Chapter 21

5K 165 19
                                    


KUMATOK ako nang dalawang beses sa pinto ng condo unit na tinitirhan ni Zad. I repeatedly tapped my foot on the ground while waiting because I was growing impatient and becoming more worried. He didn't sound fine when he called me. He was crying.

Whenever he had a problem, it was always me whom he'd call. Sa akin lang siya lubos na nagtitiwala dahil sa lahat ng tao sa buhay niya, ako lang ang nakakaintindi sa kaniya. He knew that I was just always listening that's why he wasn't getting scared to open up.

Kahit pa may kaunti pa rin akong pagtatampo sa ginawa niya kay Rodean, isasantabi ko na muna iyon kahit sandali. Kung ano man ang problema niya ngayon, handa akong makinig. Parati siyang nandiyan para sa akin sa tuwing may problema rin ako at ipinangako ko sa sarili ko na ganoon din ang gagawin ko sa kaniya.

Matapos ang ilang segundo ay tuluyang bumukas ang pinto. As expected, Zadrino looked so down and miserable. Bago pa ako makapagtanong ay humakbang na siya palapit sa akin upang yakapin ako. Hindi pa kami nakakapasok sa kaniyang unit, pero hindi ko na muna inintindi iyon.

"What happened?" I carefully asked.

Humigpit lang lalo ang yakap niya sa akin at ibinaon ang mukha sa aking balikat. Wala akong nagawa kundi yumakap pabalik at marahang hagurin ang likod niya.

"I'm just feeling a little down lately," he uttered. "I feel so lost and alone."

Tahimik akong napabuntonghininga at mariing pumikit. "I'm here now, don't worry."

Ilang sandali ay kumalas siya sa yakap at mataman akong tinitigan. I smiled gently at him to at least lighten up his mood.

"Thank you, Seah . . ." He cupped my cheeks and caressed it by his thumb. "You don't know how happy I am that you came."

"Anytime, Zad. I'm your best friend."

Unti-unti siyang napangiti hanggang sa biglang bumaba ang mga mata sa mga labi ko. I immediately felt a bit uncomfortable, so I felt the need to take a step backward. But before I could do it, he immediately sealed me with a kiss.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis siyang itinulak.

"Zad, what the fuck!" I exclaimed.

I was about to burst out more of my annoyance and anger when I saw someone moved at a far distance on my left side. Mabilis ko iyong nilingon at nakita ang isang tila paparazzi na may hawak na camera na nakatutok sa amin. Agad itong nagsimulang tumakbo nang makita ang pagbaling ko.

"Hey!" tawag ko at hahabulin sana ito ngunit mariing hinawakan ni Zad ang braso ko upang pigilan ako.

"Seah--"

"Ano ba! That guy took a picture of us!"

"I don't care! Let him!" Ang kaninang malungkot niyang disposisyon ay napalitan na ngayon ng kaunting galit.

Padarag kong binawi ang kamay ko at mariin siyang tiningnan. Muli akong napatingin sa mahabang corridor na para bang nakikita ko pa rin doon ang paparazzi hanggang sa may unti-unti akong napagtanto. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Zad. Tinapatan niya ang mariing tingin ko ngunit hindi tulad ko na mabilis ang paghinga dahil sa galit, siya ay kalmado lang.

"You know that paparazzi?" mahina ngunit may diin kong tanong.

Hindi siya nakasagot. Nanatili siyang nakatitig sa akin at hindi ko man lang makita sa mukha niya ang kung ano mang pagsisisi o takot. Sa galit ko ay kumuyom ang mga kamao ko at malakas siyang itinulak bago pinaghahampas sa dibdib. Hinayaan lang niya ako.

"What the fuck is wrong with you?! What is that for, huh? You planned this, don't you?!"

Halos masampal ko siya ngunit nagawa niyang pigilan ang kamay ko. Pilit kong binawi ang kamay ko ngunit mariin ang pagkakahawak niya.

Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon