Chapter 10

4.9K 174 23
                                    


NAPAHINGA ako nang malalim nang marinig ko ang pagkatok sa pinto ng hotel room ko. Bumaba ako mula sa kama at sinuri muna sandali ang sarili sa harap ng salamin. Sinuklay ko pataas ang buhok ko at nagtungo na sa pinto.

"Housekeeping!" anunsyo ng kumakatok sa pangalawang pagkakataon.

Nabosesan ko agad kung sino iyon kaya hindi na ako nag-abala pang i-check sa peephole. Binuksan ko na agad ang pinto. Wearing his usual uniform as a manager and holding on a housekeeping cart, he was standing commandingly in front of me.

Pasimple akong napalunok at pinapasok siya.

"I didn't ask for a housekeeping service today, Rodean," I said.

"It is scheduled today."

Napatango ako. "But it's not your job to do it. I didn't request for you to do it."

His serious and dark eyes stared at me as he raised one of his brows. Mukhang babarahin na naman ako ng isang 'to sa klase ng tingin.

"I volunteered to do it. Sanay naman na akong pumapasok dito sa kuwarto mo kaya ako na ang gagawa."

I sighed and just slowly nodded. "Bahala ka..."

Naglagi ako sa couch at binuksan ang TV habang siya ay abala na sa pag-aayos ng kama ko. Madalas niya akong sulyapan habang nagtatrabaho. Nagkakatinginan kami dahil panay rin naman ang sulyap ko sa kaniya.

I just felt a bit awkward because the memory I had with him at the ranch was still stuck in my head. Every time I remembered it, I felt my cheeks burning up. Nakakahiya! I almost kissed him!

Though we haven't talked about it and he also wasn't saying anything, still... I couldn't help but feel awkward around him. Hindi ko alam pero para kasing may nanghihila sa akin para halikan siya noong mga oras na 'yon. I didn't know, maybe his lips were really that enticing.

Mukha namang walang kaso iyon sa kaniya kasi no'ng lumalapit nga ako para halikan siya ay hindi naman siya umatras. Parang ayos lang sa kaniya. Naiisip ko tuloy, paano kaya kung natuloy 'yong halik? Magustuhan kaya niya? Would he respond to my kisses?

Napasapo na lamang ako sa aking noo sa mga pinag-iiisip ko. Ano ba 'yan! Talagang napapadpad na roon ang utak ko? Kung nababasa lang ni Rodean ang isip ko ngayon, malamang ay kanina pa ako nagpakain sa lupa sa sobrang kahihiyan.

But then... I wanted to kiss him in the first place, right? So bakit ako mahihiya ngayon? Ginusto ko namang gawin. 

Hay naku! Why the hell was I even thinking about that "almost kiss" until now?! Disappointed ba ako na hindi natuloy 'yon o disappointed sa sarili dahil ang harot-harot ko at bigla-bigla na lang manghahalik? Oh my God, Seah!

Muli akong napatingin kay Rodean sa kalagitnaan ng mga kagagahang napag-iiisip ko. He was wiping the window and it was as if he felt my stare that he suddenly turned his head at me. Hindi agad ako napaiwas ng tingin kaya parang tanga akong napakurap-kurap.

Naibalik ko rin naman ang tingin ko sa TV. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko siyang nagpatuloy na sa ginagawa. I tried to busy myself by changing the channels, but I didn't saw something interesting, so I just decided to turn the TV off. Tumayo ako at saktong katatapos lang ni Rodean sa pagpupunas sa bintana.

Nagkatingin ulit kami. His face was serious, but there was a glint of confusion in his eyes as he stared at me. I was the first one who broke the eye contact and walked pass him. Binuksan ko ang sliding door ng balkonahe at doon naglagi. Sinayaw ng hangin ang buhok ko kasabay ng paglingon ko sa loob ng kuwarto kung saan siya naroon.

Nagva-vacuum na siya ngayon ngunit panay pa rin ang sulyap sa akin. I sighed and slowly looked away. Tinanaw ko na lamang ang mga matatayog na building sa harap ko habang dinadama ang pagtama ng hangin sa mukha ko. Napatingala ako sa grupo ng mga ibon na nagliparan sa harap ko. I smiled unconsciously when I saw them flew together at a certain direction.

Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon