GULONG-GULO pa rin ang isipan ko tungkol sa nasaksihan kong pagtatalo nina Rodean at Zad sa event. Ilang araw na ang lumipas ngunit hindi natigil ang mga katanungan sa utak ko. Hindi malinaw sa akin kung ano ang pinag-aawayan nila ngunit sa tingin ko'y tungkol iyon sa akin.May nabanggit si Zad na kapag hindi ako nilayuan ni Rodean ay sasabihin niya sa 'kin ang dapat kong malaman. Ano 'yon? Anong dapat kong malaman? At isa pa, bakit kung mag-usap sila ay tila ba kilala nila ang isa't isa?
"Anong pinag-aawayan n'yo ni Zad?" naaalala kong tanong ko kay Rodean habang kunot noo siyang nagmamaneho noong gabing iyon.
Ni hindi na ako nakapagpaalam sa iilan kong kaibigan sa Gala event dahil madaling-madali siya na makaalis na roon.
"He just wanna make me leave you. He's jealous because he likes you," diretsong sagot niya at hindi napuputol ang matalim na tingin sa daan.
Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Pakiramdam ko ay hindi lang iyon ang rason. Para bang may mas malalim pa roon.
"Why does it seem like you know each other?" tanong ko pa.
Ni hindi ko inakala noon na posibleng magkakilala sila at may koneksyon sa isa't isa. Ngunit sa nasaksihan ko ngayong gabi, para bang may iba. Para bang ang tagal na nilang magkakilala at may itinatago sila.
"I don't know him, Seah. Kilala ko lang siya bilang kaibigan mo. Iyon lang." Humigpit ang hawak niya sa manibela.
Hindi ako nakumbinsi ng mga sagot niya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman kong nagsisinungaling siya sa akin. Hindi ko na siya kinulit pa tungkol doon ngunit hindi pa rin tumitigil sa paghihinala at pagtatanong ang isip ko kahit ilang araw na ang lumipas.
Hindi ko na rin pinagkaabalahan pang i-contact si Zad upang tanungin dahil baka pag-awayan lang namin ni Rodean kapag nalaman niya. Hindi ko na rin kasi alam kung sino bang dapat na paniwalaan ko sa kanila. I trust Rodean and I love him, but right now. . . I really felt like he was hiding something from me. Silang dalawa ni Zad.
"Hello, Ma," sagot ko sa tawag ni Mama isang umaga.
I was currently chilling and reading a book on the sun lounger. Rodean was with his cousin, Inno. He said that Inno was now starting to train him in handling their hotels. Malapit na siyang mailagay sa mas mataas na posisyon dahil sapat na raw ang experience niya sa hotel.
"Hija, 'di ba . . . nasa Isla Contejo ka pa?" tanong sa akin ni Mama sa kabilang linya.
"Yes, Ma. Why?"
"Uh . . . wala lang. Baka magbakasyon din ako riyan ng ilang linggo."
Kumunot ang noo ko, agad na nagtaka.
"Magbabakasyon? Bakit parang biglaan naman?"
"Uh, g-gusto ko lang! Masama bang magbakasyon nang biglaan?"
Napatango-tango ako. Sabagay. Baka gusto niyang mag-relax sandali. 'Tsaka mabuti na nga rin at nang matigil naman siya sa pagsusugal.
"Alright. Kailan po?"
"Baka this week din o kaya'y sa susunod na linggo."
Nang sumapit ang tanghalian ay pinuntahan na ako ni Rodean sa pool area. Sabay kaming nananghalian sa buffet. Ikinuwento ko sa kaniya ang balak ni Mama na pagbabakasyon dito. Kung dito raw ito mag-i-stay sa hotel, puwede niyang bigyan ng iilang special accommodations.
"Anyway, love. My mom's birthday is gonna be on Sunday," ani Rodean sa kalagitnaan ng pagkain namin. "I wanna introduce you to them personally. Mommy's looking forward to meet you."
BINABASA MO ANG
Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)
RomanceIsla Contejo Series #3 (3/5) Adding insult to injury is the very last thing on Larseah Ordoveza's mind when she traveled to Isla Contejo for a photoshoot. She's there for work, not to get her heart broken by this particular Contejo who has nothing b...