Chapter 26

6.6K 206 50
                                        


NABABALOT pa rin ng kalituhan at gulat ang ekspresyon ko habang nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa. Halo-halo ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung anong dapat unahing pagtuunan ng pansin.

Hindi ko rin sigurado kung totoo nga ang mga naririnig ko kay Zad ngayon. Puwede kasing gumagawa lang siya ng kung ano-anong kuwento para lang sirain ang relasyon namin ni Rodean.

"Wala ring nakakaalam sa seksuwalidad ko dahil takot ako sa iisipin ng mga tao, pero kahit kailan, hindi ako gumamit ng babae para pagtakapan 'yon!" dagdag pa ni Zad. "Hindi katulad ng isang 'to! Palaging may inihaharap na babae sa mga tao para lang hindi siya mabuko! He's even introducing them to his parents so that they won't suspect him of being gay!"

"That's not true!" dumagundong muli ang boses ni Rodean matapos ng mahabang katahimikan mula sa kaniya.

Sarkastikong natawa si Zad. "Huwag ka nang magsinungaling, Rodean! Kilalang-kilala kita! At sigurado akong gan'on lang din ang ginagawa mo kay Seah!" Muling nagbaling sa akin si Zad sa isang nangungumbinsing tingin. "Seah, this is the reason why I want you to stay away from him! You're my best friend and I don't want you to get hurt. He's only fooling you--"

"I'm not fooling her! Can you just fucking shut up for a second?!"

Hinawakan ni Rodean ang braso ko at iniharap ako sa kaniya. I could see desperation and fear in his eyes as he stared at me. He cupped my cheeks to steady my head. He seemed desperate to capture my attention.

"Seah, listen to me . . ." aniya sa isang mahinanong tono ngunit ramdam ko ang tensyon sa bawat salita. "Hindi kita niloloko. Wala akong ibang intensyon. I'm in love with you."

"Huwag kang maniwala sa kaniya, Seah! Ginagamit ka lang niya!"

Mabilis na nagbagsakan ang mga luha ko dala ng pagkalito. Umiling-iling ako at pinilit na makawala mula sa pagkakahawak ni Rodean. Hindi ko alam kung sinong paniniwalaan. Ni hindi ko alam kung anong mas dapat kong maramdaman!

I was getting more frustrated each passing second. Mixed emotions were crumbling in my chest. It was suffocating me. It was getting harder to breathe as my heart was beating wilder due to frustration and confusion. Pakiramdam ko ay napalilibutan ako ng samo't-saring emosyon at hindi ko alam kung saan ako tatakbo -- kung alin ang mas pipiliin na maramdaman.

"Seah," tawag pa ni Rodean sa nagsusumamong tinig.

Sinubukan niya muli akong hawakan ngunit umatras ako at itinaas ang kamay upang patigilin siya.

"Stop . . ." I hissed.

"Seah, mas kilala mo 'ko," muli na namang saad ni Zad. "Sa akin ka maniwala--"

"Stop!" hindi ko na napigilan ang pagsigaw dahil sa sobrang iritasyon at kaguluhan na nararamdaman.

Sumasakit na ang ulo kaya napasapo ako rito at mariing napapikit. Nang muli akong dumilat ay akmang lalapitan ulit ako ni Rodean ngunit umiling-iling ako at mabilis nang tumakbo palayo roon.

"Seah!" tawag pa niya ngunit hindi ko siya nilingon.

Naririnig ko ang mga yabag niya pasunod sa akin. Nang pumasok ako sa elevator ay nakaabot pa siya papasok bago ito sumara. Diretso ang tingin ko at patuloy ang pamumuo ng luha sa mga mata. Nasa gilid ko siya at pilit kinukuha ang atensyon ko.

"Love, please listen to me. Hinding-hindi kita lolokohin. Maniwala ka sa 'kin."

Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy siya sa pagtawag sa akin at sa pagkuha ng atensyon ko ngunit hindi ko siya binalingan ng tingin. Nagkakagulo pa rin ang mga nararamdaman ko at hindi ko na alam kung anong dapat kong isipin. Sumasakit lang ang ulo ko.

Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon