Yana POV
"Bilisan mo Eylense! Mawawala na siya sa paningin ko!" Sabi ko kay Eylense.
"Overspeeding na tayo. Bawal to! Tsaka tignan mo kung paano siya magpatakbo, dumoble pa yata yung pagtakbo ng kotse niya kesa noon." Sabi niya. Tama siya. Bawal kami magpatakbo ng mabilis dahil nandito kami sa highway na kung saan maraming sasakyan. Pero Hindi siya pwedeng mawala, 4 years ang lumipas ng mawala siya, napakatagal nun.
Muli akong sumulyap sa harap pero ganun na lang ang lungkot ko ng mawala yung kotse niya sa paningin ko.
"Nasan na siya?" Napatanong na lang ako. Biglang sumaya ang pakiramdam ko ng Makita ko ang kotse niya. "Ayun. Dali, bilisan mo!" Sabi ko at sabay turo sa kotse na Hindi gaanong kalayo sa amin. Agad naman binilisan ng kaunti ni Eylense ang pagtakbo.
Nakita namin na huminto ang kotse sa isang parking lot sa condominium. Nagpark din kami di kalayuan sa kanya. Agad akong bumaba pagka-park ng kotse.
Binilisan ko ang lakad ko palapit sa kotse. Kumatok ako. "Trysh, lumabas ka diyan! Trsyh.." Sabi ko at kumatok muli.
Pero ganun na lang ang panlulumo ko nang ibang tao ang lumabas mula sa kotse.
"Excuse me. Miss, Anong problems mo?" Mataray na sagot sa akin ng babae.
Hindi. Hindi maaari, Alam Kong si Trysh ang nakita ko mula sa kotse na ito. Hindi kaya...Hindi kaya, nilito niya kami para Hindi namin siya maabutan.
'Oh God! Trysh! Bakit ka ganito?"
"We're so sorry Miss." Paghingi ng tawad ni Eylense sa babae at hinila ako palapit sa kotse niya.
"Alam kong Nakita niyo rin si Trysh? Diba? Pero bakit ibang babae yung lumabas, Hindi ako pwedeng magkamali, siya iyong nakita ko, diba? Siya iyon!" Naiiyak Kong sambit Kay Eylense.
"Yes, si Trysh iyon. Nakita din namin siya. Don't worry, mahahanap din natin siya, pero kailangan na nating pumuntang school dahil malelate na tayo." Sabi ni Andrialle kaya tumango na lang ako at pumasok na sa loob ng kotse. Sumunod naman sila, at pinaandar na ni Eylense yung kotse papuntang school.
Wala pa ang prof namin ng makapasok kami sa room, pero Yung Isip ko, lumilipad pa rin ang isip ko kay Trysh.
'Trysh, ba't ganun ka? Ayaw mo ba kami Makita?'
"Hey, what happened? Bakit umiiyak ka?" Agad na pagdalo sa akin ni Yuan. Pero Hindi ko siya sinagot.
"Anong nangyare sa inyo? Bakit ganyan nga itsura niyo?" Tanong na ni Alex.
"Trysh..." Banggit ko, dahil dito nakuha ko ang atensyon nila especially ni Aux. Naging interesado siya mula ng banggitin ko ang pangalan ni Trysh.
"We saw her..." Sabi ni Eylense. "Nang magred ang traffic lights ay may huminto na isang kotse sa tabi namin, binaba niya Yung window at tumingin sa araw, Hindi niya yata kami napansin nun, lumingon siya sa akin ng tawagin ko ang pangalan niya." Sabi ko.
"Nang sundan namin siya, huminto ang kotse niya sa isang condominium, pero nang katukin namin ang kotse niya ay ibang tao ang nakasakay." Dugtong ko.
"Are you sure na si Trysh talaga iyon? Baka namamalikmata lang kayo." Sabi ni Alex.
"No, Hindi kami namamalikmata, si Trysh talaga ang nakita namin." Pag depensa ko.
"Paano niyo mae-explain yung taong nakasakay sa kotse na iyon? Eh Hindi siya yung Nakita niyo." Sabi pa niya.
"Basta siya iyon." Sabi ni Andrialle. Bigla namang pumasok ang prof namin.
'Trysh....'
Scarlette POV
Nandito na ako ngayon sa condo unit na pagii-stay-an ko. Nakatanaw ako ngayon sa labas.
They saw me. That fast!
Buti na lang at Hindi nila ako naabutan dahil may kapareho akong isang kotse.
"Scar?" Tawag ni Jen. Lumingon lang ako sa kanya, inaayos nila ang gamit ko, nag-insist sila eh kaya hinayaan ko na lang.
"Seryoso kang eto lang ang gamit mo?" Tanong niya ng matapos mag-ayos, at umupo. Kinunutan ko lang siya ng noo.
"Edi sana Hindi ka na lumipat. Napaka-konti naman ng gamit mo, as in. Dyan ka na lang sa kalsada tumira no, wala ka namang kagamit-gamit." Sabi niya.
"What? Do you want to die?" I asked her. "Hehehe, eto naman, nagloloko lang eh." Sabi niya.
Saktong gamit lang ang dinala ko, na kakasya dito sa unit. Hindi ko kailangan ng sobrang daming gamit, nag-iisa lang Naman ako eh.
Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Nakita na nila ako kanina, papahirapan ko pa ba sila?
"Kailan tayo ulit papasok sa MYCOSZ University?" Tanong ko sa kanila habang umiinom ng wine.
"2 weeks pa." Sagot niya.
"I-adjust natin. Gawin mong 2 days from now." Sabi ko. "Sure ka?" She asked.
"Kailan pa ako Hindi naging sure sa sinasabi ko. Huh?" Sagot ko.
"Okay." Sabi niya at binalik ang tingin sa phone niya at may kinalikot. "Done." Dugtong niya.
"Ready na yung gamit natin. Ipapadala ko na lang dito." Sabi niya.
"You may go." Sabi ko.
"What, kakarating ko lang tsaka ako nag-ayos ng gamit mo, tapos papaalisin mo lang ako?"
"That's not my problem, besides you're the one who insist, and I don't care." Sabi ko.
"Napaka-harsh mong babae ka, sapakin kita eh." Sabi niya at tumayo.
"Do it."
"Ayaw ko. Di mo din naman mararamdaman. Psh!" Sabi niya at lumabas na ng unit ko.
Kailangan ko din magpahinga at may kikitain pa ako bukas sa coffee shop.
Napakabilis ng panahon. Parang kailan lang.......
I need to rest right now. Because tomorrow will be my best day, I think....
BINABASA MO ANG
She Changed [ONGOING]
Random"I still remember the first day I met you." Book 2 of "The Nerdy Girl"