Janet's POV
"No way."
Nanlaki ang mata ko. Pumikit pikit pa ako. Kinusot kusot ko pa. Pero hindi ako nagkakamali ng nakikita. A smile formed on my lips.
Nakita ko si Sarah at Russel. Holding each other's hand. Pwede bang mamatay sa kilig now na? I've never seen them so happy. I'm happy. Sa wakas tapos na. Sa wakas hindi na nila kailangang mag suffer.
Malayo pa sila sakin. I decided to call Sarah.
*Hello?* - Sarah
*Hello bes! San ka na?* - kunwari ko pang tanong kahit naman nakikita ko na sila.
*Uhm nasa school na ako. Magkita nalang tayo sa room. May sasabihin din kasi ako sayo.* - i know bes. I already know.
*Okay bes. See you!*This will be fun. Seeing Roxane's reaction will be funnier.
Nagmamadali akong pumasok sa room para hindi nila ako maunahan. Kinalma ko muna ang sarili ko dahil alam kong makikita ko na naman si Roxane.
Malapit na ako sa room nang biglang may umakbay sakin.
"Maaga pa naman ah. Bakit ang bilis mong lumakad?" si Harry pala. Akala ko kung sino na. Sasapakin ko na sana e.
"Wala lang. Excited akong pumasok e." ngumiti naman ako sa kanya.
"Wow himala ah. Anong nakain mo at excited kang pumasok ngayon?" ngumiti naman din siya sakin pabalik. Sasabihin ko na ba? No no. Ayokong maging spoiler. Dapat si Sarah at si Russel ang magsabi.
"Wala lang. Feeling ko may magandang mangyayari ngayong araw." sorry Harry. Need to keep quiet.
"Haha. O siya tara na nga" ginulo niya ang buhok ko at nakaakbay pa rin sakin.
"Argh! Wag mong guluhin ang buhok ko!"
"Ang arte. Tara na dali." hindi pa rin matanggal ang akbay sakin.
Hay Harry. Wag mo akong paasahin. Hindi mo ako maloloko. Alam kong si Sarah din ang gusto mo. I need to keep my guard up.
Bago ako makapasok sa room tinanggal ko na yung braso niya sa balikat ko. Dire-diretso akong pumasok sa room. Napatingin ako kay Roxane. Nakatingin din siya sakin. Mukha siyang malungkot. Weird.
Umupo na ako sa pwesto ko at hinihintay kong pumasok yung dalawa. Kinakabahan ako at the same time naeexcite.
Nakareceive ako ng text mula kay Harry.
Harry: Nasaktan ako don ah.
Huh? Anong pinagsasasabi niya?
Magrereply sana ako kay Harry nang biglang ang ingay ng mga classmate ko ay napalitan ng bulong bulungan.
Tumingin ako sa pinto. Napangiti ako.
Si Sarah at Russel. Still holding hands. Kilig much.
Medyo nakatungo si Sarah. I know. Hindi naman siya sanay sa ganito e. At kilala ko siya. Natatakot siya. Alam niyang may mga sasabihin ang mga tao sa paligid niya.
Hindi pa man sila nakakaupo nagsalita na ang isa sa kampon ni Roxane.
"Diba boyfriend siya ni Rox? Grabe naman pala ang kalandian ng babaeng yon. At ang kapal ng mukha niyang kalabanin si Roxane." pagpaparinig niya.
Tumingin ako kay Sarah. Nakatungo pa rin siya. Tumingin ako kay Russel. Ngumiti siya sakin at mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa kamay ni Sarah. Napangiti din ako. Pinipigilan ko kasing makasabunot ng babaeng pusit. Feeling niya ba maganda siya? Walang wala nga siya sa ganda ng bestfriend ko e.
"Tss. Landi talaga" sabi pa niya. Isa pa. Patay ka talaga sakin.
Malapit na samin sila Sarah nang bigla pa siyang magsalita.
"Ang kapal din talaga ng mukha mo no? Baka nakakalimutan mong hindi ka nababagay dito? Wala ka dito kung-"
"Oo mahirap siya. Hindi siya katulad niyo na matapobre at mayabang. Pero nandito siya dahil matalino siya. At alam nating lahat yon. Wala kayong karapatan para pagsabihan siya ng ganyan. Isang beses niyo pa siyang pagsabihan, ako ang makakalaban niyo." galit na galit na sabi ni Emerald. Woah! Si top 1 nagsalita. Inunahan niya ako don ah. Take note mahaba yon. Precious kaya ang salita niya.
"Ah talaga? Ano ba ang kaya mong gawin huh?" Pang uuyam na sabi ng pusit na to. Nanggigigil na talaga ako. Masasapak ko talaga to.
"Kayang kaya ko lang naman sabihin kay mommy at daddy na ipull out lahat ng investment namin sa kompanya niyo. Baka nakakalimutan mo, malaki ang utang ng pamilya mo sa pamilya ko." ngiti ni Emerald. First time ko siyang marinig na ganito.
Natahimik lahat ng mga kaklase ko. Kahit ako natahimik. Ibang klase. Ibang klase siya.
"Babe, tama na yan. Alam na niya ang kalalagyan niya." tumayo si Bernard at hinawakan ang kamay niya.
"Subukan niyong galawin at inusultuhin si Sarah, ako ang makakalaban ninyo. Understand?" dominante ang boses niya. Maganda din pala na may pinagmanahan siya sa tatay niya. Atleast natakot sa kanya lahat.
Umupo si pusit. Haha. Kala niya mananalo siya ah. Galing ni Emerald.
Umupo na si Sarah at Russel. Nakita ako ni Sarah.
"Janet.. "
"Shhh. Alam ko na kanina pa. Nakita ko kayo habang nasa canteen ako." sabay kindat sa kanya.
Ngumiti naman siya sakin pero nakikita ko sa kanya ang pag-aalala.
"You okay? Wag mo sila pansinin. Alam mo kung ano ang totoo at kung sino ka. Don't let them ruin your day okay?" ngumiti ako at ngumiti siya ulit sakin.
Tumingin ako kay Roxane. Nakatingin siya sa pwesto namin. Malungkot siya at hindi galit ang nakikita ko sa mata niya. Weird talaga. Hindi ko malaman kung umaarte ang babaeng to o hindi.
Napatingin ako kay Harry na nakatingin din sa pwesto namin. Naka tiim-bagang siya. I bet alam ko na yung ibig sabihin ng text niya kanina.
Hay Janet. Please keep your guard up even more. Alam mong masasaktan ka lang lalo na ngayon.
BINABASA MO ANG
Story of My Life
RomanceDalawang magkaibang mundo. Dalawang magkaibang tao. Paano nila pakikitunguhan ang isa't isa kung malalaman nilang ang lahat ng nangyayari ay kasama lang sa isang malaking kasinungalingan?