Bumaba na ako pagkatapos kong mag ayos, kabisado ko na ang bawat daan dahil hiniram ko nun kay Manang Lucille Yung mapa ng bahay para kabisaduhin.
Yes, talagang may mapa ang bahay na ito dahil sobrang laki talaga. Sa una lang nakakasakit ang ulo kase bago pa lang siya sa iyo, pero masasanay ka na rin once na tumagal ka.
Pumunta naman ako sa dining room at hanggang kailan ba ako magugulat? Napakahaba ng lamesa at ang daming nakahain na mga pagkain, at Hindi lang basta pagkain ito, pagkain na makikita mo sa luxury hotel. The hell? Dalawa lang kaming kakain. Pang ilang beses na ba akong nagmura?
Call me OA pero kung kayo ang nasa katayuan ko. Ewan ko kung kayanin niyo pa.
"Steven. Bakit ang daming pagkain, eh dalawa lang naman tayo ah." Sabi ko sa kanya. "Masasanay ka din." Sabi niya. Paanong masasanay ba? Aish.
"Tawagin mo lahat ng tao dito sa bahay. Pasabayin mo sila sa atin." Sabi ko at umupo na. "Hindi pwede Va--" Agad ko naman siyang pinutol. "Bilis at naghihintay ang pagkain." Sabi ko.
Wala na ding nagawa ang mga tao dito kundi ang sumunod dahil sinabi ko. In the end, ayun naubos ang pagkain. Nagpasalamat naman sila sakin at bumalik na sa trabaho.
"Dun tayo sa sala." Sinundan ko na lang siya at umupo na kami. I will start the conversation.
"Kanino ba talaga ang bahay na ito?" Tanong ko. Tumingin naman siya sa akin at tumingin din sa kape na hawak niya, uminom muna siya bago sumagot.
"Honestly. Sa iyo nga talaga ang bahay na ito, before ka palang ipanganak sa mundo, ginagawa na to para sa iyo. Etong bahay na ito ay regalo sa iyo ng Grandma mo, Yung University naman na MYCOSZ HIGH AND UNIVERSITY, ay regalo ng Grandpa mo."
"Wait, eh pagmamay-ari yun nila mommy eh, panong magiging akin?" Tanong ko. I'm really confused.
"Yung family na umampon sa iyo at Yung biological family mo ay magkapatid. Hindi ka naman talaga as in pinaampon eh, pinaalaga ka muna sa kanila kase diba, alam mo na yung rason, napaka delikado." Sabi niya.
"Eh bakit di ko Alam yan?" Tanong ko. "May mga bagay minsan na Hindi mo pwedeng malaman, kumbaga sa documents na mahahalaga, it's confidential." Sabi niya.
"Wait, sabi mo bigay nila sakin 'yon' eh nasan na sila?" Tanong ko. "Sadly but they died before when you are 10 years old, I think." Sabi niya. Tumahimik naman ako at makikinig na lang.
"Marami silang iniwan na kayamanan sa iyo pero karamihan doon ay Yung papa mo na lang ang naghahandle. Etong mansion na ito at yung school muna ang para sa iyo. Hanggang diyan na lang muna ang maaari Kong sabihin sa iyo." Sabi niya at humigop muli ng kape.
"Last question. Bakit mo alam lahat ito eh kaseng edad lang kita nun, wala ka padin sa mundo nun mga panahon na iyon." Tanong ko.
"Magkabarkada noon ang father natin and lagi kaming bumibisita sa house nila then I met them and tinuring na nila akong apo, and ipinagkatiwala nila sa akin ang lahat, even our marriage, ipinagkatiwala ka na nila sakin noon pa man. That's why we end up here." Sabi niya.
" I see." Sabi ko na lang. "I really love you Vana, lagi na kitang tinatanaw, bantay ko ang lahat ng pagkilos mo at ang paglaki mo." Sabi niya. Napataas lang ako ng kilay.
"Lahat? Eww that's gross, kaya pala ang creepy lagi noon. Duh!" Sabi ko ng nakataas ang kilay.
"Except sa kung anong iniisip mo. Ano ako manyak?" Sabi niya. "Bakit? Hindi ba?" Tanong ko.
"Hindi ako manyak. Mahal lang kita, Mahal na mahal." Sabi niya. Tumayo na ako.
"You're scary! You're too corny!" Sabi ko at naglakad na papuntang taas.
"Nakakatakot na bang magsabi ng Mahal kita? Aish. Buhay na ito oh." Rinig kong bulong niya. I just smirked at umakyat na ng hagdan.
******
Panibagong araw na naman ito. Heto ako ngayon at nagja-jogging, I decided na magja-jogging para malibot na muna ang lugar na ito. And I found out na nasa loob nga kami ng gubat. Pabalik na ako ngayon sa mansi--nah! I prefer bahay. Nadaanan ko pa kanina yung unang bahay na binabaan namin kahapon.
Nakakapagod lang dahil napakalayo talaga ng bahay na iyon kesa sa bahay na tinutuluyan ko ngayon.
And one more interesting is I found out na may underground dun sa bahay, pag-uwi ko ay pupunta ako doon para mag-train kasama ni Steven.
"Steven!!' Tawag ko sa kanya pagpasok namin pero walang sumagot.
"Ayy Madame, nagpaalam po siya kanina na aalis na po siya kase may gagawin pa daw po siya. Sabihin ko na lang daw po sa inyo." Napatango na lang ako.
"Ganun po ba? Sige po." Nagbow naman si Manang Lucille at umalis na pero may naisip pa ako.
"Manang Lucille." Tawag ko, humarap naman siya at nagbow ulit. "Nakahanda na po ba ang pagkain?" Tanong ko.
"Opo madame." Sagot niya. "Tara na po at kakain na tayo." Sabi ko pero tumanggi siya. "Sige na po at may sasabihin din ako." Sabi ko naman.
Balak pa sana niyang tumanggi pero nauna na ako sa dining room. Hinintay ko na lang sila doon.
OMO! Bakit parang nagtriple Naman ang dami nila? Hindi Naman ito ganito dati ah.
Tinapos na lang namin ang pagkain namin.
"Teka lang po." Sabi ko kase balak na nilang umalis pagkatapos nila akong pasalamatan.
"Madame." Muntik pa akong mapatalon sa gulat dahil sa sobrang lakas ng boses nila, nag echo pa ata. Hanggang kailan ba ako magugulat? Grr!
"Gusto ko lang pong sabihin na, wag niyo na po akong masyadong bigyan ng special treatment kase nakakailang po eh. I mean, mag akto nalang po tayong normal na tao na parang nasa isang lugar, drop the formalities po." Sabi ko. Mukhang Hindi sila sang-ayon sakin.
"I'm your boss, so I want you to follow my order. Are we clear?" I used my clear and loud voice.
"Yes Madame." Sagot nila. At pinabalik ko na sila sa trabaho nila.
---
BINABASA MO ANG
She Changed [ONGOING]
Random"I still remember the first day I met you." Book 2 of "The Nerdy Girl"