Chapter 34

8K 231 39
                                        


TINALUKBUNGAN ko ng kumot ang buong katawan ko at muling bumalik sa pagkakayakap kay Rodean. Dahil malaki naman ang kumot ay natakpan din ang katawan niya. Ang lamig kasi 'tapos nakahubad pa kami. Kaya nga pinatay na lang muna namin 'yong aircon.

Marahang humahaplos ang kamay niya sa likod ko. It somehow eased the cold I was feeling. His body felt hot and to be this close to him was enough to warm me up. Ginawa kong unan ang dibdib niya at mas niyakap siya lalo.

Lumipat kami rito sa kuwarto matapos nang mangyari sa couch. My body was tired, but I didn't feel the need to sleep yet. I wanted to feel Rodean more while I was conscious. I missed him so much and making love with him wasn't enough to fill all the times we were apart.

I wanted to feel not just his touches or the things he could do to my body -- I wanted more than that. I wanted to feel again his affection, his love, and his care. I wanted us to go back to each other. It was only him I wanted in this lifetime. Siya lang ang tanging lalaking gusto kong makasama hanggang sa pagtanda.

At kung hindi man siya nabalik muli sa akin, tatanda siguro ako nang walang asawa. Ayaw ko nang magmahal ng iba kasi siya lang ang gusto ko -- siya lang ang mahal ko.

"Rodean . . ."

"Hmm?"

"Can I ask something?" Saglit ko siyang tiningala ng tingin. "About your . . . past?"

He stared back at me as his hand kept on caressing my back.

"Of course, love."

Mabilis na pumaskil sa mga labi ko ang ngiti nang marinig ko ang endearment na ang tagal ko ring hindi narinig. Para tuloy akong binudburan ng asin kaya mas lalo akong pumulupot sa kaniya. Muli kong ibinalik ang pagkakaunan ko sa kaniyang dibdib.

"How many b-boyfriends did you--I mean . . ." Mabigat akong napabuntonghininga at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kaniya. "You had a relationship with Zad, right? Were there any others boys before or after him?"

Napakagat agad ako sa pang-ibabang labi ko matapos itanong iyon. Ang awkward naman nito. Okay lang kayang itanong ko sa kaniya 'yong mga gano'n? 'Di kaya siya maiilang o mao-offend?

"I had two," he answered. "First one was a schoolmate back in college and then Zad."

Napatango ako. May gusto pa akong itanong pero nag-aalala ako na baka hindi niya magustuhan iyon. Ayokong magkainisan kami. Ayoko rin siyang ma-offend kung sakali. I was just really curious. Not that it was important to me, but . . . I just really wanted to know. It would be fine kung hindi niya sasagutin. Maiintindihan ko.

"May gusto pa sana akong itanong kaso . . . baka ma-offend ka," pagtatapat ko. "I mean, I don't mean anything wrong naman. I'm just curious."

Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya at naabutan ko siyang mataman pa ring nakatitig sa akin. Malambot ang mga mata niya at para bang payapang-payapa.

"Go ahead, Seah. Paano mo malalaman kung mao-offend nga ako kung hindi mo itatanong?"

Muli akong bumuntonghininga at nagbaba ulit ng tingin. Pinaglaruan ko sa daliri ko ang iilang hibla ng maninipis na buhok sa bandang puson niya habang muling naiisip ang kuryosidad ko. Well, magtatanong lang naman ako. It wasn't like I would confront him for a crime or something.

"Were you . . . i-intimate with your ex-boyfriends?" Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan. "Have you had sex with them or whatever?"

Mariin akong napapikit. Nahihiya ako sa mga tanungan ko. Nakakailang din. Ba't ba kasi ako curious?! Hindi naman importante 'yon.

"It's okay kung ayaw mong sagutin. I'll understand."

Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya upang makita ang reaksyon niya. Wala namang nabago. Malambot pa rin ang ekspresyon at hindi naman siya mukhang inis. Kinakabahan kasi ako dahil baka mamaya, mag-away kami dahil inuungkat ko pa ang nakaraan niya. E kababalik lang namin sa isa't isa 'tapos mag-aaway lang agad kami?

Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon