AYON sa doktor na pinapunta ni Papa sa rest house na tinutuluyan namin, anim na linggo na raw akong buntis noong malaman ko iyon. Wala akong kaalam-alam na may dinadala na pala ako nang mga panahon na iyon. Hanggang sa madalas na akong maduwal at mahilo. Doon na nagdesisyon si Papa na patingnan ako sa doktor.
Sa mga naunang buwan ng pagbubuntis ko, palagi akong iritado lalong-lalo na kay Mama. May anak kami ni Rodean ngunit dahil para kaming mga dagang nagtatago rito sa Palawan, hindi ko alam kung paano ko masasabi iyon sa kaniya. I needed him with me through my pregnancy. I needed his support. His child needed him.
Pero kung tinamaan ka nga naman ng malas at napunta pa kami sa sitwasyon na ito. Masaya sana kami ni Rodean ngayon sa Isla Contejo. Alam kong matutuwa siyang malaman na magkaka-anak na kami. Ngunit tinanggalan ako ng pagkakataon na sabihin iyon sa kaniya dahil sa sitwasyon namin ngayon nina Mama.
Bakit naman kasi uutang-utang para lang may maipangsugal! Nanahimik na lang sana sa bahay at sa ibang bagay na lang sana inubos ang pera! Nadamay pa tuloy kami ng anak ko! Para kaming mga wanted na nagtatago rito!
Nanatili ang iritasyon at inis ko kay Mama sa ilang buwan. Hindi ko rin kailanman sinubukang itago iyon mula sa kaniya. I wanted her to know the damage she inflicted to all of us. I wanted her to be aware of how she messed up with my life. She needed to learn her lesson and she should learn it the hard way.
Ramdam ko naman na nagi-guilty siya kaya sa ilang buwan na iyon ay bumabawi siya sa akin. Siya ang nagluluto at palaging itinatanong kung may kine-crave ba akong pagkain. Oras-oras din niyang ipinaaalala ang mga vitamins na dapat kong inumin. Pilit niyang pinalalambot ang loob ko kaya nagpapaka-sweet.
"Seah, kumain ka na rito habang mainit pa itong sabaw," aniya isang tanghali.
Siya na naman ang nagluto kahit na puwede namang iyong kasambahay. Masyado niyang pinapagod ang sarili niya. Hindi niya naman ako kailangang pagsilbihan nang sobra para lang gumaan ulit ang loob ko sa kaniya.
I sighed and stood up from my seat as I touched my now 7-month baby bump. I walked towards the dining area. I saw Papa on the garden through the sliding door and he was on his phone again -- probably talking to some of his connections.
Napabaling lang ulit ako sa hapag nang hawakan ako ni Mama sa braso. Iginiya niya ako sa upuan at inalalayang umupo roon. Tahimik akong nagpakawala ng hininga.
"Kaya ko namang maupo, Ma."
"E baka mapa'no ka."
Napangiwi ako. "Ano namang mangyayari sa 'kin sa pag-upo?"
Pumalatak siya at nagkamot ng ulo. "Naku, huwag ka na ngang makulit. Kumain ka na."
Napakamot na lang ako sa aking kilay at nagsimula nang magsandok ng pagkain. Naupo siya sa katapat kong upuan at nakangiti akong pinagmasdan.
"Masarap 'yan," sabi pa niya.
Nag-umpisa na akong kumain ng niluto niyang sinigang. Masarap nga kagaya ng inaasahan ko kaya napatango-tango ako. Nang umangat muli ang tingin ko sa kaniya ay mas malaki na ang ngiti niya.
"Anong gusto mong meryenda mamaya? Magluluto ako."
"Ma, luto ka nang luto. Huwag ka nang magpagod," saway ko.
"Hindi naman ako napapagod. 'Tsaka, gusto kong nilulutuan ko kayo niyang apo ko."
Hmp. Ang sabihin niya, nagpapalakas lang talaga siya sa akin. Guilty siya sa nagawa at sa pandadamay sa amin sa gulo niya kaya ngayon ay bumabawi. Hindi naman na ako ganoong kagalit sa kaniya. Ilang buwan na rin kasi ang lumipas at tuluyan ko nang natanggap na baka dito na ako manganak sa Palawan. Kaya lang minsan, nafu-frustrate pa rin ako sa tuwing naiisip ko si Rodean. Sayang at wala siya rito sa panganganak ko.
BINABASA MO ANG
Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)
RomanceIsla Contejo Series #3 (3/5) Adding insult to injury is the very last thing on Larseah Ordoveza's mind when she traveled to Isla Contejo for a photoshoot. She's there for work, not to get her heart broken by this particular Contejo who has nothing b...
