Emerald's POV
Birthday niya ngayon. Pero hindi ko na naman pinili ang sumama. Bakit naman kasi ang kulit kulit niya? Hindi ba niya magets na ayaw ko siyang maging kaibigan? O kahit lumapit man lang siya sakin? Akala ko ba matalino siya? Bakit ang tanga tanga niya? Tss.
Hi. Ako si Emerald Buenaventura. Anak ng isa sa pinakamayamang negosyante sa Pilipinas. I always excel on class. Pero kahit lagi akong nangunguna, hindi pa rin ako masaya.
Pinalaki ako nila mommy at daddy na competitive. Sa lahat ng bagay gusto nilang nangunguna ako. They don't accept second place. Gusto nila lagi akong number one. Ni hindi ko man lang naenjoy ang childhood days ko.
Minsan lang kami magkasama nila mom at dad. Pero sa tuwing kasama ko sila, imbis na magig masaya ako, kabaligtaran ang nangyayari. Lagi silang busy. Hindi man lang ako kinakamusta. Kung kamustahin man ako, yung pag aaral ko lang ang tinatanong nila. Other than that, wala na.
Kaya heto, simula pagkabata, lagi akong mag isa. Ni hindi ko naranasang magkaron ng kaibigan. Hanggang ngayon. Parang ilag sakin ang lahat. Ni hindi nila ako nilalapitan. Or should I say, ako yung hindi lumalapit sa kanila?
Pero ang isang to, matinde. Bakit sa dami dami ng pwedeng kumausap at lumapit sakin, siya pa? Bakit siya pa?
You know him right? Siya lang naman si Bernard. Bernard Chavez. The second best. Nagtataka siguro kayo kung bakit galit ako sa kanya. No. Hindi ako galit sa kanya. Iniiwasan ko siya kasi........
Yun ang sabi ng mga magulang ko sakin. Kasi pag naging kaibigan ko siya, baka maagaw daw niya sakin yung pagging top 1 ko.
Ang sakit diba? Kasi wala akong magawa kundi ang sumunod sa mga sinasabi nila. Para akong robot. Kung ano lang ang sabihin nila, yun lang ang dapat kong gawin.
Pero kahit anong gawin kong pagsunod, may part talaga sakin na sumusuway sa gusto nila.
Katulad na lang ngayon.
Ang aga kong pumasok. Kasi may gusto akong gawin. Sana may dumating na din. Gusto ko ng makakausap. Kahit ngayon lang, sana pagbigyan ako ni Lord. Kailangan kong gawin to para sa sarili ko. Para sa ikasasaya ko. Kahit ngayon lang...
Pumunta ako sa roof top. Kasi alam kong ito ang tanging lugar na hindi ako masusundan ng taong nagrereport kina daddy. May kinuha akong malaking regalo sa bag ko. Oo regalo. Apat na regalo.
Taon taong birthday niya ginagawan ko siya ng regalo.. Pero hindi ko alam kung pano ko ibibigay sa kanya. Pero ngayon.. dapat ko na sigurong ibigay. Nasaktan ko siya kahapon e. Ayokong makita siyang malungkot dahil sakin.
Siguro nagtataka na naman kayo kung bakit kanina sabi ko ayaw ko siyang maging kaibigan tapos ngayon nagaalala ako sa kanya, tama? Sige. I'll go straight to the point.
Ayokong nakikitang malungkot ang taong MAHAL KO.
Mahal ko siya. Hindi ko alam kung pano yun nagsimula. Pero alam ko mahal ko siya. Lagi ko siyang kasama sa mga competition sa ibang lugar, lagi siyang gentleman sakin. Lagi pa siyang nakangiti kahit hindi ko na siya pinapansin. Lagi pa rin siyang nangungulit sakin kahit ayaw ko siyang kausapin. Siya sa lahat ng tao ang hindi sumukong kulitin ako kahit sinusungitan ko na. Siya lang yon. Siya lang.
Pero anong ginawa ko? Imbis na pasayahin siya, nagawa ko pang sabihan siya ng ganito:
It's just a waste of time. Why would I?
Kung ako ang tatanungin, gusto ko. Gustung gusto kong pumunta at makasama siya sa birthday niya kahit saglit lang. Kahit ilang minuto lang. Pero... ang mga magulang ko.... lagi nila akong minamanmanan. Oo. Apat na taon na akong pinapasundan ng mga magulang ko. Alam ko yun. Kaya lahat ng kilos ko kontrolado. Kung sana nga lang may pumalit o magdisguise muna sakin kahit ngayong araw lang :(
BINABASA MO ANG
Story of My Life
RomanceDalawang magkaibang mundo. Dalawang magkaibang tao. Paano nila pakikitunguhan ang isa't isa kung malalaman nilang ang lahat ng nangyayari ay kasama lang sa isang malaking kasinungalingan?