LIBO-LIBONG komento ang natanggap ng picture na p-in-ost ko sa Instagram kaninang umaga. Anim na oras pa lang ang nakakaraan ay mahigit limang daang libo na ang likes at dinagsa ng comments. Karamihan sa comments ay mula sa iilang kakilala at kaibigan ko sa industriya na nagko-congrats at nagsasabing masaya raw sila para sa akin.
Ang ibang comments ay mula sa fans at syempre, hindi mawawala ang mga nagmamagaling na bashers. Kapag talaga sarado na ang utak ng isang tao at iisang bagay na lang ang gustong paniwalaan, hinding-hindi na tatanggap ng iba pang eksplenasyon. Wala na akong magagawa sa mga bashers. Ang importante, masaya na ako at parang nakawalang ibon na malayang lumilipad.
seahordoveza:
So many things happened in the past few months and I chose to be silent because I thought that it would be the best thing to do or that it would somehow protect my inner peace and most especially my beloved Rodean. Being in the spotlight isn't his thing and all I wanted was to protect him from everyone. I chose to hide him and our relationship. Wrong decision. Because as things started to get out of my control, I realized that staying silent isn't healthy anymore. Staying unbothered is not always applicable to some situations.
I met Rodean in Isla Contejo almost 10 months ago. We fell in love and officially became a couple. I am in a relationship with him, not with anyone. I never had any romantic relationship with that famous singer. Never had and will never have. I'm in love with Rodean Contejo and that's all that matters to me. I don't care about anything anymore as long as we're together.
Ang picture na in-upload ko ay hiningi ko pa sa paparazzi na nahuli ko kaninang umaga na kinukuhanan kami ng litrato ni Rodean. We were chilling on the sun lounger in front of the pool. Rodean was behind me and I was leaning on his chiseled chest. Doon ko nahagip ng tingin ang isang paparazzi hanggang sa kinompronta ko.
Imbes na awayin ay minabuti kong tingnan na lang ang mga kuha niyang litrato sa amin ni Rodean. Ang gaganda ng shots kaya namangha ako. Pinili ko 'yong isa na pareho kaming nagtatawanan ni Rodean dahil sa pinagkukuwentuhan. We looked so happy in there and it was really a candid shot. My hair was swaying by the wind. Rodean's arm was encircled around my waist as I leaned on his chest. Our smiles were priceless and the atmosphere just looked so perfect.
Binigyan ko na lang ng tip ang paparazzi matapos mailipat sa cellphone ko 'yong picture. Wala na akong pakialam kung ipagkalat niya lahat ng pictures na nakuha niya dahil ipaaalam ko naman na sa buong mundo ang relasyon namin ni Rodean.
Nagtatanghalian kami sa hotel room ko nang makatanggap ako ng tawag kay Mama. I looked at Rodean and he nodded once. I excused myself for a while to pick up the call.
"Ma--"
"Huy! Boyfriend mo 'yon?" bakas sa tono ni Mama ang pinaghalong gulat at excitement.
Napakamot ako sa aking ulo at napasulyap kay Rodean na nasa hapag habang nakatitig sa akin. Para bang kapag nalihis ang mga mata niya ay mawawala ako sa paningin niya. Nagtaas siya ng isang kilay sa pagsulyap ko. Nagbaling na lang ulit ako ng tingin sa ibang direksyon.
Malamang ay nakita na rin ni Mama ang post ko sa Instagram o kaya ay napanood na sa balita kaya ganito ang bungad niya sa akin. Hindi na ako nagtaka kung paano niya nalaman.
"Opo, Ma."
"E bakit ngayon mo lang sinasabi? Ngayon ka na lang nagka-boyfriend ulit ah!"
I sighed. "Gusto kong sa personal ko sabihin sa inyo kaya hindi ko pa nasasabi."
"Sus! Sino ba 'yan? Gusto kong makilala!"
Unti-unti akong napangiti. I loved how my mom wasn't really that strict to me compared to Papa. She was always open to talk about things about love and the likes. It wasn't awkward for her. Pero kahit na bukas naman siya sa mga bagay na ganoon at hindi masyadong mahigpit ay hindi pa rin nawawala ang mga paalala niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)
RomanceIsla Contejo Series #3 (3/5) Adding insult to injury is the very last thing on Larseah Ordoveza's mind when she traveled to Isla Contejo for a photoshoot. She's there for work, not to get her heart broken by this particular Contejo who has nothing b...
