Chapter 22

6.2K 183 8
                                        


MABILIS na kumalat ang balita tungkol sa interview ni Zad kung saan niya sinabi na may relasyon kuno kami. I was beyond furious and I think he deserved every slap I did when I confronted him.

I didn't know why he needed to be such an asshole. I couldn't take it anymore. Sumosobra na siya. Pinipilit ko pa siyang intindihin noong una. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na concern lang siya bilang kaibigan ko pero para magdesisyon na lang siya bigla ng isang bagay na malaki ang magiging epekto sa akin ay hindi ko na mapapalagpas.

I've had enough and I didn't think I could still see or talk to him anymore. He was making everything worse and it had to stop!

Hindi na ako nagulat nang tinawagan ako ni Tita Deborah. Alam ko na agad ang sasabihin niya ngunit hindi katulad noon na sumasang-ayon lang ako, ngayon ay kailangan kong manindigan. I needed to defend myself and speak up once and for all. I've had enough of these bullshits!

"Just go with the flow for a while, hija. Sakyan mo na lang muna ang pakulo ni Zad. Matatapos din ito--"

"No, Tita! I've been silent for a long time. I can't keep my mouth shut anymore," mariing tugon ko sa kaniya sa kabilang linya.

"Huhupa rin naman ang issue--"

"Huhupa, huhupa--palagi na lang gano'n! E nadadagdagan lang at mas lumalala habang tumatagal! Tita, can't you see? The more na hindi ako nagsasalita, the more na mas lumalala ang sitwasyon!"

Mabigat siyang nagpakawala ng hininga. "Then what are you going to do, huh? Deny what Zad just said? Ano na lang ang sasabihin ng mga fans n'yo? Sa tingin mo maniniwala sila sa 'yo? Iisipin lang nila lalo na totoo ngang may iba kang lalaki!"

"Wala akong ibang lalaki dahil hindi ko naman siya boyfriend! Si Rodean ang boyfriend ko at siya lang! And I don't care about Zad's stupid toxic fans! I didn't enter this industry to please them! I entered this to project in front of the camera and to walk gracefully on the runway! Their stupid and cheap fanaticism is the least of my concern!"

"Seah--"

Hindi ko na siya pinatapos pa. Ibinaba ko na agad ang tawag at ibinato ang cellphone sa kama. Nagtungo ako sa aking closet at nagsimulang mag-impake ng mga gamit.

"Juna!" tawag ko.

Dali-daling pumasok si Junaira sa loob ng kuwarto ko at kita ko ang gulat sa mukha niya nang makita ang ginagawa ko.

"Sa'n ka pupun--"

"Book me a flight to Isla Contejo and book me a one month stay in The Contejo Hotel."

Mukha siyang lito dahil sa ginagawa ko at hindi agad nakatugon. Matapos ng ilang segundo ay natataranta siyang tumango. "S-sige po."

Nagbilin ako kay Juna na siya na muna ang bahala sa condo ko habang wala ako. In-advance ko na rin ang suweldo niya para may panggastos siya rito. I called my mom and told her that I'm out of Manila again. She didn't find it a problem at all or she just didn't care. Puro kasi sugal ang inaatupag.

Halos madaling araw na nang makarating ako sa Isla Contejo. Mabuti at mayroong nai-book si Juna na room na puwede para sa isang buwan. Pagkapasok ko roon ay hindi ko na muna inayos ang mga gamit ko. Naupo ako sa couch at nagpahinga saglit bago tinawagan si Rodean.

Naisip kong baka tulog na siya kaya hindi na ako masyadong nag-expect na sasagutin niya. Hindi pa rin kami nakakapag-usap tungkol sa kumalat na balita. Hindi ko alam kung nakarating na ba sa kaniya iyon ngunit gusto kong pag-usapan pa rin namin.

Matapos ang tatlong ring ay napahinga ako nang malalim at napangiti nang sagutin niya.

"Hey," his voice sounded raspy, so he might have woken up from his sleep.

Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon