SC: Chapter 11

1.2K 45 1
                                    

Scarlett POV

After ng scene sa auditorium ay dumiretso ako sa office ni kuya pero nadatnan kong Wala ng tao dun. Nakita ko na Lang ang isang letter na nakapatong sa table.

Umupo muna ako sa swivel chair para basahin ang letter na iniwan ni kuya nang bigla namang pumasok ang dalawa.

"Scar. Ikaw Naman na ang namumuno sa school na ito, pwede nating gawin lahat ng gusto natin like pambubully." Sabi ni Jasmine. Nahampas Naman siya ni Jen nang dahil sa kalokohan niya.

"Tumigil ka nga diyan. Jasmine, mag-matured ka nga, Hindi ka na Bata." Napa-pout nalang si Jasmine nang pagsabihan siya ng kambal niya.

"Hindi iyan ang pinunta ko dito, Jasmine." Sabi ko pagkatapos basahin ang sulat ni kuya. Puro lang Naman about sa school ito.

"Let's go. Papasok na tayo sa klase natin." Sabi ko at tumayo na. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na sa office, sumunod naman sila sa akin.

"Saan ba room natin, Scar?" Tanong ni Jasmine. She is so annoying! Puro tanong.Hindi ko na lang siya sinagot at patuloy lamang naglakad papuntang room.

Nang makarating kami sa room ay agad napatingin sa Amin ang mga estudyante at natahimik.

"Hello guyss.." Bati nung dalawa sa mga classmates namin pero diretso lang ako sa paglakad sa upuan ko.

"Van, tabi tayo.." Sabi nila sa akin. Napadako ang tingin ko kay Auxcez na nakatingin sa akin, dahil kalinya niya ang upuan namin.

Dumiretso na ako sa upuan ko, sa tabi ng bintana, tumabi naman sa akin ang dalawa. Dumating Naman ang Prof namin pero napagdesisyunan kong matulog na lang.

Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng mga estudyante, naglalabasan na sila, tinignan ko Naman ang orasan sa phone ko. 10:35 na, which is Breaktime.

"Scar. Breaktime na. Nasan ba cafeteria dito? nagugutom na ako eh?" Reklamo ni Jasmine. "Gutom na gutom na talaga ako. Huhuhu! Scar, Tara na.!" Dugtong niya.

"Shut up! You're so loud!" Sabi ko. "Rule no. 13, wag mong iistorbohin ang bagong gising." Singit ni Jen.

Hindi ko na lang sila pinansin at tumayo na at naglakad palabas ng classroom. Sinundan naman nila ako. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya chineck ko Kung sino ang nagtext.

From: Steven.
    Pumasok ka na pala, Hindi mo sinabi sa Amin? BTW, susunod kami diyan ni Kuya Xander, Jillian at ako. Sasamahan ka namin. Bye, I love you..

Tsk! Love himself! Tsaka bakit pa sila susunod? Geez, Yung feeling na gusto mong makalayo-layo pero may mga tao talaga na napaka-kulit na hahanap-hanapin at susundan ka! What a life!?

Dumiretso na lang kaming canteen, pinagtitinginan pa kami ng mga estudyante pero Hindi ko na lang pinansin yun at pumunta na lang sa counter, may mga taong tumatabi na para padaanin lang kami kaya nauna na kami sa kanila at bumili ng makakain.

Coffee and a slice of cake lang ang binili ko, a Coke and a carbonara Naman Kay Jasmine samantalang kay Jen......nevermind...

Naglakad na kami para humanap ng mauupuan nang may sumagi sa akin na babae.

The fuck!

"Oopppsss! Sorry." Sabi nung babae at tumawa pa. Tumingin lang ako sa kanya at pinunasan ang basa sa braso at damit ko.

"It's okay!" Sabi ko kahit medyo nainis ako sa kanya. She's not sincere at all. But I'm trying to be nice here because it's my first day here, and not because I'm the owner.

"Omo! Scar Yung kamay mo namamalat at namumula!" Sabi ni Jasmine at kinuha ang kamay ko pero binawi ko Lang din. "You bitch! How dare you to do that to her!" Sabi niya sa babae na gulat na gulat na nakatingin sa akin habang pinupunasan ko ang braso ko ng tissue paper. What's with her reaction?

"P-paano? Are you a monster?!" Napalingon ako sa kanya nang sabihin niya iyon. What the hell! Monster? Me? Maybe! Damn this girl!

"Scar, Hindi ka ba nahahapdian sa ginagawa mo? Natapunan ka ng mainit ng kape, Hindi lang Basta mainit yun, bagong kulo pa yata yun!" Walang gana ko lang siyang tinignan, pinagtitinginan na kami ng mga estudyante dito. Kaya pala ganun reaction ng babaeng to.

"Ahh, oo nga pala. Ngayon ko lang naalala." Sabi niya nang malaman na Wala akong nararamdaman na kahit ano physically.

"What's your name?" I asked her pero ngumiti lang siya. "Bakit kakalabanin mo kami? You cannot defeat us, especially me." Sabi niya at ngumisi.

In this kind of situation, I felt irritation. Napaka-childish ng taong ito. Spoiled brat!

"Tinanong ko lang Kung anong pangalan mo. Andami mo nang sinabi. Naintindihan mo ba Yung tanong ko? Tsk!" Sabi ko at sumandal sa lamesa na nasa likod ko, bigla namang umalis ang nakaupo don.

Mukhang nainis siya sa sinabi ko. "Ako lang Naman si Hannah San Agustin. Reyna ng Campus na ito, Malaki ang shares ng daddy ko sa school na ito kaya walang kumakalaban sa akin. Bakit ikaw sino ka ba?!" Ngingising-ngisi na sabi niya.

College na ang babaeng ito pero kung umasta kala mo nasa elementarya palang. Reyna ng Campus na ito? Nyenyenye. Sarap mong balibagin. Aish!

Hannah?! Basta letter H ang pangalan, napakalaki ng ambag sa lipunan, katulad ni Haynae! Hayss. Coming from them, they are the Queen's here. I hope I can be the queen too.

Ewww!!!

"Hannah San Agustin. Di ko alam na ikaw pala ang queen sa school na ito. I'm not SORRY dahil Hindi ko nalaman ng mas maaga. Daddy mo pala ang may malaking shares dito sa school. I'm not SORRY again, dahil hindi ko Alam iyon. And kinatatakutan ka nang lahat? Now I know, Why? You're the ugliest person I've ever met. Wanna try to look out at the mirror?" Sabi ko. Well, I'm being honest here. Tumayo na ako ng maayos at humarap sa kanya na ngayo'y Hindi ko maintindihan Kung anong emotion ang pinapakita niya.

"*Smirk*...From now on, Ipu-pull out ko ang shares ng daddy mo, para ibigay sa iyo ang money na iyon at Maibalik ka sa elementary. Nag-skip ka yata eh. You need GMRC." Sabi ko at tumalikod na. I need to changed clothes dahil Hindi maganda tignan ang maduming damit.

"Sino ka ba ha?!" Hindi niya ata naintindihan ang sinabi ko kanina. This girl makes me crazy for having such a low mindset.

"Scarlett Nirvana Fortalejo." Sabi ko at huminto sa paglalakad at humarap sa kanya. "And by the way, this school does not accepting people who have not yet completed elementary school. So please go back!" Dugtong ko at tuluyan ng lumabas.

Bagong gising lang ako tas nagugutom pa ako, ganun pa sumalubong sakin. Badtrip!!!

She Changed [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon