SC: Chapter 6

1.2K 44 3
                                    

Palakad lakad ako ngayon dito sa Salas habang dina-dial ang number ng kambal.

"Yes, hello?" Sagot sa kabilang linya.

"Have you decided Kung saan tayo mag-aaral?" I asked them then sit to the couch. "Yes, meron na akong nakitang University, and the school was so cool!" Halata ang pagkamangha sa boses niya na parang nakikita na talaga niya Yung school sa harapan niya.

"What's the name of the school?" I asked.

"MYCOSZ University."

'MYCOSZ University's'

"No! humanap kayo ng bago, wag tayo diyan, may mas maganda pang school bukod sa school na iyan." I said. "Eh pero..."

"Pero what?" Tanong ko pa nang nakakunot ang noo. "Nakapag enroll na ako, pati ikaw, in-enroll ka na namin." She answered.

Wala na akong magagawa, nagawa niya na eh, I have to deal with her idea. Damn this girl, laging nagde-desisyon ng Hindi man lang hinihingi yung aming opinyon. I mean, Hindi lahat sa pagkakataon kailangan niya Yung opinyon namin, Yung ginawa niya kaseng desisyon ay involved kami, dapat hiningi niya muna Yung opinyon namin diba. Tsk!

"Okay! Thank you." I said in a sarcastic tone. "Hehehe.. sorry, Scar...." Sabi niya.

"I said, Thank you, you don't want to accept it?" Taas kilay kong tanong.

"I know it's sarcastic, that's why I apologize..." She said. "Well, I'm sarcastic at first, but now Thank you, I mean it." I said.

"Yiee, I love you Scar....." The hell!!! What's with her?! ".....Next 2 weeks tayo papasok." Sabi niya.

"Okay. Bye." Sabi ko at binaba na ang tawag. Hawak ko naman ngayon ang brochure na puro condo units ang laman ng bawat page. I am planning to move in a condo units rather than staying here. It's just so huge for me.

Hayss, mas mahihirapan lang ako Kung dito ako maghahanap, pwede naman na dun na lang malapit sa school.

Umakyat na ako sa taas at bukas ay aalis na muna ako dito sa bahay. Lilipat ako ng condo para mas malapit sa school at para sakto Lang sa akin.

The next morning ay wala pa si Steven, sinabihan ko na lang sila Manang, na Kung sakaling hanapin man niya ako ay ibigay na lang sa kanya Yung iniwan ko na address. Sumang-ayon naman siya.

Paglabas ko ng bahay ay may naka-abang na kotse at isang butler, nang bubuksan na niya ang pintuan para sa akin ay pinigilan ko na siya.

"No need. Ako na ang maghahatid sa sarili ko." Sabi ko sa kanya at mabilis na kinuha sa bulsa niya ang susi ng kotse.

Nagulat pa siya sa ginawa ko pero nag-smirk lang ako sa kanya at pumasok na sa kotse.

Pinaandar ko na ang kotse at nagdrive palabas sa mansion na yun. Nakita ko ulit ang isang malaking gate na siyang dadaanan ko palabas, at isang napakahabang daanan na Naman na napapaligiran ng mga puno.

Habang nagmamaneho ay tinext ko sila kambal na abangan ako sa address nung condominium.

Nadaanan ko na ulit ang isang bahay, Kung saan bumaba kami mula sa private plane. And isang gate ulit then isang daanan na puro gubat na Naman ang nasa paligid.

Seriously? kung hindi lang ako nag-jogging nung nakaraan ay Hindi ko pa malalaman ang daan palabas. Bahay pa ba to?

Papunta na ako ngayon dito sa condominium when the traffic lights turned to red. Wearing my sunglasses ay binuksan ko ang bintana ng kotse ko at tumingin sa labas, I was looking at the sunrise when I heard someone voice.

"Trysh..."

Agad akong napatingin sa tabi kong kotse at walang ganang tumingin sa mata niya.

"Long time no see, Yana." I said at nag-smirk. Napalitan naman ng green ang traffic lights at naghanda na ako sa pag-andar. Tumingin na ako sa harap and start the engine saka pinatakbo.

I was so lucky because biglang lumuwang ang daan kaya nakaka-drift ako kahit papaano.

Tumingin ako sa rearview and there, I found them following me. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo.

Yana POV

Sinundo ako nila Eylense papasok dahil nasira ang car ko, wala pa naman si Manong para ayusin, hindi din Naman ako marunong mag-commute kaya nagpasundo na lang ako.

"Ilang taon ka ng babae ka pero hanggang ngayon hindi ka pa rin marunong magmaneho. Seryoso!" Nag-pout lang ako sa sinabi niya. Bahala kayo diyan! Hmmp!.

Naka-upo ako dito sa shotgun seat kase favorite ko dito, nakipag-agawan pa ako kay Andrialle para sa upuang ito, buti na lang binigay na sakin ni Eylense itong upuan kase male-late na raw kami.

I am holding now my phone and try to play a games ng maramdaman kong tumigil ang kotse, tumingin naman ako sa harap at naka-red lights pala ang traffic lights.

Babalik ko na sana ang tingin ko sa phone ko pero napatingin ako sa labas ng may humintong isang kotse. Agaw pansin ang kotseng ito dahil napakaganda nito.

I think eto Yung bagong labas na kotse ngayon, something like Bugatti, ewan di ko na tanda yung name. Basta Bugatti.

Napakayaman naman ata ng may-ari ng kotseng to, ang Mahal niyan eh.

Nagulat Naman ako ng biglang bumaba ang window ng kotse, I saw a girl wearing a sunglasses. She has this porselana skin, nangingintab ang kutis niya dahil sa sikat ng araw na tumatama sa balat niya. I think, pinagmamasdan niya ang sunrise.

Wait---She's familiar....Oh no! Is this real?

"Trysh..." Bigla kong nasambit, nakabukas ang bintana ng kotse dito sa pwesto ko kaya alam kong narinig niya ako. Ramdam ko naman na biglang ring napatingin si Eylense sa tinitignan ko.

"Omo!" Rinig kong bulong niya.

Napatingin naman sa akin si Trysh, I can't see some emotion because she's wearing a sunglasses.

"Long time no see, Yana." Yung boses niya, bigla akong kinilabutan ng mag-smirk siya sakin at biglang pinaandar ang kotse.

"Sundan mo siya bilis! Bilis!" Sabi ko Kay Eylense. Agad naman siyang sumunod, habang ako ay Hindi inaalis ang paningin ko sa kotse ni Trysh.

Maluwag na ang kalsada and I think nakikita niya kaming sinusundan siya kaya nagdi-drift siya.

'Hindi namin hahayaang mawala ka sa Amin ulit, Trysh.'






She Changed [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon