Yana's POV
Nagising ako sa isang kwarto na hindi ko Alam kung saan ito. Ano bang nangyari? Nasaan ako?
Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ang pinto. May pumasok na isang nakaunipormeng pangkatulong.
"Magandang Gabi po Madame. Gising na po pala kayo." Sabi niya at ngumiti. Lumapit siya sa akin at hinanda sa harapan ko ang isang tray ng pagkain. Napaka sarap naman nito. Nakatayo lang siya sa harap ko at mukhang hinihintay ako kumain.
"Hindi po ba kayo aalis? Hehehe. I mean, pasensya na po, bibilisan ko na lang po kumain." Sabi ko at agad sumubo. Napatawa Naman siya sa ginawa ko.
"Naku Madame, mukhang hindi po kayo sanay sa ganito. Kumain po kayo ng maayos at magpakabusog po kayo. Pwede po kayong tumawag dyaan sa intercom kung may mga kailangan pa kayo." Sabi niya at naglakad paalis.
"Uhmm Teka lang po, Sino po nagdala sa akin dito?" Bago pa siya makapag salita, bigla na lang bumukas ang pintuan at pumasok si...Haynae?
"YANAA, WALANGHIYA KA TALAGA!" Sabi Niya at lumapit sa akin. Tumango lang sa akin ang Babae at lumabas na ng pintuan.
"Bakit?" Tanong ko.
"Anong bakit? Walang hiya ka talaga!" Sabi Niya habang masama ang tingin sa akin. Teka, ano bang nagawa ko?
"Bakit mo Naman ako pinag-alala ng ganito? Nakakainis ka, Alam mo yon?" Masama parin ang tingin Niya sa akin.
"Hindi." Lalo Naman sumama ang tingin Niya sa akin kaya napatawa ako. Akalain mo yon, May ganito pala siyang ugali.
"Glad you're okay!" Napatingin ako sa pintuan ng marinig ang boses niya. Isang taong gustong-gusto kong makita.
"T-Trysh~" Sabi ko habang naluluhang nakatingin sa Kanya. Lumapit sya sa akin at kinapa yung leeg at noo ko.
"Pwede ka ng umuwi!" Gulat na napatingin ako sa kanya ng sabihin niya iyon.
"SCARLETT!!!" Napatingin naman si Trsyh kay Haynae ng sinigaw nito ang pangalan niya.
"What?" Tanong ni Trsyh.
"Baliw ka ba?" Tanong ni Haynae. Shuta! Ano nangyayari?
"Gago ka ba?" Balik na tanong ni Trsyh. Mahina Naman akong napatawa kaya napatingin sila sakin.
"Sorry." Nasabi ko na lang.
"Follow me Bitch! We need to talk." Sabi ni Trsyh kay Haynae. "Okay Bitch!" Sagot Naman ni Haynae at tumayo saka sumunod sa Kanya.
"Teka, Sama ako!" Tatayo palang ako ng sinamaan nila ako ng tingin.
"Masakit pala ulo ko kaya tutulog muna ako. Ingat kayo ah!" Kumaway pa ako sa kanila ng nakangiti. Awkward!
"Boang!" Rinig kong bulong ni Haynae kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tuluyan Naman silang lumabas ng kwarto at diko na Alam kung saan sila tutungo.
Ilang oras ng Wala yung dalawa at patuloy ko paring iniiisip kung ano bang nangyari sa akin at naandito ako ngayon. Bakit naandito si Haynae at si Trysh? Bakit ganun ang pakikitungo nila sa isa't-isa na para bang ok lang sila at walang nangyari noong mga nakaraang taon.
Napagdesisyunan ko na lumabas na lang at hanapin yung Babae na nagdala sa akin dito kanina, baka may Alam siya sa nangyari sa akin.
Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Gulat na gulat Naman ako sa nakita ko. Kanino bang bahay ito? Damn! Palasyo na to ah. Kung lalabas ako sa kwarto na ito, feeling ko di na ako makakabalik.
Tama ba gagawin ko? Nakakalula Naman Kasi, eh kung antayin ko na lang sila? Hindi. Wag, ilang oras na nga silang hindi bumabalik eh.
Naghanap ako ng mga gamit dito sa drawer, sa cr, at sa paligid ng kwartong ito hanggang sa makakita ako ng double sided tape.
"Pwede na kaya ito?" Aish! Basta lumabas na ako ng kwarto. Kung ano man ang madaanan ko at kung saan ako tutungo, ay nag-iiwan ako ng double sided tape, para kung babalik na ako, Alam ko na kung saan ako dadaan dahil sa mga iniwan kong double sided tape.
Diko namalayan na naubos na pala ung double sided. Shuta? Ano gagawin ko? Maghihintay kung may dadating ba? Kanina pa nga ako naglalakad hanggang sa naubos na ung hawak ko, eh Walang dumaan kahit isa. Sumpa ba itong bahay na ito.
