SC: Chapter 41

173 14 4
                                    

Two weeks had passed. Maayos pa naman ang lahat, pagkatapos ng pag-uusap namin ni Steven ay bumalik ako sa mansyon na parang walang nangyari.

I saw their reaction. Iba't-iba ang nakikita ko at doon ko narealize na hindi ko na maibabalik pa yung dati. Ang kailangan ko lang gawin ay pagbayaran yung mga taong may pakana ng lahat.

Hindi ko alam kung ano ang magiging resulta ng gagawin ko pero wala akong pagsisisihan. Sila ang nauna, ako ang tatapos.

Pinagmasdan ko ang mga kasama ko dito sa bahay. They are all happy on their own. Ang mga grupo nila Auxcez na nagkakatuwaan maliban kay Yuan na nakatingin lang sa kawalan. Jasmin and Jen talking with each other. What if I didn't discovered everything? What if kung sinabi nila sa akin lahat before ko pa nalaman? What if I am the 'me' they've used to know, the girl who is easy and vulnerable, maa-appreciate ko ba ang mga nakikita ko? Magiging masaya ba ako kasi sama sama kami ngayon?

Napahilamos ako sa mukha ko nang maramdaman kong kumirot ang ulo ko sa kakaisip.

"Are you okay?" Napatingin ako kay Jillian nang magsalita siya sa tabi ko. Bumuntong hininga ako at tumango.

"I am. Sumakit lang ang ulo." Sagot ko at tinignan ulit sila na ngayon ay di ko alam ang rason kung bakit napakasaya nila.

"You should rest."

"You know I can't do that right now."

Hindi na siya sumagot sa sinabi ko bagkus ay pinagmasdan niya rin ang tinitinignan ko.

"I hope kaya ko ring sumaya gaya nila." She stated out of nowhere. Lumingon ako sa kaniya at umiwas muli ng tingin nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kaniya.

"Don't blame yourself. Pinili kong samahan ka sa laban mo at hindi ako nagsisisi sa desisyon ko. I trust you. Alam kong hindi mo lang ito ginagawa para sa sarili mo kaya hindi ako kumukontra sa mga nagiging desisyon mo Kasi I know, lahat ng ito ay may rason." Sabi niya pa. Hindi ako nakasagot dahil sa sinabi niya. I feel appreciated. Hindi ko hiniling na lahat ng tao ay intindihin ako, hindi ko lang talaga matanggap yung mga pinaparatang nila sa akin na para bang ako pa ang masama. Kung alam ko lang na hahantong ang lahat sa ganito, edi sana hindi na ako nagpakita pa. Kaya ko namang pabagsakin ang Damon Mafia nang hindi nagpapakita sa kanila, pero hindi ko na rin mababago pa ang nangyari na.

"Thank you." Dalawang salita ang pinakawalan ko bago ko siya iniwan at dumiretso sa underground ng bahay. Kailangan kong magpalakas pa para matalo ko ang kaaway ko. Hindi pwedeng umasa ako sa mga kasamahan ko, laban ko ito at hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanila, maprotektahan lang ako. Sa kamay ko sila mamamatay.

-

I am aiming my gun at the center wherein there's a person I wanted to kill.

'Sisiguraduhin kong aalisin ko ang mga ngiti mo, hindi ka magtatagumpay sa mga plano mo Damon. Ako ang kalaban mo, at hindi ka mananalo sa akin.'

*Bang*

*Bang*

*Bang*

"Huwag mong abusuhin ang sarili mo Vana. Diba ang sabi ko ay magpahinga ka. Napakatigas talaga ng ulo mo kahit kailan." Napatingin ako sa pinto nang may marinig akong nagsalita doon. Hindi na ako nagulat dahil kilala ko naman ang boses na iyon.

"What are you doing here?" Tinanggal ko ang mga nakakabit sa katawan ko at binitawan ang hawak kong baril saka naglakad palapit sa kaniya.

"Am I not welcome here?" Umakto pa siyang nasasaktan dahil sa tanong ko. Napangiti naman ako dahil doon.

"You're so childish. Ano nga?" Tanong ko ulit sa kaniya. Sumeryoso naman ang mukha niya at sinalubong ang mga titig ko.

"What?" Tanong ko dahil hindi pa rin siya nagsasalita.

"Nasasaktan na talaga ako. Bakit mo kinalimutan ang kaarawan ko? Kanina pa ako naghihintay na tawagan mo tapos babatiin mo ako, isusurprise mo ako pero wala. Ako pa talaga ang pumunta dito. Nakakatampo ka Vana." Napatawa ako dahil sa reaksyon niya.

"Pasensya na. I am busy with other stuff."

"Busy enough, not to greet me?"

"Tama na nga. Tingin mo nakalimutan ko? Mas matalas pa yata ang memorya ko kesa sa iyo eh."

"So may surprise ako?" Siya lang ata ang nakita kong taong matanda na pero naeexcite parin sa mga surprise. Tss.

"I'm only twente-two- twenty-three rather because it's my day today." Parang bata na sabi niya na mukhang nabasa ang isip ko.

"Tara na nga sa kwarto, para kang sira dyaan." Pagkatapos ay inunahan ko na siyang lumabas at lumakad.

"Of all surprise. Dito lang yata ako sobrang naexcite. Thank God, siya ang nag-inisist." Rinig kong bulong niya pero narinig ko naman. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"It's not what you think you stupid!" Seryosong sabi ko at tinuloy ulit ang paglalakad. Naririnig ko naman ang mga mahihina niyang tawa.

"Ha? Wala naman akong sinabi ah." Sabi niya pa na parang wala siyang sinabi pero hindi ko na siya pinansin at umakyat sa kwarto ko. Nakasunod lang siya sa akin at ramdam ko pa rin ang pag-ngisi niya sa likuran ko kaya hindi ko maiwasang mainis.

"You better stop what you're thinking. I might ruin it." Sabi ko habang nakataas ang kilay na nakatingin sa kaniya.

"Vana, ikaw ata itong iba ang iniisip eh. Malala kana." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Binato ko naman sa kaniya ang nahawakan ko at nasalo naman niya iyon.

"What the Fvck! Vana! Buti na lang nasalo ko ang dagger na ito kung hindi ay baka nabawasan na ang kagwapuhan ko." Napangiwi naman ako sa sinabi niya. I can't understand this man.

"Sorry I didn't know." Sagot ko na lang para di na humaba pa ang usapan.

"Anong hindi alam. Alam mo! Kung hindi ko pa nasalo ay baka-"

"Baka nabawasan ang kagwapuhan mo. Oo, alam ko ng gwapo ka, huwag na sanang sumobra." Sagot ko at tumalikod sa kaniya para dumiretso sa kama. Dito ko nilagay ang regalo niya. Not a real gift.

"Hindi. Mali ka! Baka mapatay mo ako. Papakasalan pa kita no. Sayang naman kung hindi ako mapupunta sa iyo. Habang buhay ka magsisisi na sinayang mo ang isang tulad ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero marami ang naghahabol sa akin at baka sugur-" Napatigil siya ng marinig niya ang pagkasa ko ng baril.

"Oh bakit ka tumigil? Ituloy mo!" Sabi ko habang nakatingin sa kaniya.

"Happy birthday to me, Happy Birthday to me, happy birthday, happy birthday, happy birthday to me. Mwah, Mahal ka ni Vana, Yess!" Pagkanta niya at hinayaan ko na lang kung ano ang sinasabi niya at inalis ang comforter. Bumungad sa kaniya ang maraming armas, iba't-iba ito.

"Happy Birthday Steven." Napatingin siya sa akin nung sabihin ko iyon, nakita ko ang mga ngiti niya na para bang wala nang makakapag alis non pero sad to say, kailangan kong alisin yun sa ngayon.

"I'm sorry. Babawi ako next time Steven." Naalis ang ngiti sa labi niya nang dagdagan ko ang sinabi ko.

"They are here!"

She Changed [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon