Sarah's POV
Naguguluhan ako.
Pinagttripan ba ako ng lalaking to?
"Baliw ka ba? Anong hindi mo mahal si Roxane e naging kayo nga?"
Tahimik lang siya.
"Russel! Ano? Kinakausap kita." naffrustrate na ako sa nangyayari.
"Hindi ko siya mahal. Hindi ko siya minahal at hinding hindi ko siya mamahalin." yun ang sinabi niya sakin.
"Pero bakit naging kayo? Bakit? Yun ang hindi ko maintindihan Russel. Dati iniiyak iyakan mo siya pag nag aaway kayo tapos ngayon sasabihin mo sakin hindi mo siya mahal? Ano yon Russel? Pwede ba pakipaliwanag kasi naguguluhan ako e!"
Napasabunot siya sa buhok niya. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi ko na siya maintindihan.
"Umiiyak ako noon dahil sa kanya oo. Pero hindi dahil mahal ko siya. Hindi ko siya mahal Sarah."
"Pero bakit nga kasi nakipagrelasyon ka sa kanya kung hindi mo siya mahal? Ano yon? Pinaglalaruan mo siya ganon? Porke may gusto siya sayo pinatulan mo agad kasi alam mo na papayag siya na maging kayo? Tapos ano? Sasaktan mo lang siya at iiwan sa panahon na gusto mo? Iiwan mo siya at papaasahin sa panahong hindi na niya kayang wala ka? Anong klase kang lalaki Russel? Akala ko ba okay ka na? Bakit mo ginawa yon? Nakasakit ka ng kapwa ko babae! At kahit malaki ang hinanakit ko kay Roxane mali ka Russel! How dare you do that to her?" galit na galit kong sabi.
Nakatungo kang siya habang nagsasalita ako. Which made me more frustrated.
"Ano ba Russel? Tutungo ka nalang ba diyan? Magsalita ka! Bakit mo ginawa yon? Bakit kailangan mong gawin yon kung--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. He kissed me. Kissed me. I was stunned. Nagulat ako sa mga pangyayari. Hindi ko alam ang gagawin. All I can feel is my heart beating so fast and his lips on mine and my cheeks with his tears. His kiss full of frustration and longing.
Tinapos din niya ang halik na yon at wala pa rin akong nasabi. Nakatingin lang ako sa kanya. Nagtatanong. Hindi ko maintindihan.
"I did that because of you."
Because of me. He did enter into a relationship with Roxane because of me.
"Remember the time you got sick? The time that you and Janet are waiting for me and I said I went to CR? That's not true. I was eavesdropping. I heard Roxane talking to the principal and she wanted you to be expelled here. So I agreed on the deal that we should be together and in return, you will be fine. You will graduate and she will never ever do nasty things to you. I did that because I want you to fulfill your dreams. And I will still do anything, everything, just for you to be happy."
I cried. Hindi ko alam na ganon katagal siyang nagtiis na hindi ako kausapin para sa kapakanan ko. Buong akala ko ayaw na niya akong maging kaibigan. Sumama pa ang loob ko sa kanya dahil akala ko sinaktan niya ako. Mali ako. Dahil sa sakit na naramdaman ko, doble pala yung sakripisyo na ginawa niya.
"Ayokong masira ang kinabukasan mo Sarah. Hindi ko kayang makita yon lalo na at alam kong may magagawa ako. Ano ba naman yung konting pagtitiis na maging kami ni Roxanne diba?" pinilit niyang ngumiti. "But she broke our deal." tiim-bagang niyang sinabi.
"What do you mean?"
"Tinangka ka niyang gawan ng masama Sarah. She tried to put poison on your drink. Natatandaan mo?"
Nagulat ako. Yun ang time na pinatawag ako sa Principal's office para icelebrate ang pagkapanalo ko sa quiz bee.
"Sarah. Pinapatawag ka. Pumunta ka daw sa Principal's office." lapit sakin ni Roxane.
Nagulat ako dahil nilapitan niya ako. And hindi niya ako tinarayan.
"Sige. Pupunta ako."
"Wait. Sabay na tayo. Pupunta din ako don e." ngumiti siya sakin.
Anong nakain ng babaeng to at nagawa pa niyang ngumiti sakin?
"Sige."
Pagdating sa office. Pinaupo ako ng Principal. Kami pala ni Roxane.
"Well, I just want to congratulate you sa pagkapanalo mo sa quiz bee. Our rival is quite hard to beat. But you made it."
"Thank you po." sabi ko naman.
"So, is it okay with you na kahit papano magcelebrate tayo? Pizza and drinks lang naman. Habang break time. Roxane bought it for us."
Napatingin ako kay Roxane at ngumiti siya sakin.
"Bakit niyo naman po sinabi? It's a secret di ba?" ngumiti siya sa principal. "Well, uhm, Sarah. I know we had this thick wall between us because we can't get along, but I just wanna appreciate your effort to give pride to our school. So I made this to congratulate you. Ayoko gawin publicly kasi alam mo na, maraming chismosa sa paligid diba?" ngumiti siya ulit sakin.
"Thank you sa pizza and drinks." yun lang ang nasabi ko.
Kumakain na kami ng pizza nung matapon ni Roxane ang iniinom ko.
"Oh I'm sorry Sarah. Wait kuha nalang kita ng drinks okay? Bili lang ako sa canteen."
"Okay lang Roxane kahit wag na. Kailangan ko na din naman umalis."
"No it's okay. Just wait here. I'll be right back."
After an hour hindi na siya bumalik. Kaya umalis nalang din ako.
"Hindi na siya nakabalik dahil sakin. Dahil hinila ko siya palayo. At nakipaghiwalay ako sa kanya pagkatapos non."
Now I know kung bakit biglang bumait sakin noon si Roxane. Pero kung ginawa ni Russel ang lahat para makagraduate ako, pano na ngayon na hiwakay na sila? Nangangamba na hindi ako makagraduate. Pero ang mahalaga, hindi na magtitiis si Russel sa kanya.
"Kung iniisip mo na nasa bingit pa ang paggraduate mo, don't worry. Makakagraduate ka. Dahil kung hindi, sa kangkungan pupulutin ang pamilya ni Roxane."
Napatingin ako sa kanya na may halong pagtataka.
"Malaki ang utang ng pamilya ni Roxane sa pamilya ko. Hinding hindi ka na nila pwedeng guluhin o kahit hawakan ni hibla ng buhok mo. One wrong move and they all suffer."
"Uhm. Pero. Bakit ka nagtiis sa kanya kung may ibang paraan ka pala?" tanong ko naman. Out of curiosity.
"Dahil lately ko lang nalaman noong nag open up ako kay dad."
Napangiti ako. Close na talaga sila ng dad niya.
"Bakit ka ngumingiti?"
"I'm just happy. Close na kayo ni Tito."
"Yeah."
Katahimikan.
Lumapit ako sa kanya. At niyakap ko siya.
"Thank you. Thank you so much."
"I told you. I will do everything for you.
I love you Sarah."
Kumalas ako sa pagkakayakap namin. Nagtaka siya. Nakita ko kung pano siya nasaktan nung ginawa ko yon.
Lumapit ako ulit.
I kissed him.
"And I love you too Russel."
BINABASA MO ANG
Story of My Life
RomanceDalawang magkaibang mundo. Dalawang magkaibang tao. Paano nila pakikitunguhan ang isa't isa kung malalaman nilang ang lahat ng nangyayari ay kasama lang sa isang malaking kasinungalingan?