nag usap naman kami nila diego, Christian at swann na luluwas kami sa manila si angel naman ay umalis ito papuntang amerika at dahil naka pasa siya sa exam bilang professional teacher.
si diego at si Christian ay isang flight attendance habang si swann naman ay isang architect at ako naman ay natapos ko ang fashion designer. luluwas kaming apat dahil doon kami mag hahanap nang trabaho mabuti si swann ay hindi na mahihirapan lalo may nag aabang na sa kanyang project doon.
lumipas ang isang linggo at lumuwas na kami. doon naman ako mananatili sa unit ni swann habang nag hahanap pa ako nang trabaho habang ang dalawa kong kaibigan ay naka tira sa isang apartment.
"grabi ang yaman niyo talaga swann?" mangha na sabi ko habang nililibot ko ang aking paningin sa loob nang kanyang condo unit.
"sa pamilya ko naman ito"
"kahit na nu" umupo naman ako sa may sopa. ang sabi nito may bahay daw sila dito kaso nga lang ayaw niya tumira doon dahil siya lang lagi ang maiiwan.
Dumaan ang isang taon ay iba't-ibang trabaho ang nakuha ko habang sila diego at Christian ay stable na sa pagiging flight attendance minsan naman umuuwi sila lalo pag wala silang flight. Habang si swann naman ay mas lalo dumami ang mga project niya.
naging isang personal assistant ako sa isang angecy ng mga modelo kaso umalis agad ako dahil hindi ko nagugustuhan ang pag trato nila sakin. Nalaman ko din kaya ako pinag iinitan dahil naging isang model ako pero hindi ko naman ito maitindihan kung saang agency.
hanggang sumali ako sa mga contest sa malalaking brand at tinulungan ako ni ellie isa itong personal assistant din. nakuha namn ako pero hindi iyon ang gusto ko dahil ang ginawa sa mga nanalo ay bibilhin nang isang malaking brand ang desenyo namin pero hindi ang pangalan namin ang ilalagay kundi ang ibang tao.
Masakit dahil akala ko makikilala ako iyon pala hindi dahil ibang tao ang nakinabang sa desenyo ko. Malaki ang bayad sakin dahil hindi ako pumapayag na maliit lang ang ibibigay nila sakin hanggang inipon ko iyon at nag pasya na umalis sa unit ni swann.
BINABASA MO ANG
The Lost Memories (Dela Ruel Series #1) COMPLETED
Ficción GeneralRhiannon marie Vasquez the most popular model and fashion designer that many admire his skill in drawing and making various clothes. What if the person he loved was one of those people he wanted to arrest and imprison. What if his memory came back t...
