Chapter 21

7 1 2
                                    

Sarah's POV

Does it ever drive you crazy?
Just how fast the night changes

Sobrang bilis talagang lumipas ng panahon. Parang kailan lang, high school student palang ako. Ngayon, nagtatrabaho na.

"Sissy! Lunch break na. Let's eat?" pumasok si Roxane sa loob ng office ko.

"Sandali lang, tatapusin ko lang itong report na binabasa ko." ngumiti ako kay Roxane.

"Sure. I'll just wait here." ngumiti din siya sa akin at umupo.

Wondering who's Roxane? She's the same person who almost ruined my high school life. Thanks to him, hindi nasira ni Roxane ang lahat ng pangarap ko. And yes, she's Roxane, my sister.

Sa loob ng maraming taon, nalaman ko din ang katotohanan. Na hindi ako tunay na anak ng mga inakala kong magulang. Na hindi ako tunay na apo ng inakala kong lola ko. But I will always be thankful. Kasi napalaki ako nang maayos. Na walang tinatanim na sama ng loob sa kahit na sinong tao.

I can still remember the day when I knew the truth.

"Nay, kapit lang ha? Bibili ako ng gamot mo. Gagawa ako ng paraan okay? naiiyak kong sabi sa lola ko. Hindi ko na mapigilang umiyak. Ngayon ko naramdaman ang pagiging mahirap. Wala akong magawa para lang mapagamot ang lola ko."

"Apo, dumito ka na lang. Hindi na rin naman ako magtatagal. Pagod na ako apo." nanghihina na niyang sabi sa akin.

"Nay, hindi pwede. Di ba makikita mo pa akong gagraduate sa college? Di ba iaahon ko pa yung pamilya sa hirap? Nay naman. Sabi mo kasama ka namin hanggang umahon tayo sa hirap." ngayon ay umiiyak na talaga ako. Alam kong hindi na niya kaya. Pero ang sakit. Ang sakit sakit. Sobrang sakit na hindi ko man lang siya matulungan sa hirap na dinaranas niya.

"May aaminin ako sayo apo." utal utal niyang sabi.

"Nay, huwag ka na masyadong magsalita. Baka lalo ka pang mahirapan e."

"Apo, patawarin mo ako. Patawarin mo ako kasi hindi ko inamin sayo ang totoo." naiiyak niyang sabi.

"Totoo? Anong totoo nay?" naguguluhan na rin ako sa mga nangyayari.

"A-apo. Alam ko marami kaming pagkukulang. Alam ko mas nararapat mong matamasa yung buhay na dapat para sayo. Patawarin mo ako apo. Naging madamot ang lola. Hindi kita ibinigay sa kanila. Natakot ang lola na iwanan mo kami. Apo patawarin mo ako."

"Ipamigay kanino? Nay, hindi ko maintindihan." 

"Ampon ka namin, apo. Hindi ka namin tunay na kadugo. Sinubukan ka nilang kunin sakin. Pero hindi kita ibinigay. Kasi ayokong mawala ka samin. Kasalanan ko lahat. May pagkakataon na sana ngayon hindi ka na naghihirap, pero naging madamot ako at hanggang ngayon naghihirap ka pa rin. Apo, gusto ko pag nawala na ako, pumunta ka sa kanila. Matagal ka na nilang hinihintay apo. Tuparin mo ang lahat ng mga pangarap mo. Babantayan kita lagi. H-hindi mo man ako makita, sa puso mo mararamdaman mo ako. M-mananatili ako."

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Pag-aalala sa lola ko, sa pagkabigla sa nangyayari.

"A-apo. Gusto ko na magpahinga. P-pwede ba y-yon?" sinubukan niyang ngumiti sa akin. Doon ako nagising sa katotohanang hirap na hirap na siya. At naging madamot din ako dahil pinipilit ko siyang labanan ang sakit niya.

"Promise mo nay. Hinding hindi ka mawawala sa akin ha?" lalong tumulo ang mga luha ko kahit na pinilit ko pa ring ngumiti sa kanya.

"Hanggang iniisip mo ako apo, hanggang maaalala mo ako, hinding-hindi ako mawawala sayo." pagod na pagod niyang sabi.

Story of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon