ILANG ulit ko na yatang sinulyapan ang gintong singsing sa daliri ko at kahit pa siguro ilang ulit kong gawin iyon ay hinding-hindi ako magsasawa. Hindi mawawala ang ngiti sa mga labi ko at paulit-ulit nitong pagwawalain ang sistema ko."Kung puwede mo lang sigurong idikit ang mga mata mo d'yan sa singsing, kanina mo pa siguro ginawa," natatawang saad ni Rodean habang nagmamaneho.
Bahagyang humaba ang nguso ko at pabiro siyang sinamaan ng tingin. "E ang ganda, e. Bakit ba?"
He rose his brow up at me and looked at me proudly.
"Thanks to me, then. Kung 'di kita binigyan ng ganiyan, hindi ka mangingiti minu-minuto," pagyayabang pa niya.
Maikli akong natawa at pinaghahampas siya sa balikat. Natatawa siyang umiwas hanggang sa kusa na akong tumigil dahil baka mabangga kami sa kaharutan naming dalawa.
"Ang yabang mo talaga sa 'kin! E kung nag-no naman ako sa proposal mo, malamang araw-araw kang pinagbagsakan ng langit!"
"Wow, kapal mo naman," banat niya.
Buwisit! Hindi talaga lumilipas ang araw na hindi niya ako naaasar!
"O bakit, hindi ba totoo? May pa-please-please ka pa nga e! Halos magmakaawa ka sa 'kin na mag-yes ako sa 'yo."
Pabiro niya akong sinimangutan bago siya napabuntonghininga na lamang. "Fine, you win."
I laughed evilly and this time, it was my turn to tease him.
Papunta kami ngayon sa The Contejo Hotel Manila dahil aniya'y gusto niya akong ipakilala sa mga empleyado roon. Balak ko ring kausapin ang Tita niyang si Sera Contejo tungkol sa private resort nito sa Isla Contejo. Naghahanap kasi si Zad ng mapag-i-stay-an na hindi gaanong dinadayo ng maraming tao.
Gusto niya, pribado at malayo sa Maynila. Lalayo raw muna siya sa media hanggang sa tuluyang humupa ang issue tungkol sa kanila ng boyfriend niya. Nagtanong ako kay Rodean kung may alam pa siyang ibang pribadong resort na wala halos gaanong turista. Ini-recommend niya sa akin iyong private resort ni Tita Sera na nasa Isla Contejo rin.
Kaya magtatanong ako mamaya kay Tita Sera ng tungkol doon para masabihan ko kaagad si Zad.
"Good morning po, ma'am!"
"Ang ganda n'yo po pala talaga sa personal!"
"Bagay na bagay po kayo ni Sir Rodean."
Sumut-saring bati at papuri ang natanggap ko mula sa mga staff ng Manila branch. Hindi pa ito ang kabuoan ng mga empleyado nila rito dahil iyong iba ay abala sa duty. They were so nice and welcoming. It was obvious that they were really trained to be hospitable.
"Thank you so much! Nice to meet you all!"
Nang matapos maipakilala sa mga ito ay nagtungo kami ni Rodean sa kaniyang opisina. May meeting siyang dadaluhan at makakasama niya roon si Tita Sera. Mamaya ko na lang daw ito kausapin pagkatapos ng meeting. I had no choice but to wait in his office and busied myself to some of the papers on his table.
Nagtagal ang titig ko sa pirma niyang masyadong dikit-dikit na parang sulat na ng doktor. Maganda pa rin naman ito sa paningin kahit na ganoon. Obvious din naman at madaling maintindihan dahil R. Contejo lang iyon.
Hindi ko alam kung anong sapi ang meron ako pero nangingiti ako habang pinagmasmasdan ang pirma ni Rodean. Hindi ko akalaing pati sa pirma niya ay magaguwapuhan ako. Ano ba 'yan, ang lala ko na talaga. Kaya niya ako naaasar na patay na patay sa kaniya e!
Nang wala na akong makitang interesante sa opisina niya ay nag-check na lang ako ng updates sa cellphone ko. Naubos ang oras ko roon hanggang sa makita kong nagdadaanan na ang iilang sa tingin ko'y kasama sa meeting nina Rodean. May maliit kasing clear part sa salaming dingding ng opisina ni Rodean kaya medyo nakikita ko pa rin ang labas.
BINABASA MO ANG
Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)
RomansaIsla Contejo Series #3 (3/5) Adding insult to injury is the very last thing on Larseah Ordoveza's mind when she traveled to Isla Contejo for a photoshoot. She's there for work, not to get her heart broken by this particular Contejo who has nothing b...