Chapter 15

6.2K 170 14
                                        


BINUNGARAN ako ng singhal ni Tita Deborah sa tawag pagkagising na pagkagising ko ng sumunod na umaga. Ni hindi pa ako nakakabangon man lang mula sa kama ng hotel room ko ay nagtatalak na agad siya.

"Hindi ka ba nagbubukas ng internet d'yan, ha? Kagabi pa pinagpepiyestahan ng mga netizen ang kumakalat na picture!"

Napahilot ako sa aking noo at unti-unti nang bumangon. Nagpatuloy sa katatalak si Tita.

"Ang daming nagtatanong kung sino 'yong kahalikan mo! At talaga namang sa corridor pa kayo ng hotel naghalikan? My goodness, Seah!"

Napabuntonghininga ako at dumiretso sa banyo. Ni-loud speaker ko ang tawag bago ako nagpasyang magsepilyo. Tita Deborah kept on talking about a picture that was being leaked on social media. I still didn't know what she's talking about because I haven't seen it yet.

According to her, it was me in the picture . . . making out with a man.

Wala naman akong ibang kahalikan lately kundi si Rodean lang.

"Seah, honestly, I don't care who the hell you're with, but you should've been careful with your actions! Alam mo naman ang media. Nagkalat ang mga lintek na paparazzi na 'yan. Kung gusto mong makipaghalikan, pumasok agad kayo sa kuwarto, hindi 'yong sa corridor!"

"It's no one else's business if I'm making out with someone, Tita. Ang mga paparazzi lang naman ang may problema, e. Ang hilig makialam. Ang hilig magkalat ng kung ano-ano," mariin kong sagot pagkatapos mag-toothbrush.

"E kaya nga. Alam mo na ngang gano'n, sana nag-ingat ka na lang. Ang dami tuloy haka-haka ng mga tao. Kung ano-ano na namang pinagsasasabi tungkol sa 'yo."

Tamad akong napaikot ng mga mata at lumabas na ng banyo. I fixed my hair in a ponytail and slumped myself on the couch.

"I don't care about their opinions," I nonchalantly replied.

Hindi na rin naman nagtagal pa ang usapan namin ni Tita. Pinayuhan lang niya ako na huwag sasagot sa mga bashers lalong-lalo na sa mga gawa-gawang theories ng kung sino. Kahit hindi naman niya ako sabihan ay hindi ko rin gagawin 'yon. Wala akong panahon.

Agad akong nagtungo sa Facebook gamit ang isang dummy account upang tingnan kung ano ba 'yong kumakalat na picture. I just typed in my name in the search bar and it immediately suggested a lot of topics about me.

Unang-una kong nakita sa suggestions ang: "Seah Ordoveza hotel" kaya agad kong pinindot iyon.

Naglabasan ang samo't-saring articles patungkol doon pati na iyong picture na mukhang tinutukoy ni Tita. It was obviously captured from a slight  distance because of it's quality. I didn't bother zooming it anymore because I already knew it was me and Rodean.

Kahapon lang ito noong pagdating ko rito sa hotel. Sideview ang kuha kaya kitang-kita pa rin na ako 'yon pati na rin si Rodean. Nakasandal ako sa pinto habang naghahalikan kami.

Napahinga ako nang malalim. Wala naman talaga akong pakialam kung malaman ng mga tao na may relasyon kami. Kagaya nga ng gusto ko, ayaw ko namang isikreto namin ito. Ngunit ayaw ko rin naman ng ganitong lantaran kaming nagpapaka-intimate dahil syempre, gusto ko pa ring protektahan si Rodean mula sa media.

Tama si Tita Deborah -- dapat nga ay medyo nag-ingat kami. Buwisit kasing mga paparazzi 'yon! Parang mga tutang susunod-sunod!

Binasa ko ang iilang posts patungkol sa picture. Iyong iba ay papuri ngunit karamihan ay puro pamba-bash kaya napapasapo na lamang ako sa aking noo dahil tila nag-iinit ang ulo ko.

Seah Ordoveza being seen making out with a hotel staff.

Is the gorgeous and remarkable fashion personality Seah Ordoveza now lowering her standards?

Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon