UMAGANG-UMAGA ay mainit ang ulo ko dahil pagkabukas na pagkabukas ko ng TV sa hotel room ko ay binungaran ako ng walang kuwentang balita. Mariin ang hawak ko sa remote control at kulang na lang ay pigain ito sa sobrang gigil. Kung puwede ko lang batuhin ang TV ay kanina ko pa ginawa.
"Kalat na kalat ngayon sa social media ang mga larawan nina Zadrino Castañares at ang matagal nang rumored girlfriend nitong si Seah Ordoveza na isang sikat na modelo. Namataan ang dalawa sa isang hotel sa Isla Contejo at na-ispatan din ang 'di umano'y "ibang lalaki" ni Ordoveza na siyang unang napabalitang kahalikan ng modelo sa naturang hotel."
"Ibang lalaki"? Talagang ganoon nila i-label si Rodean? Bakit, ano ba kami ni Zad? Hindi ko naman siya boyfriend at lalong hindi asawa! Ang kakapal talaga ng mukha ng mga media na 'to na magsabi ng kung ano-ano!
"Ayon sa aming source ay pinuntahan umano ni Zadrino ang modelo sa hotel at doon ito nahuli na nakikipag-usap sa hotel staff na kahalikan nito sa corridor ng hotel kamakailan lang."
I laughed sarcastically in annoyance. The media was obviously making me look like I was cheating and two-timing! That wasn't the case and that wasn't the situation happened yesterday at the lobby! All they had were pictures! Sana ni-record din nila kung paano ko ipinakilala ang "best friend" ko sa totoo kong boyfriend nang hindi sila nagpapakalat ng kung ano-anong fake news!
Buwisit. Sira na ang umaga ko. Panay din ang beep ng cellphone ko dahil malamang, ang dami na namang nagme-message sa akin tungkol sa lintek na balitang 'to! Hindi pa tumatawag si Tita Deborah pero inaasahan ko na ang tawag niya ngayong araw.
I knew that I shouldn't make this new issue a big deal because I knew to myself that it wasn't true, but I couldn't help it! I couldn't help but be mad about it! I wasn't cheating behind anyone's back! Hindi ako girlfriend ni Zad -- girlfriend ako ni Rodean! And Zad went here to visit me, not trying to catch me flirting with anyone!
Nakakairita. Umagang-umaga! Hindi ko malaman kung bakit ako nang ako ang pinupuntirya ng mga balita ngayon. Wala na ba silang ibang maibalita? They all looked so obsessed about me and my whereabouts! I wasn't even that famous for them to always make an issue about me!
Tulad ng inaasahan ko'y nag-ring na ang cellphone ko para sa tawag ni Tita Deborah. Kinumpirma niya kung pumunta nga raw rito si Zad. Sinabi ko ring ipinakilala ko ito kay Rodean at iyon ang hindi ibinalita ng media.
"Hay, naku! Dumadami nang dumadami ang issues tungkol sa 'yo! Iyan na nga ba ang sinasabi ko, e. Dapat hindi ka na bumalik d'yan sa Isla Contejo! Tingnan mo ang nangyari! Nagsisulputan ang mga gawa-gawang kuwento tungkol sa 'yo!" gigil na pahayag ni Tita.
Bumuntonghininga ako at pinilit magpakahinahon. Hangga't maaari ay ayaw kong magtalo pa kami. Stress na nga ako, mas lalo pa akong mai-stress.
"Hindi naman ako ang gumagawa ng issues, Tita. Ang mga buwisit na reporters at paparaz--"
"E kaya nga! Alam mo na ngang mapaggawa sila ng kuwento. Sana ikaw na ang umiiwas."
Matalim akong napairap. "My God! Hindi na ba ako puwedeng mamuhay nang normal at matiwasay? Why do I have to always be cautious around me and think about other people?" kulang na lang ay tumaas na rin ang boses ko sa sobrang inis.
Nakakapagod na 'yong ganito! Hindi naman ganito dati! Simula noong mag-trending ang pagme-make out namin ni Rodean sa corridor, parang palagi nang may nakaabang sa mga gagawin ko!
"Seah, what do you expect? You're a public figure! You know from the start that things like this happen. Kung gusto mong mamuhay nang payapa at normal, e 'di sana'y hindi ka nag-model sa pinakaumpisa pa lang!"
BINABASA MO ANG
Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)
RomanceIsla Contejo Series #3 (3/5) Adding insult to injury is the very last thing on Larseah Ordoveza's mind when she traveled to Isla Contejo for a photoshoot. She's there for work, not to get her heart broken by this particular Contejo who has nothing b...
