Chapter 22

6 1 1
                                    

Sarah' POV

"Best. Pupunta ka ba next week?" tanong sa akin ni Janet habang kumakain kami ng carbonara.

"Next week? Anong meron next week?" takang tanong ko.

"Hay nako, best. Maganda ka nga, nagiging ulyanin ka naman. High school reunion next week. Pupunta kami ni Harry. For sure sasama din si Rox, diba, Rox?"

"Oo naman. Ako pa ba? Party yon e. masaya yon. So, Sarah, we're going there, okay?" ngumiti naman sa akin ang kapatid ko.

Hindi ako nagsalita at patuloy lang ako sa pagkain. Ayokong pumunta. Pero ayaw ko din naman na sumama ang loob ng dalawang ito sa akin.

"Okay lang ba? Siguro naman naka move on..." hindi natapos ni Roxane ang sasabihin niya nang sikuhin siya ni Harry nang bahagya.

"Of course. I've moved on." kampante kong sabi sabay ngiti.

"Yun naman pala e. So there will be no reasons para umayaw ka. Diba?" ngumiti ulit sakin si Roxane.

"Yup. No reasons at all. I'll go with you." ngumiti ako sa kanya.

"Great! This Tuesday bibili na tayo ng damit. My treat. Pati ikaw Janet. Para kahit may baby bump ka na, hot ka pa ring tingnan." excited na sabi ni Roxane.

"Sure thing! Libre e." napakakwela pa rin ni Janet hanggang ngayon.

Natapos ang surprise party. Nakauwi na din kami sa bahay. Nauna na akong umakyat sa kwarto ko para makapagpahinga. Pero mukhang hindi ako makakapagpahinga ngayon.

"Reunion na next week. Alam ko dadating siya. Kaya mo ba?" tanong ko sa sarili ko.

"Oo naman. Naka move on na ako. Matagal na." sagot ko naman sa tanong ko.

"Sigurado ka? O niloloko mo na naman ang sarili mo?" tanong ko ulit pabalik.

Natahimik ako. Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame habang inaalala ang mga nangyari.

Busy ako sa pagbabasa nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. Naamoy ko agad ang pabango niya. Napangiti ako at sinara ang librong binabasa ko. Humarap ako sa kanya at yumakap pabalik.

"Sorry babe. Na bore ka ba? Ang tagal matapos ng pictorial e." nakangiti sa akin ngayon si Russel. Halatang pagod.

"Okay lang ako, Rus. Di naman ako na bore. Maganda naman kasi itong binabasa ko." ngumiti din ako pabalik sa kanya.

"Dapat kasi umuwi ka nalang ngayon para naman makapagpahinga ka. Sinamahan mo pa ako dito."

"Okay lang yon. At saka, gustong gusto kong nakikita pag may pictorial ka. Lalo kang gumagwapo pag nakangiti ka na sa harap ng camera."

Story of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon