AYON sa balita, pinuntahan umano ni Zadrino si Rodean sa The Contejo Main Hotel at halos makasuntukan sila roon. Narinig din sa video na kumalat na pinagbantaan ni Zad ang boyfriend ko na lumayo sa akin at itigil ang kung ano mang namamagitan sa amin.I looked for the video. Zad seemed mad in the very beginning while walking towards Rodean who was at the front desk. Rodean looked calm and almost not giving a damn. Hindi marinig ang usapan nila sa video dahil medyo malayo iyong nagvi-video. May sinasabi si Zad habang galit na nakatingin kay Rodean hanggang sa bigla niya na lamang itong itinulak.
Rodean seemed to lose his patience and pushed Zad harder than the first one did. Zadrino almost fell on the ground. May narinig akong mga nagtilian. Kita ko pa kung paano nabahala iyong katrabaho ni Rodean sa front desk at nagtawag ng security.
Bago pa makabawi si Zad sa pagkakawala ng balanse ay mabilis na siyang nakuwelyuhan ni Rodean. He was saying something while looking angrily at Zad, but it couldn't be heard on the clip. The securities came and forced them to get off each other. Susugod pa sana si Zad ngunit dahil hinarangan na ng mga guwardiya ay hindi na nakalapit.
"Stay the fuck away from Seah!" sigaw ni Zad kaya dinig na dinig iyon sa video. "Whatever's going on with you two, stop it and leave her alone! Dahil kung hindi, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!"
I couldn't seem to understand. I was still in shock and still processing what just happened. I couldn't believe it and I never expected something like that! I mean . . . they both looked okay when I introduced them to each other. Maayos ko silang ipinakilala sa isa't isa!
Hindi sila nagpapansinan pero alam ko naman na dahil lang 'yon sa hindi pa nila gaanong kakilala ang isa't isa kaya awkward pa. Hindi ko inasahan na may mangyayaring ganito. I didn't know that Zad would go there to threaten Rodean. What had gotten into him?
Pati ba naman siya na best friend ko ay makikialam pa sa relasyon ko kay Rodean? Akala ko kakampi ko siya! Isa pa, kung may problema pala siya sa relasyon namin ni Rodean, e 'di sana'y ako ang kinausap niya. Why did he need to go there and start a fight? Why did he even need to talk to Rodean about it? Nakakahiya!
'Tsaka ang daming taong nakakita. Hindi ba siya nag-iisip? Kitang-kita siya sa video! Alam niya na ngang mainit pa rin ang pangalan namin sa publiko tapos gumawa na naman siya ng panibagong pag-uusapan!
Nang dahil sa panibagong usbong na issue, hindi tuloy ako makapag-focus nang maayos sa shoot ko. I didn't have the opportunity to call Rodean because I was still in the midst of photoshoot. I kept on thinking about what happened earlier this morning. Kumusta kaya siya? Okay lang ba siya?
At si Zad! Ewan ko sa kaniya. Naiinis ako! Hindi ko talaga makuha ang point kung bakit siya pumunta roon at halos hamunin ng away si Rodean! Nakakahiya! Nahihiya ako sa inasal niya. ibinibida ko pa man siya kay Rodean dahil best friend ko siya tapos ganito ang gagawin niya?
Pagkatapos na pagkatapos ng shoot ko ay minabuti kong tawagan muna si Zad bago si Rodean. Nasa loob ako ng sasakyan habang tanaw ang mga nadadaanan sa labas. Ilang ulit na ring ang inabot bago niya tuluyang sinagot.
"Seah--"
"What the hell happened, Zad?" I immediately cut him off.
I heard his deep sigh on the other line before he spoke.
"Look, Seah . . . we've been friends for years and all I just want is the best for you--"
"Oh, come on!" Agad na nag-init ang ulo ko. "So you're telling me that Rodean is not the best--"
"Yes!" agap niya. "Absolutely not the best for you!"
"You don't have the rights to tell me who's the best for me! You don't get to decide who I'll date! Oo, best friend kita, pero hindi ikaw ang magdedesisyon sa buhay ko. You also don't need to order Rodean to stay away from me dahil wala kang karapatan!"
![](https://img.wattpad.com/cover/228096623-288-k141031.jpg)
BINABASA MO ANG
Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)
RomanceIsla Contejo Series #3 (3/5) Adding insult to injury is the very last thing on Larseah Ordoveza's mind when she traveled to Isla Contejo for a photoshoot. She's there for work, not to get her heart broken by this particular Contejo who has nothing b...