It's been three days since nakita kong magkayakap si Professor Montanier at ang fiancée niya. Simula noon, sinusubukan kong pigilan ang nararamdaman ko sa kanya. Paulit-ulit kong tinatangkang ibalik ang pagmamahal ko kay Jacob, pero dismayado ako dahil hindi ko magawa. Tuwing nakikita ko si Professor at ang fiancée niya, tila pinipiga ang puso ko sa sakit.
“Raquel, naniniwala ka ba sa love at first sight?” tanong ko habang nilalaro ang tasa ng kape sa harap ko. Nandito kami ngayon sa coffee shop ng kuya niya, pagkatapos naming dumaan sa National Bookstore.
“Why do you ask?” balik tanong niya habang tinititigan ako, halatang nagtatanong din ang mga mata niya.
Napatingin ako sa sahig, pilit na itinatago ang tensyon sa mukha ko. “W-wala, may nabasa lang ako sa social media,” palusot ko. Pero halata kong hindi siya naniniwala.
“Sus, kilala kita. Alam ko kung nagsisinungaling ka. Spill it,” sabi niya sabay lagay ng iced coffee sa mesa.
Napabuntong-hininga ako. Wala naman sigurong mawawala kung sasabihin ko, hindi ba? She's my best friend, after all.
“May nakilala kasi akong lalaki,” paanas kong sabi, sabay iwas ng tingin.
Nagtaas siya ng kilay. “Who?”
“He's... my professor,” mahina kong sagot, hindi magawang direktang tingnan ang reaksyon niya.
“Wait, what?!” malakas niyang bulalas, dahilan para magtinginan ang ibang tao sa coffee shop. Napahawak ako sa noo, kinakabahan na baka may nakarinig sa sinabi niya.
“Shhh! Huwag kang maingay!” bulong kong sabi, pero halata sa kanya ang pagka-shock. “I don't know, Raquel. Gulong-gulo na ako.”
Simula pa noong nagsimula ang klase, may kakaiba na akong nararamdaman kay Professor Montanier. Hindi ko ito maipaliwanag, pero the more I tried to suppress it, the stronger it grew. Ngayon, narito ako, humihingi ng tulong kay Raquel.
“Kailan pa 'yan?” tanong niya, tila hindi makapaniwala.
“Since day one,” sagot ko, pilit na iniiwasang makitang naguguluhan siya.
“Idalia, hindi okay 'yan. May boyfriend ka, at ang masama pa, professor mo siya! You're treading on dangerous ground,” seryoso niyang sabi.
Napayuko ako. “I know, Raquel. But what can I do? Kahit anong pilit ko, wala na talaga akong nararamdaman kay Jacob. Every time I’m with him, it feels... empty.”
“Then what are you planning to do? Break up with Jacob? Or stay kahit wala ka nang nararamdaman? Either way, isipin mong mabuti kung ano ang tama,” payo niya.
Pag-uwi ko sa apartment, naupo ako sa sofa, yakap-yakap ang teddy bear ko.
Jacob has been nothing but sweet and kind to me. He doesn’t deserve to get hurt. Kaya naman kahit hirap na hirap ako, I keep telling myself to hold on to our relationship. But then there’s Professor Montanier. The way my heart races every time I see him... It’s different. Unfamiliar. Dangerous
The next day, kinakabahan akong pumasok sa klase. This was Professor Montanier’s time slot, and I was determined to avoid looking at him. Pero kahit anong iwas ko, ramdam ko pa rin ang tibok ng puso ko sa bawat paglakad niya sa harap ng classroom.
When I'm with Jacob, I don't feel that strong pounding in my chest. It's really different when it comes to Professor. Masaya akong kasama si Jacob, at comfortable ako sa kanya kaya sinagot ko siya. Siya rin ang unang lalaki na nakapalagayan ko ng loob. He's nice and sweet. As much as possible, I don't want to hurt Jacob. Mas gusto kong isipin ang nararamdaman niya kesa sa nararamdaman ko. Jacob has done nothing but love me, and he doesn't deserve to get hurt.
Kinakabahan ako kasi it's Professor Montanier's time. I try to steady myself. I can do this. Para sa relasyon namin ni Jacob.
Hindi ako tumingin nang mag-simula maglakad si Prof papasok sa room namin.
Here it comes again, the pounding in my chest.
I don't know why Prof hates being greeted every time he enters. Ayaw niya bang maingay? Does he prefer everything to be quiet? It's making me even more nervous.
Habang nagdi-discuss siya, I just keep looking at what he's writing on the board, trying to avoid looking at his face. Kabang-kaba na nga ako, mas lalo pa akong kakabahan pag tiningnan ko ang mukha niya.
Pagkatapos ng klase, sabay kaming lumabas ni Seven. “Ang tahimik mo kanina,” puna niya. “Isang tanong, isang sagot ka lang.”
“Sorry,” sagot ko. “Wala lang ako sa mood.”
Hindi na siya nag-usisa pa. Nang makalabas kami, agad siyang sumakay sa sasakyan nilang nakaparada. Ako naman, diretso sa terminal para mag-abang ng bus.
Pagdating ng bus, sumakay ako agad at naghanap ng bakanteng upuan sa likod. Ilang minuto lang, napuno na rin ang bus. Habang nagbabayad ako ng pamasahe, narinig ko ang pamilyar na boses sa tabi ko.
“Villa Geronimo,” sabi niya.
Napalingon ako, at laking gulat ko nang makita kung sino ang katabi ko—si Professor Montanier.
“Good,” sabi niya, bahagyang ngumiti. “You're wearing jeans now.”
Parang tumigil ang mundo ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o kung paano kikilos. The air felt heavier, and my heart was pounding like a drum. How did I end up sitting this close to him?
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)
RomanceFormer Title : Avoiding Mr. Professor Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor named Sygred Lione Montanier, she felt butterflies in her stomach, and her heart beat so fast whenev...