Nung Wednesday pa dapat ang update, but I've been feeling sick until now. Sabaw and very short ang update tonight.
MAGANANG kumain si Fio habang sinusubuan ng pagkain ni Rodean. He looked so adorable sitting on a highchair. I wanted to just make him sit on my lap while Rodean was feeding him, but I didn't think I could eat my breakfast properly. Nag-offer din kasi ng baby highchair ang manager ng buffet restaurant.
"Bakit kapag si Daddy ang nagpapakain sa 'yo, nasa mood ka?" Pabiro kong sinimangutan si Fio.
Syempre, hindi niya naman naintindihan iyon kaya nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Rodean chuckled at what I said. I looked at him sharply.
"May favoritism siya," pang-asar niyang saad.
I raised an eyebrow and he just smirked to annoy me more. Hmp. Ang unfair! Ngayon lang naman siya nakilala ni Fio 'tapos siya na agad ang favorite?
Nagpatuloy kami sa pag-aalmusal. Dito na kami sa buffet nag-almusal at kasama rin namin si Ate Angge. Plano rin kasi namin ni Rodean na mamasyal sa mga magagandang pasyalan dito sa Isla Contejo. Didiretso na kami sa mga iyon pagkatapos mag-almusal.
Habang sumisimsim ako sa aking kape ay namataan ko ang isang lalaki sa dulo ng restaurant na may hawak ng camera. Nakatingin ito sa gawi namin at halata ko na agad kung ano ito. Wala naman na akong pakialam kung may mga paparazzi man sa paligid. Kung kumuha sila ng mga litrato at ipagkalat iyon sa media, ayos lang. Ayos na.
Alam na ni Rodean ang tungkol sa anak namin kaya wala nang dahilan pa para itago ko sa publiko na may anak kami. Balak ko na ngang mag-post ng mga picture ni Fio sa Instagram ko e. Ang cute-cute kasi ng mga picture niya sa cellphone ko at gusto kong ipangalandakan na mayroon akong cute na cute na baby.
"Hanggang kailan nga pala kayo rito sa Isla Contejo?" tanong ni Rodean.
"Until end of the month. Then we'll go back to Manila."
Napatango-tango siya at sumimsim sa kape habang nakatitig pa rin sa akin. Nang ibaba niya ang tasa ng kape sa lamesa ay sandali pang bumaba ang mga mata niya sa dibdib ko bago muling bumalik ang titig sa mukha ko.
"Alright. I wanna introduce you both to my family before we all go back to Manila."
Umawang ang bibig ko. Hindi lang dahil sa gusto niya na kaming ipakilala sa pamilya niya kundi dahil na rin sa huli niyang binanggit.
"Sasama ka sa amin sa Maynila?" paniniguro ko pa.
"Ayaw mo?" Nagtaas siya ng isang kilay.
Tamad na umikot ang mga mata ko. "Tinatanong ko lang."
Amusement crossed his eyes as he tried so hard to hide his playful smirk. He then sighed after a while before he answered me.
"Of course, I'll go with you. I'll go wherever my family goes."
Napakurap-kurap ako kasabay ng pagkakasamid ni Ate Angge. Hindi ko na tuloy napagtuunan ng pansin ang sariling nararamdaman dahil sa bahagya kong pagkakataranta sa pagkakasamid ni Ate Angge. Nang muli akong sumulyap kay Rodean ay bahagya niyang kagat ang pang-ibabang labi -- nagpipigil ng ngisi habang nakatitig pa rin sa akin.
Gaya nga ng napag-usapan ngayong umaga, pagkatapos naming mag-almusal ay nagtungo na kami sa mga pasyalan. We first went to the zoo for Fio. My baby was so happy and mesmerized throughout the entire time. He was so amazed by the animals he saw and he even almost cried when we were already heading to the exit.
Mabuti na lang ay ang sunod naming pinuntahan ay isang indoor playground sa mall kaya bumalik din agad ang masayang mood niya. We let him play there for an hour before Rodean and I decided to look for a restaurant, so we could already eat lunch.
"Wieee!" Marahan kong binuhusan ng kaunting tubig si Fio sa tuktok ng ulo niya.
Pareho kaming natawa ni Rodean nang humagikgik ito nang lumandas muli ang tubig sa mukha niya pababa. Si Rodean ang may karga rito habang nakababad kami sa tubig dagat ng isa sa mga resort nila. Nang makaalis kami ng mall kanina ay nagpahinga lang kami saglit bago nagtungo rito sa resort.
"Tuwang-tuwang ka, ah." I lightly pinched Fio's cheek.
He really seemed to be in a good mood since morning. Maybe because this was the first time I actually brought him outside to stroll around. Hindi ko pa siya kailanman naipasyal dahil nga sa mga nangyari. Kaya ngayong malayang-malaya na kaming makapamasyal, nakakatuwa siyang pagmasdan.
He looked so happy and he was really enjoying every moment. I just felt a little sad because it was only now when he got to enjoy a lot. He haven't been to places for almost two years just for us to protect our safety. I felt bad for not giving him the chance to enjoy as a baby.
This was what he deserved -- to play, to stroll, to enjoy, and to discover new things. Ipinapangako ko na magmula ngayon, kung kinakailangang araw-araw ko siyang ipasyal makabawi lang ako, gagawin ko.
Sandali akong sumisid habang si Rodean ay karga pa rin si Fio. Hindi siya makalangoy dahil nga hawak niya ito. Ginusto niya naman 'yon. Nagpresinta ako kanina na ako na ang hahawak kay Fio pero hindi niya ito ibinigay sa akin. Nang muli akong umahon mula sa paglangoy ay saktong naabutan kong lumubog si Rodean kasama si Fio nang isang segundo lang at umangat din agad.
Tawang-tawa si Rodean nang medyo manginig sa lamig si Fio. Marahan niyang hinilamusan ang mukha nito upang mawala ang tubig.
Lumangoy na ako pabalik sa kanila. Bahagya kong ginulat si Fio nang umahon ako sa mismong harap nila kaya medyo tumaas ang mga balikat niya ngunit humagikgik din kalaunan.
Nag-aya na si Rodean na umahon na kami dahil kanina pa naman kami naroon at medyo nilalamig na si Fio. Nauuna siya sa paglalakad hanggang sa makatapak sa buhangin. Karga niya pa rin si Fio habang ako ay nakasunod sa kanila.
Napansin ko ang iilang lalaking mukhang magbabarkada na nakatingin sa direksyon ko. Naroon sila sa isa sa mga cottage at nag-iihaw. Some of them were staring at me from head to toe in a sticky manner. I didn't mind them and just continued walking.
Napahinto nga lang ako nang huminto sa paglalakad si Rodean. He turned his head to me and extended his arm to reach me. Kumalabog ang dibdib ko nang pumulupot ang braso niya sa baywang ko. Isinibay niya na ako sa paglalakad niya at napansin ko siyang nag-angat ng mariing tingin sa mga lalaki sa cottage.
Nang makarating kami sa cottage namin kung saan naghihintay si Ate Angge at binabantayan ang mga gamit namin, agad na dumampot ng tuwalya si Rodean at ibinalot iyon sa akin. His face was serious again as his eyes were getting darker.
"Magpatuyo ka na rin," saad ko at inabutan din siya ng tuwalya.
He sighed and nodded. Nang umalis kami roon ay nanatiling nakapulupot ang braso niya sa baywang ko habang sabay kaming naglalakad. His hand was firm and was claiming my waist in a very possessive way.
May karapatan ba akong magreklamo? Wala. Gusto ko rin naman. Sana lang ay unti-unti na talagang bumalik ang pagiging sweet niya sa akin katulad na lang ng ginagawa niya ngayon. Hinding-hindi ako magrereklamo.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)
RomanceIsla Contejo Series #3 (3/5) Adding insult to injury is the very last thing on Larseah Ordoveza's mind when she traveled to Isla Contejo for a photoshoot. She's there for work, not to get her heart broken by this particular Contejo who has nothing b...
