SC: Chapter 14

1.2K 41 4
                                    

Pagkapasok ko sa loob ay naabutan kong nagbabasa ng dyaryo si Steven. Para siyang matanda dahil sa ginagawa niya. Geez!

Umupo ako sa tabi niya at humarap sa kaniya. "Why are you here?" I asked him. Binitawan naman niya yung dyaryo na hawak niya at umayos ng upo saka tumingin sa akin.

"Why? Masama ba na pumunta dito sa unit ng fiancee ko?" I just rolled my eyes on him.

"It is. Fiancee pa lang kita at hindi asawa." Walang ganang sabi ko. "Mapupunta na rin tayo don. O siya, binisita lang naman kita, at itong tirahan mo kung ok ka dito. And mukha namang ok kaya aalis na ako. May aaikasuhin pa ako." Sabi niya at tumayo na...

"Para kang isang matanda sa sobrang pagka-busy mo. Bawas bawasan mo kaya." Sabi ko at tumingin sa kanya pero iba ata ang nasa isip ng lalaking ito.

"Ayokong magkaroon ng asawa na uugod-ugod na." Sabi ko. Nawala naman ngiti niya. May pagka-childish din itong lalaking to, sarap bangasan.

"Awwts. Can I get a kiss?" Sabi niya at lumapit sa akin. Umunat naman ako at nagpanggap na inaantok. Medyo inaantok pala ako.

"I'm sleepy. Pakisarado na lang yung pintuan kapag umalis ka." Sabi ko at pumikit at sumandal sa sofa na inuupuan ko.

"Isang kiss lang eh. Damot!" Naiimagine kong naka-pout pa siya. Kung may gana lang akong gumalaw, nasipa ko na ito.

Narinig ko na ang pagsarado ng pintuan. Ako naman ay sumandal lang sa sofa habang nakapikit. Gusto ko munang umidlip kahit sandali ng marinig ko ulit na bumukas ang pintuan.

"Why again? Did you forget something?" Tanong ko. Tamad akong magmulat ng mata dahil napapagod mata ko, parang gusto lang na pumikit.

Hindi sumagot si Steven. Hinayaan ko na lang siya dahil lalabas din naman yan kapag nakuha na niya yung nakalimutan niya. Naramdaman ko naman na lumubog yung inuupuan ko.

Minulat ko ang mata ko at nilingon si Steven. "What the hell!" Sigaw ko. Tinignan ko yung pintuan pero nakalock na iyon.

"What are you doing here? At papaano mo nabuksan ang pintuan?!" Tanong ko. It's Auxcez. Damn him! Really!

"I have ways. My baby." Ngisi niya sa akin at lumapit. Ako Naman atras lang ng atras dito sa sofa hanggang sa mapahiga ako. Nagbend naman siya sa akin at mas nilapit pa ang mukha niya.

"H-hey! Wag ka nang lumapit! Ano ba!!" Sabi ko pero hindi siya natinag. Huminto siya nang sobrang lapit na niya sa akin. Konting galaw ko, mahahalikan na niya ako.

Geez! What is he doing?

"Why? Why did you changed? And who is that boy? Huh! My baby!" Sabi niya habang nakatitig sa mata ko at tinagilid ang ulo niya. Hinahalik-halikan niya ang leeg ko. Napapikit naman ako dahil sa ginagawa niya. Gusto ko siyang itulak pero para bang nawalan ako ng lakas dahil sa ginagawa niya.

"Mr. Smith. Could you---"

"Say my name again. My baby! Just like how you speak my name before." Sabi niya habang patuloy padin sa ginagawa niya.

Hinawakan ko siya sa balikat at sinubukang itulak siya ngunit mas malakas siya kumpara aa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay sa ulunan ko. The hell!

"Anong gagawin mo? Huh? Mr. Smith!" Sabi ko at tumitig sa mata niya. Ngayon ko lang nakita na malalim ang nasa ilalim na mata niya at para bang pagod na pagod siya. Tsk! Why do I even care!

"Trysh. My baby! Please c-come back to me." Nagsimula siyang umiyak sa harapan ko. Mga luha niya na tumutulo din sa mukha ko. Unti-unting lumuwang ang hawak niya sa akin at umayos siya ng upo kaya umayos na din ako.

"I-m sorry. Gusto kong bumalik sa dati at itama ang lahat. Trysh! Trust me, Hindi ko lahat sinasadya ang mga nagawa ko noon." Sabi niya habang nakatitig sa akin.

"It's been years. Tapos na ang lahat! Kalimutan mo na ang lahat ng iyon!" Sabi ko habang sinasalubong ang bawat titig niya.

"Sana. Sana ako na lang. Ako na lang ulit. Please!" Sabi pa niya. Hindi maawat ang luha niya sa pagtulo. Tumayo ako at pumunta sa pintuan ng kwarto ko.

"Pakisarado na lang ang pintuan pag lumabas ka." Sabi ko sakanya at pinihit ang pintuan.

Pumasok na ako at sinarado ang pintuan pero may pumigil mula sa pagkakasarado nito.

"Mr. Smith! Ano pa bang kailangan mo!" Inis kong sabi sa kanya at umatras. Nilock niya ang pintuan at lunapit sa akin.

"Gagawin ko ang lahat para mabawi ka ulit. Sakin ka lang Trysh. Sabihin mo mang Desperado ako, pero yun talaga ang totoo. Ikaw lang ang minahal ko tandaan mo yan!" Sabi niya at tinulak ako sa kama. Nagulat ako at Hindi nakapagreact sa sunod niyang ginawa.

He is now kissing me torridly. Hindi ako makapalag dahil parang wala gana ang katawan ko.

Hindi ko alam pero biglang kumilos ang katawan ko at sinagot ang bawat mga halik niya.

I will curse myself for doing this, after.

Yumakap ako sa leeg niya at hinalikan din siya pabalik. Mabagal na niya akong hinahalikan at sa bawat halik na iyon, ramdam ko pa din yung pagmamahal niya sa Trysh na iyon. Minulat ko ang mata ko at tinignan siya. Nakapikit ang mata niya habang hinahalikan ako. It's like he's showing his love to me through kissing.

No! I'm not Trysh. I'm Scarlett. Nahihibang lang ang lalaking ito.

He is now kissing my neck. I'm just looking at the ceiling while he's doing that.

What did I do? Bakit ako pumayag sa ganito? What's happening to myself.

Maya-maya lang naramdaman kong nakatulog na siya habang nakapatong sa akin. Inalis ko siya sa taas ko at inayos ang higa niya.

This man. He has changed too. Hindi ko lang maintindihan kung bakit siya ganito ngayon. He's like a messed up.

Umiling na lang ako at lumabas ng kwarto. Pinalita ko Yung passcode ng door ko at bumalik sa loob.

Tumabi ako sa kanya. I want to sleep. Wala namang masama dahil wala namang nangyaring iba na higit doon sa halik kanina.

Pinikit ko na lang ang mata ko at hinintay na makatulog ako.

She Changed [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon