MALAMBOT at maliit na kamay ni Fio ang gumising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Mahinang sinapok ng kamay niya ang pisngi ko kaya napaungot ako. Nasundan 'yon ng hagikgik niyang imbes na mainis ako ay hindi ko pa rin napigilang matuwa."Fio, don't hit Mommy," I heard Rodean. "That's bad. Don't do that again, ha?"
Unti-unti akong napamulat ng mata sa ingay nilang dalawa. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at nakita si Rodean na nakaupo sa gilid ng kama namin habang kandong na si Fio. He automatically smiled when he saw me opening my eyes. He moved a little closer and gave me a peck on the lips and on my forehead.
"Happy birthday, my love," he softly uttered.
Napakurap-kurap ako at tiningnan siya nang tila naguguluhan.
"Oh, it's my birthday?"
He chuckled and kissed me once more -- a bit longer this time. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko at idinikit ang tungki ng ilong niya sa akin.
"What, you already forgot? Si Fio nga alam, o."
Napatingin ako kay Fio na nasa kandungan pa rin niya. Pinaglalaruan nito ang mga labi nito habang inilalabas-labas ang dila. Maikli akong natawa at mahinang kinurot ang babâ nito sa sobrang ka-cute-an.
"Come on, birthday girl. Get up. Ako ang nagluto ng breakfast ngayon kaya makakakain ka na naman ng masarap," pagmamalaki pa ni Rodean bago tumayo at hinila ako paalis sa higaan.
I wanted to celebrate my birthday with Rodean and Fio, and with Mama and Papa as well, but I couldn't spend the whole day with them because I still had work to do. May mga photoshoot akong kailangang tapusin ngayon araw kaya gustuhin ko man na manatili lang sa bahay, hindi talaga puwede.
"I'll be here later for dinner, love. Mga alas-sais, uuwi na ako," sabi ko kay Rodean nang nagpapaalam na ako patungong trabaho.
He sighed and nodded. I could feel that he didn't want me to leave for this special day, but we all had no choice. Ang tagal kong nawala sa trabaho at ngayong kababalik lang, nakakahiyang lumiban o mag-cancel ng mga shoots at appointments.
Bandang alas-tres ng hapon nang mag-short break kami sa shoot sa studio. Kasalukuyang nire-retouch ng make-up artist ang make-up ko nang magbukas ako ng cellphone. As expected, binaha ang inbox at social media accounts ko ng mga greeting mula sa mga kaibigan at fans. Nag-reply ako sa iilang mga kakilala ko at malalapit sa akin bago ako nagtungo sa Facebook.
Bungad na bungad sa akin ang isang trending post about kay Zadrino. Parang akong binuhusan ng malamig na yelo sa aking nakita. Humigpit ang hawak ko sa cellphone at nag-umpisang kumabog ang aking dibdib.
It was a picture of him with a man . . . and they were kissing.
Famous singer, Zadrino Castañares was seen kissing and holding hands with a man in a high-end condominium parking lot.
Iyon ang tila headline sa trending post. May nakakita umano kay Zad at sa kasama nitong lalaki na naghahalikan pagkalabas na pagkalabas ng sinasakyang kotse. Ayon pa sa nakakita ay nagtatawanan ang dalawa at magkahawak ang mga kamay na pumasok sa elevator.
Agad akong nag-check ng comments. Hati ang opinyon ng mga tao. Maraming nagtatanggol at marami ring nangba-bash. May nakita pa akong comment na idinawit ang pangalan ko ngunit hindi ko na lang pinag-aksayahan ng oras.
Bahagyang nanginginig ang mga kamay ko nang i-exit ko ang Facebook upang hanapin ang pangalan ni Zad sa contacts ko. Agad kong pinindot ang number niya upang tawagan. Mahabang segundo ang inabot bago niya tuluyang nasagot.
BINABASA MO ANG
Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)
RomanceIsla Contejo Series #3 (3/5) Adding insult to injury is the very last thing on Larseah Ordoveza's mind when she traveled to Isla Contejo for a photoshoot. She's there for work, not to get her heart broken by this particular Contejo who has nothing b...