Sarah'sPOV
Grabe ang sasarap ng pagkain! As in super sarap.
"Huy teh. Baka hindi ka na makahinga niyan sa dami ng kinakain mo. Hinay hinay friend." paalala sa akin ni Janet.
"Ang sarap kasi bes. Haha. Pero last na to pramis. Busog na din naman ako e."
"Weh? Ikaw mabubusog? Kelan pa nagkaron ng himala?" Asar naman tong si Russell. Nahihiya na kasi ako. Sobrang dami na ng kinain ko. "Baka naman nahihiya ka lang. Alam kong gusto mo pang kumain. Haha"
Kung makapagsalita siya parang ang tagal na niya akong kilala. E pang anim na araw palang kaming magkakilala nito. Pero tama naman siya. Nakakahiya naman kasing kumain ng madami sa ibang bahay. Lalo pa at mga sosyal yung mga bisita.
"Hindi nu. Busog na talaga ako." Sabi ko nalang.
"Sure ka? Sige pagtitira kita mamaya. Panigurado gutom ka na ulit mamaya niyan. Hahaha." Loko to a. Trip na trip niya akong pagtripan ngayon -_- "Pagpeprapare ko nalang si manang para kina nanay mamaya paguwi niyo." Ang bait bigla. Haha. Naalala pa niya sila nanay sa bahay :)
"Thank you Rus." Yeah. I should be thankful. Sobrang babait ng mga kaibigan ko. Wala na akong mahihiling pa.
Maya maya pa ay lumapit ulit samin ang mga magulang ni Russell.
"Now we have time for our chit chat." Excited na sabi ng mama niya.
"Right. Para maging comfortable na kayo samin." Dugtong naman ng papa niya.
Kinabahan naman akong bigla. Well, hindi ko alam kung paano ako magpapaka normal sa harap nila. Bigtime kaya tong mga to. Siguro naman hindi lang ako ang kinakabahan diba?
"Ay gusto ko yan tita. Bet na bet ko pag chitchat!" excited na sabi ni Janet. Hmm. Si Janet exempted. Wala namang hiya sa katawan tong bestfriend ko.
"I'm not into chit chat tita, but I'll give it a try." sabi naman ni Harry. Mukha naman siyang hindi kinakabahan.
Okay, ako lang talaga ang kinakabahan. Ang unfair. Huhu.
"Tara doon tayo sa living room" nakangiting sabi ni Russell.
Pumunta naman kami sa living room. Grabe ang ganda. Sa sobrang ganda ayaw ko ng umupo sa sofa nila. Feeling ko madudumihan ko pag umupo ako. Haha.
Isa isa na kaming umupo. Si Tita at Tito sa magkatabing sofa umupo. Kami naman umupo sa mahabang sofa. Ang arrangement: Janet, Harry, Ako, Russel.
"I bet kinukwento na kami sa inyo ni Russel." sabi ng mommy niya.
"Hmm, actually po hindi masyado. Masyado pong busy si Russel sa ibang bagay." sabi ni Janet. Ibang bagay?
"Ibang bagay iha? Anong ibang bagay?" tanong ng mommy niya.
"Ahm. Tulad po ng pagpunta niya sa bahay ni Sarah" ngiting ngiti ang loka. Sinasabi ko na nga ba mapupunta sa ganito ang usapan e.
Tumingin sa amin ni Russel ang mga magulang niya. Tapos ngumiti.
"Ah oo. Nabanggit nga niya sa amin na pumunta siya sa bahay nila Sarah." sabi naman ng daddy niya.
"Kaya pala kilala ka nila bes, nakwento pala ni Russel" tukso pa ni Janet.
"Ahh. Ganon po ba? Hehe." yan nalang ang nasabi ko. Hmm. Wala talaga akong maisip na sabihin.
"So Janet, mamaya na natin pag usapan si Russel at Sarah, magkwento ka naman about yourself" sabi ni tita.
"Hmm ako po. Ahhh,. Pano ba? Haha. Ang alam ko lang po maganda ako!" Lahat kami tumawa sa sinabi niya. Maganda naman talaga siya e. Pero lagi lang niya pabirong sinasabi na maganda siya kahit totoo naman talaga.
"I agree. You are. Sana minsan magkaon tayo nila Sarah ng bonding moments pag Kikay na ang paguusapan."
"Ay push tita! Bet ko yan!" excited naman sabi ni Janet.
"Sige try kong isama sa schedule ko yan." ngiti ni tita.
"So Harry, naglalaro ka ba ng basketball?" tanong ni tito kay Harry.
"Uhm. Marunong po. Pero hindi ako ganon kagaling. Bihira nalang din po kasi akong makapaglaro ngayon. Medyo busy po kasi sa studies. Actually nagpapatutor pa nga po ako kay Sarah. Nag advance study po kami sa kanila."
"Oh talaga? Ang daya bakit kayong dalawa lang?" tanong naman ni Russell.
"Oo nga. Bes di mo sinabi sakin yan." sabi naman ni Janet.
"E kanina lang naman ho nagstart no. Nagulat na nga lang ako nung dumating si Harry samin ng maaga pa e."
"Basta next time apat na tayong mag aaral ng sabay. Diba mas cool yon?" sabi ni Russell.
"Yeah sure. Okay lang naman diba Harry?" tanong ko kay Harry.
"Ah eh oo naman. Mas masaya pag mas marami. Hehe."
"Mabuti naman at may study buddy na itong anak namin. Mabalik tayo sa basketball, free ka ba bukas?" tanong ni tito kay Harry.
"Ahm opo free po. Bakit po?"
"Balak ko kasing yayain tong anak ko na mag basketball bukas. If you want pwede ka ring sumama"
"Talaga dad? magbabasketball tayo?" tuwang tuwang sabi ni Russell. Napangiti ako. Alam kong matagal na hinihintay ni Russell ang pagkakataong magkaroon ng bonding moment sa parents niya.
"Oo. Since free naman ako bukas. Gusto ko ring mag exercise. You know, I'm not getting any younger."
"Yeah sure dad. Sama ka Harry ha?" excited na sabi niya.
"Sure." ngumiti naman si Harry sa kanya.
"Since may bonding moments ang mga boys, bakit hindi tayo magkaroon ng bonding moments bukas girls? I want to cook for them tomorrow. Wanna help me?" tanong naman ni Tita.
"I'm not good sa pagluluto tita e. Peri pwede akong pumunta dito para ientertain kita. Haha. Si Sarah po nagluluto yan." sabi ni Janet.
"Really iha? You know how to cook?"
"Opo tita. Tinuruan po ako ng lola ko." ngumiti ako sa kanya.
"Pwede ka ba bukas?"
"Hmm. Not sure po tita. Baka kasi kailangan ako ng lola ko bukas e."
"Ahh ganon ba? Hmm sige pag free ka nalang sabihan mo lang kami ha?"
"Sige po."
"Ipagpapaalam kita kay nanay Sarah." sabi ni Russell.
"Naku Russell, alam mong hindi ka tatanggihan non. Baka kailangan niya ng tulong ko." sabi ko naman.
"Nandun naman ang mga kapatid mo diba? Sige na please...."
"Hay makulit. Bahala na nga po."
"See you tom Sarah" kinidatan ako sabay ngiti.
BINABASA MO ANG
Story of My Life
RomanceDalawang magkaibang mundo. Dalawang magkaibang tao. Paano nila pakikitunguhan ang isa't isa kung malalaman nilang ang lahat ng nangyayari ay kasama lang sa isang malaking kasinungalingan?