NAGLAKAD-LAKAD lang ako nang makalabas ako ng hotel hanggang sa mapadpad ako sa isa sa mga public beach ng isla. Napangiti ako at sinariwa ang simoy ng hangin.I took my flip flops off and walked barefooted on the sand. The white sand felt soft and very comforting on my feet with every step I took. It was like I was stepping on a fluffy pillow. I stared at the calm waves hitting the shore. The sound of every crash was relaxing and addicting to hear. The heat and brightness of the sky was making the bluish ocean more alive and inviting.
Napalingon ako sa iilang cottage sa likod ko. Wala halos tao ngayon dito dahil siguro'y maaga at maaraw pa kaya walang masyadong naggagala. Hindi kalayuan ay ang mga malalaking bato at matatayog na coconut tree. Tanaw rin mula rito ang malaki at tanyag na Hacienda Contejo.
I turned to look at the ocean once again. I wanted to swim, but it was still very early and it was hot. Baka masunog ang balat ko. Nagtungo ako sa isang cottage at naupo roon para makasilong mula sa init ng araw. Doon ko na lamang tinanaw ang dagat. Kung narito lang sana si Fio ay sana, may nalalaro-laro ako. Kaso, takot pa rin talaga akong ilabas siya.
Kapag nagkausap na talaga kami nang seryoso ni Rodean, maigagala ko na rin si Fio kahit saan. Kaso ang buwisit na 'yon, sa tuwing makikita ako ay palaging nakasimangot. Paano kami magkakausap nang matino kung sa tuwing makikita niya ako e kulang na lang, takpan niya ang mga mata niya. Buwisit talaga 'yon.
Hinawi ko ang iilang hibla ng buhok na tumabon sa mukha ko nang biglang humangin nang malakas. Nalingon ko ang dulong parte ng seashore at wala sa sariling napangiti nang may maalala.
"Hey." Tipid akong ngumiti sa front desk manager na si Rodean nang maabutan ko siya sa front desk.
Katatapos ko lang kumain ng room service breakfast na inihatid niya sa akin kanina. Pagkatapos n'on ay bumaba na ako kasama sina Juna at Franz pati na ang iilang staff ng team. Ito ang unang araw ng shoot namin
Napatingin siya sa mga kasabay kong staff na bumaba kaya napatingin na rin tuloy ako sa mga ito. Nauuna na sila sa paglabas ngunit ang iba'y nakatingin pa sa akin na mukhang kuryoso kung ano pa ang ginagawa ko rito. Even Junaira and Franz behind me were watching Rodean and I curiously.
"Bakit, ma'am?" tanong ni Rodean nang muling ibalik sa akin ang tingin.
"Pupunta kami sa isang public beach na malapit dito. We can use our vans as they said, but I wanted to walk. Ayoko rin kasing makipagsiksikan pa sa van. Uhm... malapit lang ba talaga mula rito 'yong beach? Puwedeng lakarin lang?"
Tumango naman siya at tinitigan ako nang mabuti. "Maraming public beach dito, ma'am, kaya hindi ko alam ang tinutukoy n'yo. Pero ang alam kong pinakamalapit lang dito ay walking distance lang."
"Baka iyon nga 'yon." I smiled a little.
He kept staring at me with his weary eyes. I stared back for a while until I looked away, scratching the back of my ears as I felt my cheeks burning up a little.
Ilang sandali ay tumikhim ako at sinulyapan ulit siya. Nakatitig pa rin siya sa akin na mukhang naghihintay na lang kung may kailangan pa ako.
"Baka maligaw kami sa p-paglalakad. Can you... possibly l-lead us the way to that beach?"
Bahagyang umawang ang bibig niya. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nagkatinginan sina Juna at Franz. Iyong front desk lady rin sa tabi ay takang-taka na akong tinitingnan. Medyo masama pa nga ang tingin.
"I understand that your job is only at the hotel, but..." I bit my lower lip.
Muli kong naisip na siya naman ang nagsabi na kahit anong i-request ko ay gagawin niya kaya naisip ko ito. Pero parang unti-unti ko na ring napagtatanto ngayon na baka kalabisan na iyon dahil dito lang naman sa hotel ang trabaho niya. I should know my limitations, too.
BINABASA MO ANG
Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)
RomanceIsla Contejo Series #3 (3/5) Adding insult to injury is the very last thing on Larseah Ordoveza's mind when she traveled to Isla Contejo for a photoshoot. She's there for work, not to get her heart broken by this particular Contejo who has nothing b...