Chapter 11

4.2K 160 10
                                    


NAG-IWAS ako ng tingin nang tumama ang mga mata ko kay Rodean na nasa front desk. Naabutan ko siyang nakatingin na sa akin habang binabagtas namin nina Franz at Juna ang daan patungong buffet restaurant.

Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan at taas noong ipinagpatuloy ang paglalakad. Nang tuluyan kaming makapasok sa restaurant ay mahina akong siniko ni Franz.

"Bakit parang hindi ko na yata kayo nakikitang magkasama ni Rodean?" tanong niya.

I sighed and lazily shrugged. "Maybe he got busy. I don't know, I don't care."

"Oohh." Ngumisi si Franz at nagkatinginan sila ni Junaira. "Nangangamoy LQ. Ano kayang nangyari?"

Pinagtaasan ko sila ng kilay. "Anong LQ? For lovers lang 'yon and we're not lovers."

Imbes na sagutin ako ay bumungisngis lang sila at tahimik na nag-tsismisan. Napailing na lamang ako at kumuha na ng pagkain kasabay ng iilang staff namin.

It's been almost a week since Rodean and I stopped hanging around. We weren't even talking anymore. I had to admit that my little heart got really hurt. Noong umamin ako sa kaniyang gusto ko siya, hindi siya mukhang masaya. Ang malala pa ro'n, noong tinanong ko siya kung gusto niya rin ako, bigla-bigla niya na lang akong nilayasan.

He left me dumbfounded. He just left me like that after we shared a kiss. What a jerk.

Hindi rin naman ako tanga at desperada para habulin siya at ipilit ang sarili. If he didn't like me, fine then. I would never force myself to someone. I knew my worth and I deserved genuine love.

Dahil nga hindi na kami nag-uusap at hindi ko na siya niyayaya sa kung saan-saan, palagi lang tuloy akong nasa hotel room ko. Wala na ring room service. Hindi naman talaga ako mahilig magpa-room service dahil nariyan naman sina Franz at Juna para sabayan akong kumain sa buffet. Nagpapa-room service lang ako dahil gusto kong makita si Rodean. Ngunit ngayon tapos na ang komunikasyon naming dalawa, wala nang punto para ipatawag ko siya sa room service.

"Housekeeping!"

Mabigat akong nagpakawala ng hininga at napakamot sa aking ulo nang isang hapon ay marinig ko ang boses niya. Sumilip pa ako sa peephole upang masiguro kung siya nga iyon. Hindi ko naiwasang mainis. Bakit kasi siya pa ang maglilinis sa kuwarto ko? Hindi niya naman trabaho 'yon!

Hindi rin naman ako nag-request na siya ang maglinis dahil nga hindi na kami nagpapansinan. So what the hell was he doing here? Why did even volunteer to do it?! Hindi niya ba nahahalata na ilang araw ko na siyang hindi pinapansin dahil mas mabuti nang lumayo ako para malimutan ko ang nararamdaman ko para sa kaniya? He was so dense!

Ayaw niya naman sa 'kin, e. So hindi dapat big deal sa kaniya na unti-unti na ako lumalayo. Bakit pa siya nagpapakita sa akin?

Isang tamad na irap pa muna ang ginawa ko bago ko binuksan ang pinto. Our eyes immediately met. He was carefully looking at me like he was trying to read my mind or something. Despite of the growing tension in my chest by his appearance, I still tried my best to remain stoic in front of him.

I wouldn't let my emotions get weakened by his gentle yet soul-penetrating stare. Hinding-hindi niya ako madadala sa mga ganiyan niya!

"Good afternoon," seryosong bati niya.

Tumango lang ako at lumabas ng kuwarto. Nakita ko ang pagtataka sa ekspresyon niya nang sundan ako ng tingin.

"Ayaw kong makalanghap ng alikabok habang naglilinis ka. You know what to do." Iyon lamang ang sinabi ko bago ko kinatok ang kuwarto nina Franz at Juna upang doon maglagi.

Sa mga sumunod na araw ay walang pagbabago. Sa tuwing bumababa ang team namin para sa lunch at dinner, madadaanan namin ang front desk at kahit hindi ko tingnan, ramdam ko palagi ang pagsunod ng tingin sa akin ni Rodean. Wala na kaming interaksyon. Hindi na kami nag-usap pang muli.

Like I said to myself, it was better to distance myself from him so I could forget and move on immediately. I shouldn't entertainment my feelings for him anymore dahil ako lang din naman ang kawawa kapag lumalim pa ito.

"Nga pala, may mall pala rito na malapit! Isang sakay lang daw ng jeep. Maggala tayo!" ani Franz isang umaga habang nasa kuwarto nila ako ni Juna.

Natigil ako sa paglilipat ng channel sa TV at napatingin sa kaniya na kagagaling lang sa small kitchen.

"Today?" tanong ko.

"Yeah! Mamayang hapon pa naman shoot mo, 'di ba?"

I sighed and put the remote control down. "I have scheduled a spa at ten AM."

Agad na bumagsak ang mga mukha nila. Junaira didn't say something, but her sad expression was very visible. I felt bad.

"O, sige. Bukas na lang?" tanong pa ni Franz.

Umiling ako. "No. Ngayong araw na. Mauna na kayo sa mall. Mabilis lang naman siguro 'yong spa. Susunod na lang ako sa inyo."

Their faces brighten up as smile immediately plastered on their lips. Their eyes seemed glittering when they both looked at each other. I chuckled. Kasabay no'n ang pagtili nilang dalawa at halos magtatalon sa tuwa.

"Sige, hihintayin ka namin, 'te. Basta sumunod ka ah! We'll contact you."

Katulad ng napag-usapan ay nauna na silang pumunta sa mall. Sinabi din nila sa akin kung saan ako puwedeng sumakay ng jeep. I went to the spa of the hotel at exactly ten AM.

Matapos ng mahigit isang oras ay nagdesisyon akong umalis na roon. Marami pang in-offer sa akin pero hindi ko na muna pinaunlakan. I went straight to the lobby where I got to meet Rodean's gaze. As usual, he was at the front desk. Sinundan niya ako ng tingin habang ako ay nagtuloy-tuloy lang papalabas ng hotel dala ang isang maliit lang na sling bag.

Ang sabi sa akin nina Franz ay walking distance lang daw 'yong sakayan ng jeep. Magtatanong-tanong na lang ako kapag wala pa akong nakitang istasyon ng jeep.

Iilang establisyimento na ang nadaanan ko pero wala pa akong nakikitang paradahan ng jeep. Naghanap ako ng puwedeng mapagtanungan at sakto namang may humintong tricycle sa gilid ko. Sa likod ng driver ay may nakasakay pang isang lalaking na tinitigan ako mula ulo hanggang paa sabay ngisi.

"Saan ka, Miss Beautiful? Hatid ka na namin."

I immediately felt uncomfortable, but I reminded myself that I needed to ask. Tumikhim ako at pilit na ngumiti.

"Uhm... sa'n po 'yong istasyon ng mga jeep? 'Yong sakayan po papuntang mall."

"Naku, walang gaanong jeep na dumdaan dito, miss," sagot ng driver. "Ang mabuti pa, sabay ka na lang sa amin. Ihahatid ka na namin sa mall."

I wasn't stupid to just go with them. Hindi naman ako ipinanganak lang kahapon. Not to be judgmental, but they didn't look trustworthy. The driver was smirking playfully while the man he was with were just looking at my boobs and my legs.

"Hindi na ho. Salamat na lang."

Binilisan ko ang paglalakad at sumunod naman sila. Nagtagis ang bagang ko at kinalma ang sarili.

"Sige na, miss. Wala kang masasakyang jeep. Dito ka na sumakay, libre pa! Basta ikaw."

I cringed at their words and felt even more uncomfortable. Nahinto ako sa mabilis na paglalakad nang ihinto nila ang tricycle sa mismong harapan ko -- hinaharangan ako. Kumunot ang noo ko at hindi na napigilang magtaray nang kaunti.

"Hindi nga ho ako sasakay. Umalis kayo sa harap ko."

"Ang sungit mo naman. Ililibre ka na nga lang namin, ayaw mo pa?"

Napaatras ako nang bumaba iyong isang lalaki at lumapit sa akin. He was about to touch me, but he suddenly got pushed by someone.

"Sinabi nang hindi nga siya sasakay. Bakit kayo nagpupumilit?" Rodean went in front of me and towered over the two men.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon