Chapter 6

6.8K 186 12
                                        


TINAWAGAN ko ang front desk at ilang ring pa muna ang natapos bago may tuluyang sumagot ng tawag ko. It was a girl, so it was probably the front desk lady. It was already late. Eleven PM, but I still couldn't sleep that's why I just decided to watch a movie for a while.

I wanted to have some snacks, but since I had nothing to eat here in my hotel room, I thought of calling Rodean for a room service again. I knew I should call the room service line directly, but I wanted Rodean. I got used of him already.

Halos magda-dalawang linggo na rin kasi simula noong sinabi niyang gagawin niya ang lahat ng i-request ko. Okay naman na kami. I mean, we could now stand each other. He was getting nicer to me. Napatawad ko na rin naman siya sa pananarkastiko niya sa akin noong nag-check-in ako kaya wala na talaga akong kahit anong sama ng loob sa kaniya.

Still, I couldn't seem to cut off the connection that was making us closer each day. Puwede kong sabihin sa kaniya na natanggap ko naman na ang apology niya at hindi niya na kailangan pang sundin ang lahat ng i-request ko, pero... ewan ko ba, parang ayaw ko pang matapos ito. Siguro'y nasanay na lang din talaga ako sa presensya niya sa araw-araw.

Sanay na akong siya ang naghahatid sa akin ng pagkain dito. Sanay na akong siya ang sumasama sa akin kung may gusto man akong puntahan. Being around him was comforting. It was like I was always at ease and I felt safe.

"Thank you for calling The Contejo Main Hotel. How may I help you?"

"Hi," sagot ko sa front desk. "Sorry for the late call, but I'm just wondering if I could talk to Rodean, your front desk manager."

"Oh. Sir Rodean's shift is only from morning 'til two PM, ma'am."

Wala sa sarili akong napanguso kasabay ng pagbagsak ng mga balikat dahil sa pagkadismaya. Ngayon ko lang napagtanto na hindi nga naman buong araw nasa hotel si Rodean para magtrabaho. I should ask for his sched some other time.

"Ganoon ba? Sige, salamat."

"But maybe I can help you with your concern, ma'am."

"No, it's fine. It's nothing. Thank you so much!"

Nang maibaba ko ang telepono ay mabigat akong napabuntonghininga at muling bumalik sa couch. Nagpatuloy na lamang ako sa panonood ng movie nang walang kinakain.

When morning came, I immediately called the front desk to ask for Rodean. Saktong siya ang nakasagot kaya hindi ko na kailangan pang magpaliwanag sa front desk lady ng mga palusot kung bakit ko siya kailangan ngayon.

"Hi, Rodean!" bati ko.

I heard him sigh lightly on the other line. "Ma'am Seah. Magandang umaga. Room service?"

Napangiti ako dahil alam na alam na talaga niya kung bakit ako tumatawag. Mukhang pati siya ay nasanay na rin. "Yup! The usual breakfast meal."

"Alright. Be there in a few minutes."

Kaliligo ko lang kaya nagbihis na muna ako habang hindi pa siya dumarating. I wore a knee-length summer dress with printed pink flowers all over. It was in a halter neck style and it was perfectly hugging my curves. Like usual, I just wore my flip flops.

Saktong pagkatapos kong magbihis at makapagsuklay ay ang pagkatok ni Rodean sa pinto. I smiled at him when I opened the door. He just stared at me straight, but he wasn't frowning. Sa halos dalawang linggo ay parang nakabisado ko na ang iilang bagay sa kaniya. Hindi siya palangiti at madalas lang na seryoso kung tumitig.

Kabaligtaran ng seryosong mukha niya ang ugali niyang medyo kwela at malakas mang-asar. Ewan ko ba sa kaniya.

Pinapasok ko siya sa loob at katulad ng mga nagdaang araw, isa-isa niyang inilapag sa mesa ang mga pagkain ko. Nang matapos ay muli siyang tumingin sa akin at nagtaas ng kilay. Siguro'y nagtataka kung bakit ayaw ko pang maupo. I unconsciously bit my lower lip and intertwined my hands behind me.

Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon