Thanks for still being here, I appreciate it.
TUMAYO ulit ako nang ambang magwawala na naman sa pag-iyak si Fio. Awtomatikong nawala sa pagkakalukot ang mukha niya nang tumayo ako habang karga siya. Parang walang nangyari. Ang bilis nagbago ng mood.
Hindi ko talaga siya maintindihan, bakit kaya gano'n? Every time I sit down while carrying him, he was always starting to cry. He seemed irritated with it. Ano kayang mayroon sa pag-upo habang karga siya ang ayaw niya? Para siyang naiirita na hindi ko malaman.
"Hmp, ikaw talaga . . ." pabiro kong usal sa kaniya at marahang tinapik ang kaniyang pisngi gamit ang hintuturo ko. "Pareho kayo ng daddy mo na mahirap ispelingin."
Ang isang 'yon, hindi ko alam kung kailan ko makakausap nang matino. Hindi ako makahanap ng tiyempo. Palaging nakasimangot sa akin sa tuwing makakasalubong ko. Parang ayaw akong kausapin. Though I understand his cold treatment, still, I couldn't help but get irritated every time. Sobrang attitude niya. Hindi naman siya ganoong ka-attitude dati.
Pero siguro kasi nahahaluan na ng galit ang nararamdaman niya sa akin ngayon kaya ganoon. Wala akong magagawa kundi intindihin na lang din kasi sa aming dalawa, ako itong may atraso. I left without telling him. I left him hanging. I wasn't even able to tell him that we have a son, so it seemed like I hid Fio from him.
Kailangang-kailangan ko na talaga siyang makausap sa lalo't madaling panahon. Ayoko nang patagalin na hindi niya nalalaman ang tungkol kay Fio at baka lumala lang ang sitwasyon.
"Aw," mahina kong daing nang hilahin ni Fio ang ilang hibla ng buhok ko.
I jokingly looked at him like I was mad. He just giggled like a naughty baby prince. Bakit ba ang hilig niyang mandakot ng kung anong mahawakan niya? Hay.
"Bad." Iwinagayway ko ang hintuturo ko sa kaniya sabay iling.
He pouted adorably and looked at me pleadingly. I sighed and couldn't help but smile at him eventually. Matitiis ko ba naman 'yang ganiyang ka-cute?
Mag-aalas-singko ng hapon nang bumaba ako sa pool area ng hotel upang mag-swimming. Wala na kasing araw at makulimlim na ang langit kaya hindi masakit sa balat lumangoy. I was already wearing my two-piece dark blue bikini underneath my long see through white cover-up.
When I was pregnant with Fio, I didn't gain so much weight, so I was still able to maintain my body after I gave birth. I just got a bit of a belly, but it wasn't that noticeable. Kaya madali lang din itago.
Nang makarating ako sa pool area ay walang ibang taong lumalangoy sa pool. Siguro'y dahil pa-gabi na kaya nagsiahon na ang iilan. Nagtuloy-tuloy ako patungo sa sun loungers hanggang sa bumagal ang mga hakbang ko nang makita ko si Rodean na nakaupo sa isa sa mga 'yon.
He looked so relaxed and peaceful while typing on his laptop that was resting on his lap. He was comfortably leaning on the lounger. One leg was folded up while the other one was resting straight on the long lounger he was sitting on. I continued scanning his body as I got nearer and nearer.
He was only wearing a white shirt and dark orange board shorts. So casual and simple, but he still looked breathtakingly good. Napalunok ako nang suklayin niya pataas ang medyo magulo niyang buhok gamit lamang ang mga daliri. Nasundan ko ng tingin ang matigas niyang braso mula sa ginawa niyang pagsuklay hanggang sa bumaba ulit iyon.
I silently sighed and inwardly scolded my stupid thirsty ass. Huminto ako sa lounger na katabi ng inuupuan niya. Inilagay ko roon ang dala kong tote bag. Hindi niya ako nilingon at tila walang pakialam sa kung sino ang dumating. Tutok ang mga mata niya sa screen ng laptop at bahagya pang nakakunot ang noo.
BINABASA MO ANG
Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)
RomanceIsla Contejo Series #3 (3/5) Adding insult to injury is the very last thing on Larseah Ordoveza's mind when she traveled to Isla Contejo for a photoshoot. She's there for work, not to get her heart broken by this particular Contejo who has nothing b...