Scarlett's POV
Agad akong lumabas ng kwarto at pumuntang balkonahe. Hindi nila pwedeng malaman na nasa akin si Yana. I need her to be safe. Pag kasama nila si Yana ay lalo lang siyang napapahamak. Mas mabuti nang kasama siya ngayon ni Haynae, doon sa france, mas ligtas sila doon kasama si Daddy.
"TRYSH!!!" Napalingon ako sa taong sumunod sa akin. I know na nag aalala siya sa akin kanina. I can tell, but it was all an act.
"Bakit ka sumunod?" Tanong ko. Lumapit naman siya sa tabi ko at tumingin sa langit kaya ganun na rin ang ginawa ko.
"You're worried about Yana. I know na nakakabigla, na bigla siyang nawala, pero mahahanap din natin siya." Sabi Niya at ngumiti.
Hindi ko parin maiwasang mainis sa kanila. Paano kung hindi ko pa nakita si Yana sa labas,? Edi Wala talagang makakakita dito at hindi namin malalaman kung nasaan siya. Knowing na Wala silang ginagawa para mahanap siya.
"Tell me, gumagawa ba kayo ng paraan para mahanap siya?" Tanong ko. Napatingin naman siya sa akin.
"Honestly, Wala kaming nagawa noon-" Nakita niyang napakuyom ang kamay ko. Hinawakan niya ito at hinimas. "Dahil iniisip namin na baka kinuha siya ng Damon's Mafia. They're are so big and strong, Wala kaming laban doon." Dugtong Niya.
"So mahina kayo?" Tanong ko. "N-no... It's just di namin sila kakayanin." Sagot niya. Napatitig pa ako sa kanya ng ilang minuto nang mapagdesisyunan ko ng pumasok na sa loob.
"Wait." Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan. Hinihintay ko kung ano ang sasabihin niya sa akin.
"Can we talk about us right now?" Tanong niya habang nakatitig sa mga mata. Pinaningkitan ko naman siya ng mata.
"Us?" Tanong ko at mahinang napatawa. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin.
"Mr. Smith. As far as I know that 'us' you wanted to talk about is already ended 4 years ago. Basically, we are completely stranger right now." Sabi ko naman. Napayuko siya sa sinabi ko.
"B-bestfriend.." Rinig kong bulong Niya.
"I believe that Ex-lovers cannot be a best friend." Sabi ko at naglakad na paalis ng pigilan na naman Niya ako.
"I know." Umpisa siya. "I know you still have feelings for me. I know that you still love me. So please...come back to me." Sabi Niya. His eyes looks so sad and I don't why but my heart's aching.
"Auxcez. This is not what I am expecting. I just invited you all here and nothing more. Tigilan mo na ako. Matagal na tayong tapos." Sabi ko at bumitaw sa kanya pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
"Alam kong naging jerk ako. Napakatanga ko dahil nagawa ko sa iyo yon noon pero maniwala ka, hindi ko ginusto iyon. S-sasaktan ka niya kung hindi ko iyon gagawin. Kaya I have no other choices para gawin yung bagay na hindi ko Naman ginustong gawin." He explained.
"I know." Nabuhayan Naman sya ng loob sa sinabi ko. Lumaki pa ang ngiti Niya pero Alam kong, sandali lang iyon. "But you don't have to explained what happened before. It's already happened and you can't change it anymore." Sabi ko. Gaya ng sabi ko, nawala din ang ngiti niya.
"I have to. Kahit na ganyan ang sinasabi mo sa akin, umaasa pa rin ako sa katiting na pag-asa na nakikita ko. Mahal mo pa din ako, nakikita ko yan sa mga mata mo." Sabi Niya kaya napaiwas ako ng tingin.
Mahal? Oo aaminin ko, may nararamdaman parin ako sa kanya pero hindi sapat na rason iyon para lang balikan siya muli. I'm already engaged, diko hahayaang masaktan si Steven ng dahil lang sa pagmamahal na ito. Steven is a great person, ayokong pati siya mawala sa akin, marami na siyang nagawa sa akin at hindi ko hahayaang mabalewala ko ang lahat ng iyon.
BINABASA MO ANG
She Changed [ONGOING]
Rastgele"I still remember the first day I met you." Book 2 of "The Nerdy Girl"