Happy New Year!
PAGBUKAS ko ng pinto ng condo unit namin nina Rodean, sinalubong niya ako bago ko namataan sina Mama at Papa pati na ang iilang mga kaibigan ko sa dining area. Napasinghap ako at natutop ang aking bibig bago nag-angat ng tingin kay Rodean.
"They've been waiting for you for three hours already," aniya. "Iyong iba, umalis na. Hindi raw sila puwedeng magpagabi nang sobra. Happy birthday na lang daw."
Nagtagal ang titig ko sa kaniya. His face was expressionless and eyes a bit distant. I held on his arm.
"I'm sorry. I didn't know that they'll come," mahina kong saad sa kaniya.
"I was the one who asked them to come. Gusto sana kitang i-surprise e. Sabi mo kasi mga alas-sais nandito ka na. Alas-nuwebe na, love."
Tila may sumipa sa puso ko sa narinig ko mula sa kaniya. Gusto kong maiyak at magtago sa hiya mula sa mga bisita. I didn't know that Rodean held a surprise celebration for me. I thought that it would only be the two of us and of course, Fio.
"I'm sorry, love," patuloy kong paghingi ng paumanhin. "Hindi ko namalayan ang oras. I--"
"Saan ka ba nanggaling?" marahan at kalmado niyang tanong ngunit ramdam ko ang lamig sa kaniyang boses.
Bahagya akong napayuko at napalunok. "I went to Z-Zad. Dinamayan ko lang siya kanina kasi--"
"I knew it." Mabigat siyang napabuntonghininga. "I saw the news about him."
Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. "I'm really sorry, baby. I just couldn't help but comfort him. He needed a friend. I'm sorry."
Matagal siyang tumitig sa akin na para bang tinitimbang pa ang ekspresyon ko. Sa huli ay bumuntonghininga siya, tumango, at tipid na ngumiti.
"It's okay, love. I understand," he said before kissing me on my forehead.
Bahagyang namuo ang luha sa mga mata ko nang yakapin niya ako at hagurin ang likod ko. Agad ko siyang mahigpit na niyakap pabalik at paulit-ulit pang humingi ng paumanhin.
Nilapitan na kami ni Mama at Papa na agad bumati sa akin. Nagsisunuran na rin ang mga malalapit kong kaibigan sa industriya. Humingi ako ng paumanhin sa kanilang lahat dahil ngayon lang ako dumating. I honestly felt bad. Even before I knew that Rodean made a surprise for me. I told him earlier in the morning that I would be home around six PM, but I came home very late because I needed to be with Zad.
I just felt more bad when I found out that he made a surprise celebration for me. He ordered a lot of food and also helped Ate Angge in cooking some dishes. He contacted my parents and even found a way to contact some of my friends, as well. He did all of that just for me. He made sure that everything was in place for my special day.
Nakakalungkot at nakaka-guilty lang talaga na sobrang late ko umuwi gayong may ganito pala siyang hinandang selebrasyon. Ang bigat tuloy sa pakiramdam.
Mabuti na lang at nakakain naman na raw ang mga bisita at hindi na ako hinintay pang dumating. Mas lalo lang akong maiinis sa sarili ko kung sakaling malaman kong ni hindi pa nila nagagalaw ang mga handa dahil lang sa paghihintay nila sa akin.
"Thank you so much for coming. I'm sorry na na-late ako ng dating," malungkot kong sambit sa iilang mga kaibigan ko na siyang pinakahuling aalis ngayong gabi.
Ngumiti sila sa akin bago nagsipagbeso sa pisngi ko. "It's okay, ano ka ba! What's important is we all got to celebrate your birthday, after all."
Si Mama ang pinakahuling nagpaalam sa akin. Niyaya nga siya ni Papa na ihahatid na lang siya nito ngunit as usual, halos singhalan lang niya ito. 'Tsaka may dala naman daw siyang sasakyan. Mas nauna na tuloy umalis si Papa.
BINABASA MO ANG
Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)
RomanceIsla Contejo Series #3 (3/5) Adding insult to injury is the very last thing on Larseah Ordoveza's mind when she traveled to Isla Contejo for a photoshoot. She's there for work, not to get her heart broken by this particular Contejo who has nothing b...