BUONG araw nanatili si Rodean sa hotel room namin upang makipaglaro at mas makilala pa si Fio. Nang sumapit ang gabi ay ine-expect kong aalis na siya at babalik sa kung saan man siya tumutuloy ngunit pumatak na lang ang alas diez ng gabi ay nanatili siya sa couch habang karga si Fio na kanina pa nakatulog.
"It's late. Baka mapuyat ka," ako na ang kusang nagsalita dahil para siyang walang balak matulog ngayong gabi.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Seryoso ang mukha ngunit hindi ko na nakikitaan ng galit at lamig kumpara kanina noong nasa opisina niya kami. Tila ba unti-unti na siyang kumalma.
"Can I sleep here?" he asked.
Napakurap-kurap ako sa tanong niya. Sinabi niya ngang gusto niyang makasama ang anak niya 24/7 ngunit hindi ko naman akalain na seseryosohin niya iyon!
Napatingin ako sa kuwarto ko. Saan siya matutulog dito? Alangan namang magtabi na agad kami sa kama? Ni hindi pa nga namin napag-uusapan nang maayos ang tungkol sa aming dalawa.
Nang ibalik ko ang tingin ko sa kaniya ay mataman pa rin siyang nakatitig sa akin -- naghihintay ng tugon ko. I couldn't help but look at him in awe while he was carrying our son. He looked so peaceful and calm. An image of him holding our little one already got tattooed in my head.
"Uh, o-okay lang naman," sagot ko at napahaplos sa aking batok. "Pero . . . saan ka matutulog?"
"I can sleep on this couch."
Hindi na ako umangal pa dahil wala naman akong maio-offer sa kaniyang ibang puwedeng matulugan. Binigyan ko siya ng unan at kumot hanggang sa naghanda na siya sa paghiga. Wala rin siyang nagawa kundi ibigay sa akin si Fio dahil hindi naman puwedeng doon ito matulog sa couch katabi niya -- baka mahulog.
Kinabukasan ay unti-unting nagising ang diwa ko nang marinig ang maliliit na hagikgik ni Fio. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. My vision was still a bit blurry, but I couldn't be mistaken that I was seeing Rodean sitting on the single sofa of my room. I blinked repeatedly.
Kinusot ko ang mga mata ko hanggang sa unti-unting luminaw ang paningin ko. Rodean was silently playing with Fio as he lightly tickled him on his stomach. Hawak niya ito nang mabuti habang nakaupo sa kandungan niya. Fio was giggling non stop with his every tickle.
Ang aga namang magising ng dalawang 'to. Anong oras na ba?
Unti-unti akong gumalaw at nag-inat ng katawan. Napabaling ng tingin sa akin si Rodean at tumitig nang ilang segundo.
"What time is it?" I asked.
"Seven-thirty."
Isang beses ko pang kinusot ang mata ko bago bumangon nang tuluyan. Pasulyap-sulyap sa akin si Rodean at sa tuwing titingin sa anak ay awtomatikong mangingiti.
"Pasensya na, pumasok ako. Hindi naka-lock ang pinto. Tiningnan ko lang kung gising na si Fio," paliwanag niya.
Tumango ako at maliit na ngumiti. "It's fine."
Nagpresinta na si Ate Angge na magluto ng almusal dahil inasikaso ko pa si Fio. Si Rodean ay bumalik saglit sa hotel room niya upang magpalit ng damit at babalik din daw agad. Dito siya mag-aalmusal.
"Padededehin ko na muna si Fio, Ate Angge. Hintayin na natin si Rodean bago tayo kumain."
"Okay po, ma'am."
Nagbaba ako ng tingin kay Fio na pinipisil-pisil na ang dibdib ko dahil gusto nang dumede. Umupo ako sa couch at mabuti na lang ay hindi naman siya nagmaktol. I started breastfeeding him as I turned on the TV and watched some talk shows.
BINABASA MO ANG
Hearts Between Colors (Isla Contejo #3)
RomanceIsla Contejo Series #3 (3/5) Adding insult to injury is the very last thing on Larseah Ordoveza's mind when she traveled to Isla Contejo for a photoshoot. She's there for work, not to get her heart broken by this particular Contejo who has nothing b...