"Oh ineng anong ginagawa mo dito?" Napatayo ako ng maayos ng may magsalita sa likod ko. Sya yung Babae kanina.
"Ahh, hello po, pasensya na po at nagkalat pa ako, hinahanap po Kasi kita tsaka nagbabakasaling may Alam po kayo kung ano nangyari sa akin at kung paano ako napadpad dito." Napatango lang sya sa akin.
"Ah ganun ba. Ang Alam ko lang ay dinala ka dito ni Madame Scarlett. Yun lang po, nagulat nga ako ng bigla syang may dalang tao eh never Naman yan nagpapunta ng kahit na sino dito." Paliwanag Niya.
"Sa Kanya po ba bahay ito?" Tanong ko. "Oo hija. Sya ang nagmamay-ari nito. Ito yung iniwan sa Kanya ng lolo Niya." Sagot Niya.
"Pwede niyo po ba akong dalhin sa Kanya. Nakakalungkot po Kasi Dito hehe." Nahihiya kong sabi. Sobrang nakakalungkot Dito, ewan ko ba at ngayon ko lang natanong ito.
"Sa totoo lang po Madame, Wala po sila Dito. Nasa kabilang palasyo po sila eh—"
"Sa kabilang palasyo?" Gulat kong tanong. Meron pa? Gaano ba kalaki ito?
"Opo, at medyo malayo po Dito iyon. Kung gusto niyo po, ipapahatid na lang namin kayo sa isa naming driver." Sabi Niya. Tumango lang ako at sinamahan na Niya akong lumabas. Sa labas ay may naghihintay na isang limousine. Hindi ba pwedeng kotse lang? Napaka sosyal Naman nito.
Lumapit ang driver at nagsalita. "Madame Yana, pinapasundo po kayo sakin ni Madame Scarlett. Sumakay na po kayo." Sumakay na agad ako dahil hindi ko Alam kung ano pang mangyayari kung paghihintayin ko pa si Trsyh.
Mahabang byahe ang nangyari, nang maramdaman kong huminto ang sasakyan. Pinagbuksan ako ng pinto nung lalaki. Lumabas Naman ako at inanyayahan nila akong pumasok. May mga naghihintay na mga butlers and maid sa pintuan. Nang papasok na ako ay lahat sila nagsiyukuan sa akin. Diko Alam kung ano gagawin ko.
"Sumunod po kayo sa akin Madame." Sabi ng isang maid. Tumango Naman ako at sumunod na lang sa Kanya. Sumakay kami sa isang elevator at pinindot niya ang 8th floor.
Nang makalabas kami at naglakad pa kami ng mahaba hanggang sa makarating kami sa isang pinto.
Nagbow muna sa akin ang maid saka ako iniwan. Sumilip Naman ako sa nakaawang na pinto. Wala Naman akong nakikitang tao sa loob. Bubuksan ko na sana yung pinto ng bigla akong nakarinig ng may nag-uusap.
"Scarlett. Dapat na nating ipaalam kay Yana yung totoo, tutal nandito narin Naman siya." Sabi ni Haynae. Kunot-noo Naman ako ng marinig ko iyon. Anong totoo?
"She doesn't need to know." Sabi ni Trsyh.
"Scarlett, I know na may mga galit ka sa aming lahat pero Yana needs to know this." Sabi ni Haynae.
"This is a personal information between us. Why would Yana needs to know this? Besides Yana isn't connected with us. I have another plan to make to end this bullshit and makes everything back to normal." She wants everything to get back on what it is used to be. Is that possible?
"Yeah. Personal information. Matagal na kaming nagsasama at ayoko ng maglihim pa sa Kanya. Gustong gusto ko ng sabihin sa Kanya na magpinsan Tayo. Ano ba nakikinig kaba?"
Magpinsan? So that's explained why they're both here and my conclusion about them was true. I have this conclusion before that they have similarities and I thought they're siblings or relatives.
"You're so loud. Bakit ba napaka-big deal sayo ha?" Tanong ni Trysh kay Haynae.
"Wala lang. Proud lang ako. Bahala ka sasabihin ko parin sa Kanya." Sabi ni Haynae.
"You don't have to! She already knows that. Do you think I know nothing?" Tanong ni Trsyh. Napapikit Naman ako ng mariin, bakit ba ngayon ko lang nalaman?
Paalis na sana ako ng magsalita siya. "Come in! Eavesdropping is a sin." Sabi ni Trysh, kaya tuluyan na akong pumasok at di makatingin sa kanila.
BINABASA MO ANG
She Changed [ONGOING]
Random"I still remember the first day I met you." Book 2 of "The Nerdy Girl"